Ayla's POV "Aray!" Muntik na akong mapasubsob sa sahig dahil sa bwiset na batong tumalisod sa'kin. "Bwiset na batong 'to!" Pinulot ko yung bato at basta na lang ito itinapon. Nagulat ako nang nasambot ito ng lalaking nasa harapan ko 'di kalayuan. Si baklang itlog. Binuksan niya yung kanan niyang kamay na nakasambot no'ng bato bago niya ako tinignan ng seryoso. Lumapit siya sa'kin at napasinghap ako nang hawakan niya ang kanan kong kamay. Binuka niya 'yon saka inilagay ro'n yung batong hawak niya. "Basta-basta ka nabato. Tss!" Aniya sa seryosong tono. Inirapan ko lang siya saka binato sa lupa yung bato. Tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Problema mo?" Tanong ko sa kaniya. "Sa'n ka pupunta?" Tanong naman niya sa'kin. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya s

