Third Person's POV
Tinanggal ni Celine ang suot niyang shades. Nakangiti at kumakaway siya sa mga taong sumalubong sa kaniya sa airport. Hindi niya inaasahan na ganito karami ang pupunta sa airport para lang salubungin siya sa pag-uwi niya rito sa Pilipinas para sa concert niya next month. Marami rin siyang nakikitang mga tarpaulin at banners na mismong mga fans ang gumawa.
"WE LOVE YOU CELINE!!!"
Napapangiti siya tuwing naririnig niya ang pangalan niya at sinasabihan siya na mahal siya ng mga ito. Kahit papa'no, natutunan niya na ring mahalin ang mga taga-hanga niya. Para sa kaniya, pamilya ang turing niya sa mga ito at hindi lang isang simpleng taga-hanga.
Mahigpit ang security sa buong airport. Madami ang humaharang na gwardiya sa mga fans. Ngunit kahit gano'n, hindi nagpapigil si Ayla na makipagsiksikan sa mga fans. Hindi niya nakasama si Bianca dahil masakit daw ang ulo nito kaya si Gab na lang ang hinigit niya para samahan siya. Weekend kasi ngayon kaya nakapunta sila ng airport.
"Waaaaa! Gab, ang ganda-ganda niya lalo na sa personal!" Niyugyog pa ni Ayla si Gab.
"Tsk! Ano ba Ayla? Nahuhubaran na ako sa ginagawa mo eh." Reklamo ni Gab.
Mas maganda pa rin diyan si Bianca.
"Alam ko kung anong nasa isip mo?" Panunukso ni Ayla.
"Ha?"
Siniko ni Ayla si Gab. "Sus! Kunwari ka pa. Kaya ka hindi tumitingin kay Celine kasi para sa'yo, si Bianca lang ang maganda. 'Di ba? Tama ako 'no?" Ngumiti ng nakakaloko si Ayla.
"H-Hindi ah!" Depensa niya.
"Deny pa more."
Muling sumulyap si Ayla kay Celine at kahit hirap na hirap makita ang kaniyang iniidolo sa dami ng tao, pinilit niya pa ring makita ito. Nag-tatalon siya para lang makita niya si Celine kahit papa'no.
"CELINE, ANG GANDA MO!!!" Sigaw ni Ayla.
Napatingin sa direksyon niya si Celine. Ngumiti siya at kumaway kay Ayla. Nagulat si Ayla dahil hindi niya inaasahang mapapansin siya nito pero kumaway at ngumiti rin siya kay Celine.
"WAAAA!!!! Nakita mo ba 'yon, Gab? Napansin niya ko!!! Nginitian na niya ako tapos kinawayan niya pa ako! Oh my gosh!!!" Masayang wika ni Ayla.
"Oo na! So, pwede na ba tayong umuwi?" Walang ganang tugon ni Gab.
"Tsk! 'Di ka man lang natuwa para sa'kin. Siguro kung nandito si Bianca baka hindi ka ganyan. For sure, abot tenga yung ngiti mo ngayon."
"Ayla, can you please stop that? Itigil mo na ang pagpapartner sa'min ni Bianca. My cousin is her boyfriend. Ayokong masira ang relasyon nila dahil sa'kin. At lalong ayokong mag-kasira kami ni Zach." Nauna nang umalis si Gab.
"Ay, nagalit? Teka Gab! Hintayin mo ko!!!" Nagtatakbo si Ayla para habulin si Gab.
Nang makapasok naman si Celine sa loob ng sasakyan ay agad siyang sumandal sa upuan at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Pag-katapos kasi ng mga shoots niya sa Paris, dumiretso na siya ng flight pabalik ng Pilipinas. Wala pa siyang tulog at pahinga pero may tv guesting agad siya kung kaya't dumiretso na sila sa studio ng isang morning show.
