Chapter 3: Blackmail

2422 Words
Jared's POV "Jared Oppa, libre mo kong ice cream, jebal?" Nakangusong pagmamakaawa sa'kin ni Sam sabay turo roon sa ice cream vendor sa 'di kalayuan. "I want ice cream." Natawa ako sa reaksyon niya. Ang cute niya talaga pag nagbabata-bataan siya. Sanay na ko sa kaniya. Childish talaga siya simula pagkabata hanggang sa lumaki kami. We're childhood friends. Mas matanda lang ako sa kaniya ng dalawang taon. She's only 17 and fourth year high school. Samantalang ako naman, 19 years old at second year college na. Magkapatid na ang turingan namin sa isa't-isa kaya maknae ang tawag ko sa kaniya at oppa naman ang tawag niya sa'kin. Pareho kasi kaming may alam sa pagsasalita ng korean language kaya 'yon na yung naging call sign namin. Saka isa pa, lumaki rin kami sa Korea noon. "Palagi na lang kitang nililibre tuwing uwian. Araw-araw ubos pera ko sa'yo, Maknae. Bukas pala, 'di na kita sasabayan sa pag-uwi." Biro ko sa kaniya. Nagpout siya bigla. "Ang damot mo, Oppa!" Nagcross arms siya at tumalikod sa'kin kaya natawa ako. "Sige, tumawa ka pa!" "Dangsineun jeongmal kwiyeowoyo." Bulong ko pero sapat lang para marinig niya. (You are very cute.) "Che! Jeori gaseyo!!" Sigaw niya. (Go away!) Hay! Ang childish talaga nito kahit kailan. Pasalamat siya, cute siya. Hinawakan ko ang dalawa niyang balikat tyaka pinilit siyang iharap sa'kin. Tinignan ko siya diretso sa mga mata niya. "Ayokong umalis katulad ng sinabi mo. Jeoneun dangshingwa hamkkehago shipeoyo" Seryoso kong wika sa kaniya. Napapikit-pikit si Sam sa gulat. Bigla ko rin namang narealize yung sinabi ko sa kaniya. "A-Ahm, ibig kong sabihin ayokong umalis kasi ayokong iwan ang batang katulad mo na nagpapalibre sa'kin ng ice cream dito sa gitna ng daan. Mahirap na, baka may dumaang van dito na nangunguha ng bata." Biro ko. (I want to be with you.) Marahas niyang pinalo ang braso ko. "Niga shireo, Oppa! Hindi na ko bata. 17 years old na ko at isa pa malapit na kong mag-18 so it means lady na ko no'n." Giit niya. (I hate you, Oppa!) Ginulo ko ang buhok niya. "Para sa'kin bata ka pa rin. Kahit dumating na yung araw na 18 ka na, you will still be my little maknae." Walang magbabago do'n. Isa pa, ayoko rin talagang dumating ang araw na 'yon. Ayoko kasi ibig sabihin no'n legal na siyang magkaroon ng boyfriend sa parents niya. Marami na nga ang umaaligid sa kaniya ngayon pa lang, pa'no pa 'pag 18 na siya? Hindi ko yata kakayanin pag nagka-boyfriend na si Sam. Napansin kong may bigla siyang binulong, hindi ko 'yon narinig. "May sinasabi ka ba, Maknae?" Tanong ko. "Wala! Sabi ko libre mo na kong ice cream baka maubusan na ko eh." Hinila niya ko bigla papunta doon sa ice cream vendor na pinagkakaguluhan ng mga bata. "Ga ja!" (Let's go!) "Teka Sam! Wag ka namang magmadali! Hindi ka naman mauubusan eh!" Sigaw ko sa kaniya pero 'di siya nakinig, patuloy lang ang paghila niya sa'kin. Nang makarating kami do'n saka lang niya binitawan yung kamay ko. "Hay! Muntik na kong madapa sa pag-higit mo sa'kin maknae." Reklamo ko. Tinignan ko siya at mukhang hindi niya naintindihan yung sinabi ko. Abala siya sa pakikipagsiksikan sa mga batang bumibili rin doon. Hindi ko na naman maiwasang hindi matawa dahil sa pagiging isip bata niya. "Ganyan ba ang sinasabi niyang magiging lady?" Bulong ko sa sarili ko. Bigla siyang humarap sa'kin na todo ang ngiti. Ang cute niya talagang ngumiti. "Jared Oppa, halika!" Lumapit naman ako agad sa kaniya. "Gusto ko nong strawberry flavor." Turo niya do'n sa ice cream na nasa loob ng lagayan ng ice cream. "Gusto ko 10 pesos." "Oo na! Sige na!" Napa-ayie naman siya at may palakpak pa. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa ko saka kumuha ng isang daan. 'Yon lang yung pinaka-barya ko eh. "Manong pabili nga pong 10 pesos na ice cream, yung strawberry raw po." Sabi ko sabay abot do'n sa tindero. Kinuha niya yung pera saka kumuha ng ice cream. Pagkatapos binigay niya sa'kin, humarap ako kay Sam at parang nagheart pa yung mga mata niya nang binigay ko sa kaniya yung ice cream niya. Nakakatuwa talaga siya! "Iho ito na yung sukli mo oh!" Tawag sa'kin no'ng mamang sorbetero sabay abot ng sukli. Umiling ako. "H'wag na ho manong! Libre ko na po 'yan do'n sa mga bata." Humarap naman ako do'n sa mga bata. "Mga bata 'wag na kayo magbayad, libre na kayong lahat." "YEHEY!!!" Sigaw ng mga bata. "Manong sige ho! Kayo na po bahala sa mga bata." Sabi ko. "Salamat iho!" Umalis na kami at nagsimula nang mag-lakad pauwi. Hindi ko kasi dinala yung kotse ko dahil may isang makulit na bata ang pumilit sa'king 'wag ko na raw dalhin kasi gusto niyang maglakad daw kami pauwi. Hays! "Oh, are you happy now?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami. Hindi ko narinig na sumagot siya kaya nilingon ko siya. Napangiti ako sa itsura niya ngayon. May ice cream sa ilong niya pero hindi niya alam, patuloy lang siya sa pagdila ng ice cream niya. Bigla akong pumunta sa harapan niya kaya napatigil siya sa paglalakad. "Wae?" Tanong niya. (Why?) "May ice cream ka sa ilong mo." Kinuha ko yung panyo ko saka ko pinunasan yung ilong niya. "Messy eater." Nginitian niya lang ako ng wagas. Yung ngiting palaging abot tenga. Cute... Trina's POV "Ay! Sorry Ayla!" Paghingi ko ng pasensya. Nagkabanggaan kasi kaming dalawa. Umupo ako sa sahig at kinuha yung mga librong tumilapon sa sahig. "Okay lang 'yon! Sorry rin, hindi kasi kita napansin. " Tugon niya habang pinupulot din yung iba ko pang libro na hiniram ko sa library. Pagkabalik niya sa'kin ng mga libro, tumayo na kami pareho. "Sorry ulit Trisha, ha?" Nagulat ako dahil sinabi niya yung pangalan ko. "K-Kilala mo ko?" Tanong ko. Ngumiti siya sa'kin. "Nabasa ko lang yung nasa ID mo." Napatingin ako sa ID na suot ko. "Trisha Natalie Esteban." Pagbasa niya sa pangalan ko. Tumango ako sabay ayos ng salamin na suot ko. "Ah oo  pero Trina na lang. 'Yon kasi ang tawag sa'kin eh." Muli niya kong nginitian. "Trina? I prefer Trisha. Para maiba naman. Okay lang ba?" Suhestiyon niya. "Ah eh...o-oo naman." Tugon ko. "Ah sige Trisha, una na ko ha? May hinahabol pa kasi akong isang malaking itlog eh. Nice to meet you! Sige, bye!" Bigla siyang tumakbo muli pero tumigil agad siya at humarap muli sa'kin ng nakangiti. "Ang ganda nga pala ng name mo!" Pagkatapos no'n, tuluyan na siyang tumakbo paalis. Hindi na ko nakapagpasalamat sa kaniya. Kilala ko siya dahil sikat siya sa school na 'to. Bukod kasi sa best friend siya ni Bianca na girlfriend ni Zach. Siya lang pati ang kaisa-isang may lakas ng loob banggain ang Vipers lalo na si Zach. Hindi na rin ako nagulat na hindi niya ko kilala. Isa lang naman akong nobody sa school na 'to. Isang nerd na walang kaibigan kundi ang mga libro, papel, notebooks, ballpen at ang bestfriend ko, ang eye glasses ko na ilang taon ko nang kasama. Bumuntong hininga ako. Nagpasya na'kong pumunta sa palagi kong pinupuntahan tuwing mag-aaral ako o kaya naman pag gusto ko lang mag-basa. Sa garden ng school kung saan nandoon ang isang matandang puno ng Narra. Nag-indian seat ako sa ilalim no'n at isinandal ang likod ko sa puno. Dito ako pumupunta palagi kasi dito lang ako nakakahanap ng peace, na hindi ko nakukuha tuwing nandito ako sa campus. Binuklat ko ang isang libro na paborito kong basahin. Ang libro ni Nicholas Sparks. Siya ang pinakapaborito kong author sa lahat. Ang gaganda kasi ng mga sinusulat niya. Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng hagikgik ng isang babae. "Baby ano ba? Hihi! May kiliti ako diyan." Wika ng isang babae. "Baby! Hihi!" Sinara ko yung libro ko saka tumayo para hanapin kung sino yung babaeng nagsalita. Pag-tingin ko sa likod ng puno na sinasandalan ko ay napatakip ako ng bibig ko sabay talikod. Oh my god! Si Xander ba 'yon? Si Xander nasa likod lang pala ng punong sinasandalan ko kanina. May kaharutan pa siyang babae. Oo nga pala, isa siyang playboy. "Baby, who is she?" Narinig kong tanong no'ng babae. "Do you know her?" Hindi! Hindi nya ko kilala. Hindi ako kilala ng taong matagal ko nang hinahangaan. Oo, tama, gusto ko siya. Matagal ko nang gusto si Alexander Alonzo 'The Campus Playboy'. Hindi ko alam kung bakit at kung paano ko siya nagustuhan basta nangyari na lang. Dapat nga hindi ko siya magustuhan dahil isa siyang playboy pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit sa lahat, siya pa. Si Xander pa. Hindi naman niya ko mapapansin kahit kailan. Sa loob ng apat na taon na nagustuhan ko siya, ni minsan 'di pa niya ko napansin. Hindi na rin ako umaasa. "Alis ka na muna." Narinig kong utos ni Xander do'n sa babae. "What? But—" "Just get out of here! Now!" Bulyaw njya. Hindi ko alam kung nakaalis na yung babae dahil nakatalikod pa rin ako hanggang ngayon. "You can turn around now." Utos niya. Teka? Ako ba kausap niya? "Yeah, I'm talking to you." Saad niya. Nababasa niya nasa isip ko? "No, I'm not a mind reader. Malakas lang ang pakiramdam ko na 'yon ang nasa isip mo." Ani Xander. "So, can you turn around now?" Bumilis ang t***k ng puso ko habang unti-unti akong humaharap sa kaniya. Kinakabahan ako dahil sa loob ng apat na taon, ngayon ko lang siya makakaharap. Nakayuko akong humarap sa kaniya dahil nahihiya akong tignan siya. Nakatingin lang ako do'n sa mga daliri ko na pinaglalaruan ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Narinig ko ang pagtawa niya. "Bakit ka nakayuko? Come on, show your face." Utos niya pero nanatili pa rin akong nakayuko. "Don't be shy. I'm not going to do anything." Nag-dalawang isip pa'ko no'ng una bago ako unti-unting tumunghay. Nang magtama ang mga mata namin ay lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Nakalabas ang mga mapuputi niyang ngipin. Lalo akong naging uneasy nang tignan niya ko mula ulo hanggang paa sabay tingin muli sa'kin. "Dapat hindi mo kinakahiya 'yang mukha mo. You're pretty. Hindi ka dapat palaging nakayuko. You should be proud with your looks." Wika niya. Pretty? Ako? Sinabi niya ba talaga 'yon? Tumayo siya bigla at lumapit sa'kin. Napaatras ako dahil sobrang lapit na niya sa'kin. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na ganito siya kalapit sa'kin. Nagulat ako nang may bigla siyang kinuha mula sa buhok ko. "May tuyong dahon ka sa buhok mo. " Pinakita niya sa'kin yung tuyong dahon bago ito itinapon sa lupa. Muli siyang ngumiti sa'kin. "Next time, ayokong makikita kang nakayuko okay? I want to see your pretty face. Dapat nakatunghay ka lang palagi, alright?" Napatango ako ng wala sa sarili. Lalong lumawak ang ngiti niya tyaka tumalikod sa'kin pero bago s'ya umalis ay may sinabi siyang nakapagpatigil ng t***k ng puso ko saglit. "See you when I see you...Trina." He knows my nickname. Zach's POV Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil kay Aeiou. "Aeiou? Why are you here?" Hindi ko inaasahang kasama ni Gab si Aeiou papunta rito sa bahay namin. "I was just expecting Gab here." "Sorry Insan! Pinilit niya kasi akong i-sama siya eh. Nawalan kasi bigla ng WiFi connection sa'min, inaayos pa raw. Dito na lang daw muna siya makiki-WiFi." Paliwanag ni Gab. Tumingin akong muli kay Aeiou. "What? Pumunta ka lang dito para maki-WiFi? Yu naman! May mahalaga kaming gagawin ng Kuya mo. Di ka pwedeng nandito! Intayin mo na lang na maayos yung WiFi niyo." Sermon ko sa kaniya. Nagcross arms siya at tinaasan ako ng kilay. "And what important things will you do here na kailangan hindi ako kasama?" Pagtataray niya. "Yu!" Saway ni Gab. "Kuya and Kuya Zach, I need to stalk Justin Bieber. Baka mamaya he updated na pala something on his social media accounts, hindi ko pa alam. I need to know! Kailangan I'm updated always!" Maarte niyang saad. Napailing kami pareho ni Gab sa mga sinabi niya. Seriously? Minsan may sayad din sa utak 'tong pinsan kong 'to eh. Kapatid ba talaga siya ni Gab? Magkaibang-magkaiba sila ng ugali eh. "Isa pa, I don't want to go home alone 'no? Kahit pa we're in the same village. I'm not gonna walk there alone in the middle of the dark." Dagdag pa niya sa sinabi niya kanina. Bumuntong hininga ako. "Fine! Pasok na kayong dalawa." Binuksan ko pa lalo yung pintuan namin para makapasok sila ng tuluyan. "Papapasukin din naman pala, so many arte pa. Hmp!" Usal ni Aeiou sabay upo sa maliit na sofa. Pinatong niya sa lap niya yung pink laptop niyang dala saka ito binuksan. Kinuha niya rin yung phone niya sa bulsa niya at earphones saka pinasak sa tenga niya at nagdidipa sa laptop niya. "You can do now whatever you're going to do. Just ignore me and pretend that I'm not here." Nagkatinginan kaming dalawa ni Gab. Nagkibit balikat lang siya. Bigla na namang may nagdoorbell. Pareho kaming napatingin sa labas ni Gab. "Ah baka 'yan na yung inorder kong pizza. Labasin ko na muna ha?" Paalam ni Gab saka lumabas. Mabilis lang din siyang nakabalik. Pagbalik niya may isa siyang kahon na dala pero kung titignan, hindi ito pizza. "Zach, nakita ko 'to sa labas ng gate niyo. Wala namang tao sa labas, basta na lang siyang iniwan do'n. Para sa'yo yata, may pangalan mo eh." Sambit niya sabay abot ng kahon sa'kin. Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pangalan ko na nakasulat sa isang maliit na papel na nakadikit sa kahon. Kanino naman 'to galing? Nilapag ko sa center table yung kahon saka ito unti-unting binuksan. Nasindak kami pareho ni Gab nang makita namin ang nasa loob nito. "Patay na pusa." Bulong ni Gab. "Hey, what's that?" Lumapit bigla si Aeiou at agad na tinignan ang laman ng kahon. "Oh my gosh!!" Napatakip siya sa bibig niya. "T-That's a—" "Yu, wag mo nang tignan." Inilayo ni Gab si Aeiou sa kahon bago muling lumapit sa'kin. "Insan, mukhang may papel pa sa loob." Kinuha niya yung papel at binuklat ito. "Para sa'yo yung sulat Zach." Inabot niya sa'kin yung sulat saka ko ito binasa. Kung gusto mo pang mabuhay ang girlfriend mo, makipagkita ka sa'kin bukas kasama ng mga kagrupo mo sa address na ipapadala ko sa'yo. Kung hindi, mapapatulad diyan sa pusang 'yan ang pinakamamahal mong girlfriend. -D Nagusot ko yung papel at itinapon ko sa loob ng kahon sa galit ko. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at binasa yung text message. Number lang ang nando'n. Nakalagay sa message yung oras at address na pupuntahan namin. "Zach, gusto mong sumama rin ako?" Suhestiyon ni Gab. "Hindi na, masyadong delikado. Isa pa, kami lang ang pinapapunta, baka mapahamak ka lang kapag sumama ka pa." "Sige, pero kung kailangan niyo ng tulong nandito lang ako." Ani Gab. Nag-dial ako ng number saka ito tinapat sa tenga ko. Ilang ring lang at sinagot din agad ni Keanne ang tawag ko. "Magkita tayo bukas sa tree house. May mahalaga tayong pag-uusapan." Mariin kong usal saka binaba ang tawag. Nakuyom ko ang mga kamay ko. Anong kailangan niyo sa'kin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD