Zach's POV
"Babe?" Tawag ni Bianca sa'kin.
"Hmm?" Tugon ko.
Nagmamaneho ako ngayon kaya hindi ako makalingon sa kaniya. Papunta kaming mall para magdate dahil matagal na rin simula nang makalabas kaming dalawa para magdate.
Ang sabi ko, gusto kong bumawi sa kaniya. Isa pa, namiss ko rin ang ganito. Yung magdedate kaming dalawa. Naging busy kasi kami pareho sa school this past few days kaya nawalan na kami ng time para magdate.
Pakiramdam ko pati, palagi ko siyang namimiss. Kapag hindi ko siya nakita kahit isang minuto lang, miss ko na agad siya. Gusto ko siya palaging nakikita.
Damn! I really love this girl.
"Ahm? M-May gusto sana akong itanong eh." Nag-aalinlangan niyang wika.
Nilingon ko siya saglit pero binalik ko rin agad yung tingin ko sa kalsada.
"What is it, babe?" Hindi pa rin siya naimik kaya nilingon ko ulit siya. "Come on, babe! Don't be shy." Nginitian ko siya bago binalik ulit ang tingin sa daan.
Huminga siya ng malalim. "Bakit ka ba galit na galit sa bestfriend ko?" Muli akong napalingon sa kaniya. "I-I mean why are you both always arguing? Know what babe, I really don't understand why are you both don't like each other. Ever since na nagkakilala kayo, mainit na ang ulo niyo sa isa't-isa." Usal niya.
"Babe, wala naman talaga akong problema sa best friend mo eh. Yung best friend mo ang may problema." Paliwanag ko. "May problema siguro sa isip 'yon."
Totoo naman eh! Yung Ayla na 'yon ang may problema. Ewan ko ba do'n? Palagi na lang ang init ng ulo sa'kin. Wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama. Kaya ko lang naman napapatulan 'yon dahil siya palagi ang nag-uumpisa ng away. Gumaganti lang ako. Hindi ako naging Vipers para lang magpatalo do'n sa babaeng 'yon. Well, may kasalanan din naman ako sa kaniya pero hindi naman siguro dahilan 'yon para suntukin niya ko sa harap ng maraming tao noong unang beses naming magkita. At hindi lang 'yon, sinuntok niya ulit ako sa pangalawang pagkakataon na nagkita kami. Hindi ko nga alam kung babae ba talaga 'yon o kunwari lang na babae eh. Mas malakas pa siya sumuntok sa'ming Vipers eh. Ang liit-liit naman ng kamao.
Napatingin ako sa stoplight, pula ito kaya tumigil ako.
"Babe!" Saway niya sa sinabi ko. "Pwede bang 'wag mo na lang patulan si Ayla? Just try to be nice to her. She's my best friend. Para wala na lang din gulo. Please?" Hinawakan niya ang isang kamay ko na nakapatong sa hita ko.
Be nice to her? Hindi ko yata kayang gawin 'yon. Pero pano ko ba siya matatanggihan? Mahal ko 'to eh. Kahit ayoko, gagawin ko na lang din.
Pipilitin ko.
I sighed. "Okay, I'll try. But I can't promise babe. Depende pa rin 'yon sa best friend mo." Wika ko.
Ngumiti siya ng bahagya.
Ugh! That smile.
"Don't worry, I'll talk to her again. Thanks babe!" Saad niya.
Nginitian ko rin sya. "Anything for my babe." Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo. "I love you so damn much." I whispered.
Mas lalong lumawak ang ngiti niya sa kanyang labi. "I love you more."
Isa lang ang nasa isip ko ngayon.
I'm so inlove with this girl!
"Hey dude!" Nakipag-fist bump sa'kin si Xander pagkapasok ko pa lang ng tree house namin na nasa likod lang ng school. "Where have you been? 'Wag mong sabihing nakipagdate ka kay Biancs baby?"
"Yes and can you please stop calling her baby? She's my babe! Isa pa, 'wag mo siyang ihalo sa mga babae niyo ni End. Ibang-iba siya kumpara sa mga 'yon." Mariin kong wika.
Itinaas ni Xander ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko. "Okay, okay! I was just kidding. Masyado namang mainitin ang ulo mo." Binaba na niya ang kamay niya. "Saka, we all know here na Bianca is different. Palagi mo naman yung sinasabi sa'min eh, kaya nasaulo ko na."