Hindi niya kasama ang kaniyang ina sa pag-uwi rito sa Pilipinas. Ayaw raw nitong umuwi at doon na lang mag-iintay sa kaniya sa pag-punta niya ng Korea dahil may concert siya sa nasabing bansa pag-katapos ng concert niya rito sa Pilipinas. Tanging ang manager niya lang ang kasama niya ngayon. Nag-hire lang sila ng mga bodyguards para magbantay sa kaniya.
Nag-simula na ang pag-interview sa kaniya. Pag-labas pa lang niya galing backstage ay malakas na agad ang mga sigawan ng mga audience.
"Good morning and welcome back to the Philippines Ms. Celine!" Pag-bati sa kaniya ng host.
"Good morning din! And thank you sa mainit na pag-welcome back niyo sa'kin lalo na ng mga fans ko." Masayang kumaway si Celine sa mga taga-hanga niya na nasa studio.
Nag-sigawan naman lalo ang mga ito.
"So, kumusta naman ang pag-uwi mo rito sa Pilipinas?" Tanong ng host.
"It's good to be back. At syempre na-eexcite na ko sa concert ko rito next month. Sana makapunta kayong lahat dahil marami akong hinanda para sa inyo." Tugon niya.
"Marami ang nag-rerequest na itanong ko 'to sa'yo. Gustong malaman ng mga fans mo kung may nagmamay-ari na nga ba ng puso ng isang Celine Wilson. Meron na nga bang nag-papatibok ng puso mo Celine?" Panunuksong tanong ng host kay Celine.
Tumawa ng bahagya si Celine.
"Sa ngayon, wala pa. In-eenjoy ko muna ang pagiging single ko. But someday, I will find my Mr. Right. I know he's just out there, somewhere."
Nag-sitilian naman ang mga fans ni Celine.
"Wala pa man, eh kinikilig na ang mga fans mo. Mukhang excited na rin silang mahanap mo ang iyong Mr. Right. Ang tanong, kailan mo mahahanap?" Tanong ng host.
"Soon."
"SOBRANG GANDA NIYA!!!"
"Bi, you don't need to shout, okay?" Nakatakip na sa tenga si Bianca dahil sa kanina pang pag-tili ni Ayla. "Lalong sumasakit ang ulo ko sa'yo eh."
Umupo ng ayos si Ayla sa kama ni Bianca. Dumiretso na siya agad sa bahay nito pag-kagaling nila ni Gab sa airport dahil papanoorin pa nila ni Bianca ang tv guesting ni Celine. Umuwi na rin naman si Gab dahil wala raw kasama si Aeiou sa bahay nila. May business trip daw kasi ang mga magulang nila kaya nag out of the country ang mga ito.
"Sorry bi! Pero sobrang ganda lang kasi talaga niya lalo na sa personal, nakakatomboy. Tapos napansin niya pa ko kanina. Kinawayan at—"
"Bi, ilang beses mo na 'yang sinabi sa'kin. Mga isang daang beses na simula pa no'ng pag-kadating mo rito sa bahay." Hawak na ni Bianca ang sentido niya.
Napakamot naman sa ulo niya si Ayla. "Ehehe! Sorry bi."
Bumuntong hininga lang si Bianca.
"Pero sino kaya yung makakatuluyan niya 'no? Sino kaya yung magiging Mr. Right niya? Yie! Na-eexcite na tuloy ako. Kung sino man 'yon, sobrang swerte niya kasi makakatuluyan niya ang isang Celine Wilson." Kinikilig na wika ni Ayla.
Napatingin silang dalawa sa tv kung saan ini-interview si Celine.
"Whoever he is, I just wish that he will never hurt Celine. Kung titignan palang si Celine, mukhang totoong mabait siya at hindi pakitang tao lang ang ipinapakita niya sa camera. She deserves to be loved."
"True!" Pag sang-ayon ni Ayla.
Nag-ring naman bigla ang phone ni Bianca. Napangiti siya nang rumehistro sa screen niya ang kaniyang boyfriend. Nag-kabatian na sila kanina pang umaga dahil ngayon ang monthsary nila. One year and 2 months na sila. Sinabi rin niyang sa Monday na niya ibibigay ang regalo niya rito.
