Chapter 1: War Zone

1285 Words
Third Person's POV "Ano!? Mambabastos pa ba kayo ng mga babae, ha!?" Sigaw ni Ayla sa tatlong lalaking sinubukan siyang bastusin. Hawak-hawak ng mga pulis na rumesponde yung tatlong lalaki. Nakaposas na ang mga kamay ng mga ito. Bugbog sarado na rin sila kung titignan palang ang mga mukha nila. "H-HINDI NA PO!!!" Sabay-sabay na tugon ng mga ito. "S-SORRY PO!!!" "You should be! Ang lalakas ng loob niyong mambastos ng mga babae. Mga m******s! Wala naman kayong naitutulong sa ekonomiya ng Pilipinas!" Pinuyod niyang muli ang buhok niya na inilugay niya kanina nang makipagbugbugan siya sa mga m******s na 'yon. "Mali kayo ng binastos na babae. Kapag inulit niyo pa 'yon, hindi lang 'yan ang aabutin niyo sa'kin, maliwanag!?" Banta niya sa mga ito. "O-OPO!!!" "Good!" Tumingin si Ayla do'n sa tatlong pulis. "Sige na ho mga manong pulis, dalhin niyo na ho 'yang mga m******s na 'yan." "Salamat iha! Tagal na naming hinahanap 'tong mga 'to. Madami na kasing nabiktima 'tong mga ugok na 'to eh." Sabi no'ng isang pulis. "Wala ho 'yon!" Tugon naman ni Ayla. Sumaludo sa kaniya yung pulis na nagsalita. Sumaludo rin siya rito at saka dinala na ng mga ito sa loob ng kotse yung tatlong lalaki. Nang makaalis ang mga ito ay saka niya naman pinulot ang bag niya na nakalapag sa kalsada. Nagsimula na ulit siyang maglakad papuntang school. Sa Star University. First year college na siya ngayon. HRM ang kinuha niyang kurso dahil hilig niyang magbake. Walking distance lang naman ito mula sa bahay nila kaya nagpapasya siyang maglakad na lang kesa mamasahe pa o magpahatid pa sa Papa niya. Isa pa, mas na-eenjoy ni Ayla na maglakad kesa sumakay. Mas na-rerelax siya kapag naglalakad siyang mag-isa. Hindi niya lang inaasahan na may mga makakasalubong siyang mga m******s sa daan. Araw-araw na kasi niyang ginagawa ang paglalakad papasok ng school kaya panatag na siya. Hindi niya lang inaasahan yung kanina. Pasalamat na rin siya dahil naturuan siya ng Papa niya ng mga self-defense. Dati kasi itong gangster kaya hindi na siya nagtataka na marunong itong makipaglaban. Nagbago ito simula nang makilala ng Papa nya ang kaniyang Mama. Gayon pa man, kahit na isa siyang anak ng dating gangster, ayaw na ayaw niya sa mga ito. Ayaw niya sa mga basagulero. Para sa kaniya puro kayabangan lang ang pagiging gangster. Puro basag-ulo ang alam. Puro papogi. Mabilis lang din siyang nakarating ng school. Madami na ring estudyante ang nandoon kahit maaga pa. Isang normal na umaga. Naglalakad na siya sa hallway nang makarinig siya ng isang malakas na sigaw. "WAAAA!!! NANDYAN NA ANG VIPERS!!!!" Haay! Ito na naman tayo. Bulong niya sa kaniyang sarili. Parang naging signal 'yon para magsilabasan ang mga estudyante at pumunta sa hallway kung saan siya ngayon naglalakad. Nakahawi ang mga ito na parang nagbibigay ng daan sa pitong parating. Ang.... Vipers. Psh! Feeling artista 'tong pitong itlog na 'to. Araw-araw ganito ang eksena sa SU. Sa tuwing papasok ang Vipers, hindi mawawala ang mga tilian ng mga babae. "Hey! Get out of our way!" Utos ni Zach kay Ayla. Hindi lumingon si Ayla at patuloy ang paglalakad. Bahala ka diyan! Hindi ako magbibigay daan para sa mga itlog na tulad nyo 'no? Nek-nek mo! "Hoy! Bingi ka ba!?" Bulyaw ni Zach. Pinagtitinginan ng mga estudyante sina Ayla at Zach. Pero patuloy pa rin sa paglalakad si Ayla at gano'n din ang Vipers. Sa pikon ni Zach ay hinawakan na niya ang braso nito. Napatigil si Ayla sa paglalakad at lumingon sa kanila. Marahas na tinanggal ni Ayla ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Zach. "Ano bang problema mo!?" Sigaw niya kay Zach. Tinignan ng masama ni Zach si Ayla. "I said get out of our way." Mariing wika ni Zach. Lumapit si Ayla kay Zach. "Eh pa'no kung ayoko? May magagawa ka?" Hamon niya. Napa-woah naman ang nasa paligid. Sanay na sila sa ganitong eksena. Ilang taon na yatang magkaaway sina Ayla at Zach at para sa mga estudyante rito ay normal na 'yon. "Hinahamon mo ba ko?" Pigil na pigil ang inis ni Zach dito dahil bukod