Napa-ikot ko ang mga mata ko dahil kay Xander.
"Teka! Narinig ko kanina yung gwapo kong pangalan. Ba't naman ako nadamay diyan?" Singit ni End na nakaupo sa upuang gawa sa kahoy habang kinakalikot ang phone niya. "Hoy Zach! Gwapo lang ako, habulin ng chicks. Kasalanan ko ba 'yon?"
"Well unfornately, it's not our fault na pinanganak kaming gwapo. Blame our parents, sila ang gumawa sa'min." Dagdag pa ni Xander sa sinabi ni End.
"T*ngina! Ang hahangin niyong dalawa. Manahimik nga kayo!" Saway ni Jared sa mga ito.
"Inggit ka lang dude! Palibhasa mas gwapo kami sa'yo eh." Pang-aasar ni End. Nakipag-apir pa siya kay Xander.
Mga siraulo talaga 'tong mga 'to.
"Lul! Mas gwapo ako sa inyo 'no?" Giit naman ni Jared.
"H'wag na nga kayong magtalo, halata namang ako yung pinakagwapo rito eh." Singit ni Dexter habang nakahiga sa mahabang upuang gawa rin sa kahoy. "Ako ang pinakagwapo sa inyo." Dagdag pa niya.
Tumilapon naman sa mukha ni Dex ang isang tuwalya na kanina'y hawak ni Ace.
Nakaupo si Ace sa dulo ng upuan kung saan nakahiga si Dex.
"Utot mo! Wag nga ako. Ikaw gwapo? Ulol! Ako kaya 'yon!" Saad naman ni Ace.
Napatingin kaming lahat kay Keanne dahil sa lakas ng tawa nito.
"Dude! Are you crazy? Tumatawa ka diyan mag-isa." Banat ni Xander.
Muling tumawa si Keanne bago nagsalita. "Nagtatalo-talo pa kayo diyan. Eh halatang-halata naman kung sino ang pinakagwapo sa'tin eh. At ako 'yon! The one and the only Keanne Rosh Montefalcon." Nagpogi sign pa siya with matching kindat.
"ULOL!" Sabay-sabay na sigaw nina Ace.
Binato ni Dex si Keanne ng towel na binato sa kanya kanina ni Ace. Nasambot naman ito ni Keanne.
"Bakit? Totoo naman ah?" Giit pa ni Keanne.
"Lakas mo rin dude." Ani End na patuloy sa pagkalikot sa cellphone niya.
"Oy! Tigilan niyo na nga 'yan." Singit ko. Tumingin silang lahat sa'kin. "Wala namang gwapo sa inyong lahat eh. Dahil kung may gwapo man dito, ako lang 'yon." Pagyayabang ko.
O, bakit? Totoo naman 'di ba? Angal kayo!?
Bumunghalit sila ng tawa. Lahat sila nakahawak na sa mga tiyan nila kakatawa.
"Hoy! Hindi 'yon joke 'no? Ba't kayo tumatawa!?" Sigaw ko sa kanila. "Tumigil nga kayo sa kakatawa!"
"Sorry dude! Pero laughtrip 'yon eh." Muling tumawa si Dex bago muling nagsalita. "Ang seryoso ng mukha mo no'ng nagsasalita ka tapos bigla mong sasabihin 'yon. Dude, you made my day!" Natatawa niyang wika.
"Mang-iistalk na lang ako ng mga magaganda at sexyng babae kesa makinig sa'yo." Usal naman ni End na nakatingin na ulit sa cellphone niya.
"Oy! Pashare End, gusto ko 'yan." Mabilis na lumapit si Xander kay End. "Dude, kung ako sa'yo magkape ka muna. Para kabahan ka naman sa mga sinasabi mo." Dagdag pa niya habang nakatingin sa cellphone ni End.
"Tss! Ewan ko sa inyo. Bahala nga kayo diyan!"
Umalis ako ng tree house namin. Kainis! Lakas nila mang-asar ah. Eh totoo namang ang papanget nila. Ako lang naman ang gwapo sa Vipers eh. Di lang talaga nila matanggap 'yon.
Tss! Tawagan ko na nga lang yung babe ko.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko. Ida-dial ko na sana yung number niya nang bigla kong maalala na may klase nga pala siya ngayon.
"Tanga mo Zach! Kakahatid mo nga lang sa kaniya sa klase niya kanina 'di ba?" Bulong ko sa sarili ko.
Magkaiba kasi kami ng schedule ni Bianca. First year pa lang kasi siya, second year naman ako, si Gab at ang Vipers. Pareho lang kami ng course kaya minsan magkaklase kami sa isang subject.
Vacant ko lang ngayon. Dalawang oras akong vacant. Isang oras na lang at may klase na ulit ako. Yung kanina naman, vacant si Bianca kaya nakapagdate kami ng isang oras.
"Hay! Namimiss ko na agad siya."
Kung puntahan ko kaya siya sa classroom niya? School ko naman 'to kaya pwede ko siyang i-excuse sa klase niya.
"Tama!"
Agad akong pumunta sa room niya. Pagdating ko do'n, wala pa yung Prof nila.
Pagpasok ko pa lang sa pintuan nila, nagsigawan na agad yung mga babae.
Psh! Ang sakit sa tenga ng mga tili nila.
Hinanap ng mata ko ang babe ko. Nakita ko agad ang napakaganda niyang mukha. Nginitian ko siya at kahit may pagtataka sa mukha niya ay ngumiti na rin siya sa'kin.
Lumapit ako sa upuan njya at umupo sa bakanteng upuan na katabi niya. May bag sa upuan noon kaya mukhang may nakaupo rito.
"Hi babe!" Sabi ko sabay kindat.
Ngumiti siya. "Hi babe! Anong ginagawa mo rito? May klase pa kami, mamaya pa awas ko." Sabi niya.
"Yeah, I know. I just missed you, babe." Nagpout pa ko para magpacute sa kaniya.
Minsan talaga, ang isang gangster na tulad ko kahit anong angas at tigas sa harapan ng iba. Magiging malambot ka at magiging parang bata sa harapan ng mahal niya.
Narinig ko naman ang matamis niyang tawa. "Babe, para kang bata. Saka magkasama lang tayo kanina 'di ba? Nagdate pa nga tayo eh. Miss mo agad ako?"
Nagpout pa ko lalo. "Bakit? 'Di mo ba ko namimiss babe?"
Kinurot niya ang pisngi ko.
"Syempre namimiss kita, pero babe may klase pa ko at ikaw rin mamaya 'di ba? Magkikita naman tayo pagka-awas eh. Nag-aaral pati ako kasi pagbalik ng Prof namin may long quiz kami." Paliwanag niya.
"Eh wala pa naman yung Prof niyo eh, kaya dito muna ako." Nagpacute pa ko sa kaniya.
Hay! Hindi ko akalaing nagagawa ko ang mga ganitong bagay. Nang dahil 'yon sa babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Ehem!"
Napalingon kaming dalawa ni Bianca doon sa tumikhim.
"Upuan ko 'yan kaya alis diyan. Saka ano bang ginagawa mo ritong itlog ka? Hindi mo naman 'to room. May klase pati kami kaya alis!" Sunud-sunod na usal ni Ayla.
Yung bibig ba nitong babaeng 'to, eh gawa sa isang uri ng baril? Sunud-sunod kung bumanat eh.
"Eh pa'no kung ayoko?" Paggaya ko sa sinabi niya kanina sa'kin habang nakangisi.
"Babe." Saway sa'kin ni Bianca.
Hay!
Tumayo ako at nagbigay daan para sa babaeng 'to. Inirehistro ko pa yung kamay ko sa upuan niya para paupuin siya.
"Upo ka na po." Binigay ko sa kaniya ang pinakaplastik kong ngiti.
"Psh! Plastik." Bulong niya sabay upo.
Tss! Kung 'di lang dahil kay Bianca, hindi ko gagawin 'to, 'no?
"Babe, una na ko. I love you!" Pagpapaalam ko kay Bianca. "Good luck sa quiz mo mamaya." Nagflying kiss pa ko sa kaniya.
Kinilig naman yung mga babae sa room. Tss! Para namang para sa inyo 'yon. Para lang 'yon sa babe ko 'no?
Ngumiti si Bianca. "I love you too, babe."
Damn! She's way more prettier when she smiles.
Napatingin naman ako kay Ayla. Nakatingin pala siya sa'kin ng masama. Ngumiti ulit ako ng plastik sa kaniya dahil alam kong nakatingin sa'kin si Bianca.
Inirapan lang ako ng magaling. Wow ha? Tss! Umalis na lang ako ng room bago ko pa mailabas yung inis ko sa babaeng 'yon sa harap ni Bianca.
"You're my biggest frenemy....Ayla."