Agad niyang sinagot ang tawag nito.
["Hi babe!"] Bati ni Zach sa kabilang linya.
"Hi babe! Napatawag ka?" Tugon ni Bianca.
["Maaga kayong pumasok sa Monday ha?"] Paalala ni Zach.
Kumunot ang noo ni Bianca. "Why? May announcement ba? O excited ka lang talaga sa regalo ko for you." Nakangiting sambit niya.
["Siguro? Basta 'wag kayong malelate ha?"] Malungkot na ani Zach.
"Babe, are you okay? Parang matamlay ka? May sakit ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Bianca kay Zach.
["I'm okay babe. Nothing to worry about. Siguro, pagod lang ako."] Pinipilit na maging masaya ni Zach.
"You sure?"
["Yeah! I need to hang up. I love you!"]
"I love you too." Tugon ni Bianca.
Binaba na niya ang tawag pero malalim ang iniisip ni Bianca. Hindi na kasi niya maintindihan ang ikinikilos ni Zach.
"Bi, anyare sayo? Ba't tulala ka diyan?" Tanong ni Ayla na kumakain ng mcdo fries.
"It's about Zach, bi. He's been acting weird this past few days. Parang may problema siya pero ayaw naman niyang sabihin sa'kin. I think, something's bothering him but I don't know what is it." Nag-aalalang wika ni Bianca.
"Sus! Dati pa namang weird 'yang boyfriend mong itlog, bi eh." Sagot ni Ayla sabay subo ng fries.
"Bi I'm serious! Hindi ko na siya maintindihan. Pag-tinatanong ko naman siya, palagi niyang sinasabi na okay lang daw siya pero alam kong hindi." Aniya.
Sumubo muna ulit ng fries si Ayla bago sumagot. "For sure, nag-iinarte lang 'yang itlog na 'yan. Hayaan mo na mo na siya, bi."
Bumuntong hininga si Bianca.
What's your problem Zach? I need to know.
Nagulat si Aeiou sa pagbukas niya ng gate nila. Nasa labas ngayon ang buong Vipers.
"Hi A-e-i-o-u!" Pang-aasar ni End kay Aeiou.
Napa-ikot ni Aeiou ang kaniyang mga mata. Naalala na naman niya ang una nilang pag-kikita ni End. Muntik na siya nitong mahalikan dahil sa kamanyakan ng lalaking ito. Unang beses niya lang itong makita kahit pa kabarkada ito ng Kuya niyang si Gab at pinsan niyang si Zach. Palagi kasi siyang nasa kwarto niya 'pag nandito ang mga ito. Minsan naman nag-kakataon na wala siya sa bahay nila.
Nag-cross arms si Aeiou saka tinaas ang isa niyang kilay, tanda na mag-tataray na siya.
"My name's Aeiou! Eyu sya i-pronounce not A-e-i-o-u! Hmp!" Pag-tataray niya.
Siniko naman siya ni Keanne. "Hoy End! 'Wag mo nga siyang asarin." Bumaling siya kay Aeiou ng nakangiti. "Hi Aeiou!"
Dati pang may gusto rito si Keanne. Alam 'yon ni Shy kaya inaasar niya ito ng torpe dahil hindi ito makaamin kay Aeiou.
"Hi." Walang ganang tugon ni Aeiou.
"Nasa'n Kuya mo, Yu?" Tanong ni Zach.
Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Gab at pinapasok sila sa loob. Umakyat na si Aeiou sa kwarto niya dahil ayaw niyang makita ang lalaking m******s na kinaiinisan niya.
Sinundan naman siya ng tingin ni Keanne habang paakyat siya ng hagdan.
"Baka matunaw si Aeiou niyan." Napalingon si Keanne kay Ace. "Torpedo kasi, parang itong isang katabi ko."
"Ha? Ako ba pinag-uusapan niyo?" Clueless na tanong ni Jared sa mga ito.
"Oo, sino pa bang torpe rito bukod kay Keanne? Eh isa ka pa ring hindi makaamin kay Sam eh." Biro ni Ace.
Binato siya ni Jared ng throw pillow na nakuha nito sa sofa.
"Hoy! Hindi ako torpe 'no? Ayoko lang talagang masira kung ano man yung turingan namin ni Sam." Madramang tugon ni Jared.
Nag-hiyawan naman ang mga kasama ni Jared dahil sa sinagot niya.
"Dude, ang drama mo. P*cha!" Natatawang usal ni Dexter.
Binato ni Ace pabalik ang throw pillow kay Jared. "Hindi bagay sa'yo mag-drama, dude. Muntanga lang!" Aniya.
"T*ngina! Ang lupet ng hugot na 'yon. Haha!" Singit naman ni Xander.
"Ewan ko sa inyo!" Inis na wika ni Jared.
"Pikon na siya. Haha!" Biro pa ni End.
"Tss!"
"Tama na 'yan! May mahalaga tayong pag-uusapan." Seryosong sambit ni Zach.
Agad na sumeryeso ang mga ito at nakinig sa mga sinabi ni Zach. Pinag-usapan nila ang gagawin nila sa Lunes. Pinakiusapan na rin ni Zach si Gab para bantayan palagi si Bianca.
Narinig ito lahat ni Aeiou dahil saktong palabas siya ng kwarto nang pag-usapan ng mga ito ang plano nila.
Nang makaalis ang Vipers saka niya nilapitan ang kanyang Kuya Gab.
"Kuya narinig ko yung pinag-usapan niyo kanina. Is it true?" Curious na tanong ni Aeiou.
"You heard it?" Tumango si Aeiou. "It's true but please keep this as a secret. Walang pwedeng makaalam lalo na si Bianca." Ani Gab.
Kumunot ang noo ni Aeiou. "But why? Bakit ba kailangang gawin 'yon ni Kuya Zach? I don't understand Kuya."
Hinawakan ni Gab si Aeiou sa mag-kabila niyang balikat.
"Yu, Bianca's life is in danger." Nagulat si Aeiou sa sinabi sa kaniya ng Kuya niya. "Natatandaan mo yung kahon na pinadala sa'tin na may lamang patay na pusa?" Tumango si Aeiou. "Sila yung mga nag-babanta sa buhay ni Bianca. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang buong detalye. Basta, promise me you won't tell anyone about this, especially Bianca." Seryosong tinignan ni Gab si Aeiou.
Huminga ng malalim si Aeiou bago tumango. "Okay, I promise. I won't tell anyone."
Nginitian siya ni Gab.
I won't let anyone hurt her. Poprotektahan ko siya katulad ng pag-protekta sa kanya ni Zach.
Enjoy na enjoy sa pag-higop ng strawberry frappe si Celine sa loob ng Starbucks. May suot siyang shades at cap para hindi siya makilala ng mga tao. Tinanggal niya lang ang shades niya nang nasa loob na siya.
Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakapag-Starbucks at nakainom ng dati pa niyang gustong inumin na frappe. Sa kasikatan niya kasi ay hindi na siya makalabas ng walang humahabol sa kaniyang mga fans at media. Masyado rin siyang busy para makapunta pa ng Starbucks. Isa kasi ito sa mga nakalista sa bucketlist niya.
Lingid sa kaalaman ng iba, tumakas lamang siya mula sa kaniyang manager. May tv guesting sana siya ulit ngayong araw ngunit hindi siya sumipot. Simula kasi nang pag-uwi niya rito sa bansa ay hindi na siya nakapagpahinga man lang dahil palaging hectic ang schedule niya. Ganoon ang buhay niya. Ni hindi na siya nakakatulog at nakakapagpahinga ng ayos. Wala na siyang time para makapag-enjoy ng buhay niya.
"Miss, pwede bang maki-share ng table?" Tanong ni Ace sa babaeng naka-cap at nakayukong umiinom ng frappe. "Wala na kasing vacant seat eh."
Ayaw sanang paupuin ni Celine ang lalaking nasa harapan niya dahil baka makilala siya nito pero naisip niyang masyado naman siyang magiging masama kung hindi niya ito papayagang maki-share sa kaniya ng table.
Tumango lamang si Celine bilang tugon dahil baka mabosesan siya nito.
"Thanks!" Umupo si Ace sa harapan ng babae at saka ininom ang strawberry frappe na in-order niya. Napatingin siya sa frappe ng babaeng nasa harapan niya ngayon. "Ako nga pala si Ace. Ikaw?" Pag-papakilala niya.
Gusto mang sagutin ni Celine ito pero hindi pwede.
Nang hindi umimik kay Ace ang babaeng kaharap niya ay iniba na lang niya ang tanong niya.
"Favorite mo rin ang strawberry frappe? Alam mo, ako rin eh. Palagi ngang ito ang in-oorder ko sa tuwing napunta ako rito." Pag-papatuloy ni Ace.
Hinayaan lang ni Celine ang lalaki na mag-salita habang inuubos na niya ang kaniyang frappe.
"Sorry sa pagiging FC ko ha? Ganito lang talaga ako."
Nang hindi umimik muli ang babaeng kausap ni Ace ay napagpasyahan niyang manahimik na lang din dahil baka naiingayan na ito sa kaniya.
"Alam mo bang hindi raw sumipot si Celine sa isang tv guesting niya?" Bulong ng isang babaeng nasa likod lang ng table ni Celine.
"Talaga? Bakit daw?" Tanong naman ng kasama nitong babae.
"Ewan ko? Wala namang ibang sinabi eh. Basta nag-trending lang 'yon sa social media. Hay! Inaabangan ko pa man din siya sa show na 'yon." Disappointed na wika no'ng babae.
Narinig ito lahat ni Celine.
Sinaid na niya ang kaniyang frappe at nag-pasya nang umalis. Tumayo na siya para lumabas ng Starbucks. Napatingin naman sa kaniya si Ace.
"Miss, aalis ka na?" Tanong ni Ace.
Hindi umimik si Celine at nakayukong lumabas ng Starbucks.
Napansin naman ni Ace na naiwan nito ang shades niya kaya mabilis siyang lumabas at hinabol si Celine.
"Miss sandali!!" Nagtuluy-tuloy sa paglalakad si Celine. "Miss!"
Ano bang kailangan ng lalaking 'to? Bulong ni Celine sa isip niya.
Nang mahabol sjya ni Ace ay agad na hinablot niya ang braso nito dahilan para mapalingon ito sa kaniya.
Nagulat si Ace nang makilala niya kung sino ang babaeng ka-share niya sa table at kausap niya kanina pa.
"C-Celine Wilson!?"
Agad na tinakpan ni Celine ang bibig ni Ace. "Ssshh! Wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo eh." Bulong ni Celine. "Oo, ako nga si Celine pero pwede bang 'wag kang sisigaw, please?" Pagmamakaawa niya kay Ace.
Mabilis na tumango si Ace kaya tinanggal na ni Celine ang pag-kakatakip sa bibig nito.
"Wow! Hindi ko akalaing nasa harapan ko ngayon si Celine Wilson. Grabe! Tapos nakausap ko pa at naka-share sa table." Hindi makapaniwala si Ace habang nakatitig kay Celine.
"Sorry, but I have to go." May kinuha si Celine sa bulsa niya at ibinigay niya kay Ace. "Isipin mo na lang na pasasalamat ko 'yan sa'yo dahil hindi ka nag-ingay."
Tatalikod na sana si Celine nang muli siyang hawakan ni Ace sa kaniyang braso.
"Wear this."
Agad na sinuot ni Ace kay Celine ang salamin niya.
Ngumiti si Celine. "Thank you. I have to go. Nice meeting you Ace! Bye!"
Mabilis na umalis si Celine at naiwang nakatingin naman si Ace sa dinaanan nito. Napatingin naman siya sa bagay na ibinigay sa kaniya ni Celine. Isa itong calling card.
Napangiti siya. "Nice meeting you too....Celine Wilson."