sa babae ito ay bestfriend din ito ng girlfriend niya. Tinitigan ito ni Ayla. "Pa'no kung sabihin ko sa'yong, oo?" Muling napa-woah ang mga estudyanteng nakapaligid sa kanila. Maging ang Vipers ay napa-woah na rin. Nagtitigan silang dalawa na para bang may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila. "Zach, Ayla tama na." Pag-awat ni Bianca. Hinawakan niya sa braso si Ayla. "Nag-aaway na naman kayo? Hindi ba kayo nagsasawa? Almost everyday ginagawa niyo 'to. For almost years you've been arguing." Bumuntong hininga si Bianca. "Why can't you just be friends?" "Friends!? Dito sa itlog na 'to?" Tinuro niya si Zach. "Utot! Ayoko nga!" "Anong sabi mo!? Itlog?" Susugod sana si Zach pero pinigilan siya ni Bianca. "I'm sorry, babe." "Tama na please?" Pag susumamo ni Bianca. "Sorry bi pero sana pagsabihan mo rin 'yang boyfriend mo na bawas-bawasan ang pagiging mayabang niya." Inirapan niya si Zach. "Pasok na ko." Paalam ni Ayla at agad na umalis. Psh! Panira ng araw. "Bi hindi mo ba talaga kayang makipagkaibigan kay Zach?" Napatigil sa pagsubo si Ayla ng spaghetti na binili niya sa cafeteria. "I mean, he's my boyfriend and you are my best friend. Gusto ko namang magkasundo yung dalawang taong pinakaimportante sa buhay ko." Aniya. Bumuntong hininga si Ayla. "Bi di ba napag-usapan na natin 'to? Pumayag na ko dating manligaw siya sa'yo at sagutin mo siya kahit na bad influence siya sa'yo dahil isa siyang gangster. Pero yung sinasabi mo, hindi ko 'yon magagawa. Yung pakikipag-ayos pa nga lang do'n sa itlog mong boyfriend, 'di ko na masikmura eh. 'Yon pa kayang pakikipagkaibigan sa kaniya?" Sumubo si Ayla ng spaghetti. "No way." Dagdag niya. "Kahit gawin mo na lang 'to para sa'kin bi. Please?" Pagpilit ni Bianca kay Ayla. Tinignan niya si Bianca ng seryoso."Sige, makikipag-ayos ako sa kaniya pero sa isang kundisyon." Saad ni Ayla. "Ano naman 'yon?" "Makipaghiwalay ka sa kaniya." Usal ni Ayla. "Bi naman!" Reklamo ni Bianca. "Mahirap naman yung kundisyon mo eh." "See? Mahirap, ganyan din kahirap ang makipagkaibigan sa itlog na 'yon." Ani Ayla sabay subo ng spaghetti. Bumuntong hininga si Bianca. "Mabuting tao si Zach, bi. Kaya ko nga siya nagustuhan eh." Giit niya. Mabuting tao? Yung itlog na 'yon? "Hindi rin." Bulong ni Ayla. Nang matapos ang break time nila ay agad na pumunta ng klase nila sina Ayla at Bianca. Pagdating nila sa room ay nandoon na si Zach at Gab. HRM din ang course ng mga ito. Si Gab ay pinsan ni Zach. May kapatid ito na fourth year high school pa lang. Si Aeiou Villafuerte na doon din nag-aaral. "Hi babe!" Hinalikan sa pisngi ni Zach si Bianca nang makalapit ito sa kanila. "I missed you." "Sus! Namiss mo agad ako? Eh konting oras lang naman akong nawala eh." Natatawang wika ni Bianca. "Oo namiss kita agad. Gusto ko kasing palagi kang nakikita." Paglalambing ni Zach. Bianca giggled. "I love you." "I love you too." Napa-ikot ni Ayla ang mga mata niya dahil sa ka-sweetan ng dalawa. Umupo na lang siya sa upuan niya sa tabi ni Gab. Do'n kasi nakaupo si Bianca sa tabi ni Zach. "Sweet nila 'no?" Napalingon si Ayla kay Gab na nakatingin sa dalawang naglalampungan. Napailing na lang si Ayla. "Nakakainggit tuloy." Napatawa si Ayla sa pag-pout na ginawa ni Gab. "Hindi bagay sa'yo mag-pout. Tigilan mo nga 'yan! Saka, wag ka na mag-selos, mas gusto naman kita para sa bestfriend ko kesa sa itlog na 'yon, 'no?" Tinapik ni Ayla ang balikat ni Gab. Pinamulahan naman agad ng pisngi si Gab. "A-Ano bang s-sinasabi mo diyan?" Nauutal nitong saad. Muling napatawa si Ayla sa reaksyon nito. "Wala!" Aniya. Matagal nang alam ni Ayla na may gusto si Gab sa bestfriend niya. Nahalata na niya ito noon pa. Iba kasi kung tignan nito si Bianca. Minsan nahuhuli niya rin itong nakakatitig kay Bianca. Minsan naman nakikita niya itong malungkot na nakatingin kina Zach at Bianca. Katulad na lang ngayon. Naaawang napatitig na lang si Ayla kay Gab habang abala ito sa pag titig sa dalawang magkasintahan. Hay! Pag-ibig nga naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD