Bianca's POV "Buti na lang talaga gumaling na agad ang sprain mo sa paa bago magsimula 'tong Funfair, bi." Sabi ko sa kaniya pagka-upo namin sa upuan ng cafeteria. Si Gab kasi nagpaalam na pupunta lang daw munang banyo kaya nauna na kami rito. "Psh! Mas okay ngang nasa bahay na lang ako. Mas nakaka-enjoy pang panoorin si Celine sa TV habang kumakain ng mcdo fries kesa naman sa bwiset na school no funfair na 'to." Reklamo niya habang sumusubo ng fries. "Kung 'di lang talagay may isang makulit at bwiset din sa buhay kong baklang itlog ang binuhat ako papuntang banyo para lang maligo at mag-ayos sa fair na 'to, hindi talaga pupunta dito 'no?" Bulong niya na hindi ko na narinig. "Ano?" "Wala!" Tugon niya. Napatingin si Ayla sa cellphone niya na nakapatong sa lamesa nang bigla itong tumun

