Prologue
"Ano na namang ka-echosan 'to ng boyfriend mo? Ha bi?" Tanong ni Ayla kay Bianca habang nakaupo sila sa bleachers ng gym. "May klase tayo tapos bigla-bigla na lang niyang ipapatigil saglit at papapuntahin tayo rito sa gym." Reklamo niya.
"Hindi ko rin alam bi. Wala akong alam dito. Wala naman siyang nabanggit sa'kin tungkol dito eh." Kibit balikat na tugon ni Bianca.
Nagtatakang napalingon si Ayla kay Bianca na kanina ay nakatingin sa stage ng gym kung saan nando'n ang pitong gangsters na bwisit sa buhay nya. Kasama ng mga pito si Shy na kabarkada ng mga ito.
"Talaga? Wala kang alam?" Umiling lang si Bianca. "Eh baka naman sosorpresahin ka na naman niya? Eh di ba mahilig naman yung itlog na 'yon do'n? Yung sosorpresahin ka niya tuwing may importanteng okasyon sa inyong dalawa. Anniv niyo ba ngayon o monthsary?" Tanong niya kay Bianca.
Umiling si Bianca rito. "It's not our anniv today nor monthsary. No'ng isang araw pa 'yon."
"Eh kung hindi, edi para saan 'to?" Nalilitong tanong niya.
"Dunno?"
Hays! Ano na naman bang kalokohan 'to ng pitong itlog na 'yon? Psh.
"Listen SU students! I have a big and an important announcement today, that's why I gathered you all here." Wika ni Zach sa mike na hawak niya.
"Ano namang announcement 'yon? Dami talagang alam ng itlog na 'to eh." Bulong ni Ayla.
Tinanguan ni Zach si Shy. Tumango rin ito at agad na bumaba ng stage. Pumunta siya sa pwesto nina Bianca at Ayla.
"Come with me." Utos ni Shy kay Ayla.
"Ako?" Turo naman ni Ayla sa sarili niya.
"Oo, ikaw nga." Hinawakan ni Shy ang kamay ni Ayla at hinigit ito papuntang stage. "Sumama ka sa'kin."
"Bi!" Sigaw ni Bianca.
"T-Teka! Ba't tayo pupuntang stage? A-Ano bang gagawin natin do'n?" Pilit na tinatanggal ni Ayla ang kamay ni Shy.
Binitawan agad ni Shy ang kamay ni Ayla nang makarating sila sa baba ng stage.
"Stay here." Utos niya.
"Teka—" Umakyat si Shy sa stage at iniwan siya sa baba. "Ano bang ginagawa ko dito?"
Malamang pakana na naman 'to ng itlog na 'yon.
"So I was saying, I have an announcement." Muli niyang tinanguan si Shy. Bumaba si Shy ng stage at hinigit si Ayla papuntang stage sa tabi ni Zach. Magsasalita sana si Ayla pero agad siyang pinigilan nito. "Don't talk."
Psh! Anong akala sa'kin ng itlog na 'to, isang utusan at inuutusan niya lang ako? Sapakin ko 'to eh!
"I want you all to listen to me. Tandaan niyo lahat ng sasabihin ko." Tumigil saglit si Zach bago ulit nagsalita. "Simula sa araw na 'to, Ms. Ayla Reese Bautista is my new girlfriend now."
Nagbulungan lahat ng mga estudyante sa loob ng gym. Lahat sila halatang nagulat maging si Ayla.
Inakbayan ni Zach si Ayla.
"She's mine!"
Hindi agad nakapagreact si Ayla dahil sa pagkabigla niya sa mga sinabi ni Zach.
Inilapit ni Zach ang bibig niya sa tenga ni Ayla. "You're mine now." Bulong niya habang nakangisi.