Celine's POV Pagkatapos ng nangyaring hindi ko pag-sipot sa TV guesting ko ay pinagsabihan ako ni Mom. Sinabi niya na kapag inulit ko pa 'yon ay uuwi siya rito sa Pilipinas. I sighed. Nandito ako ngayon sa hotel na tinutuluyan namin. Nag-makaawa kasi ako sa manager ko na gusto ko munang mag-pahinga kahit dalawang araw lang dahil pakiramdam ko babagsak na ako sa sobrang pagod. Pumayag naman siya kaya nakapagpahinga ako buong araw pero maraming nakabantay sa'kin kaya hindi ako makalabas. Bumangon ako mula sa kama ko at kinuha ko ang picture naming dalawa ni Dad. Mag-kayakap kami at nakangiti ng wagas sa camera. Hindi namin kasama rito si Mom dahil hiwalay na sila nito. Kinuhanan ang picture na 'to when I was just 15 years old. At nag-hiwalay naman sila no'ng 10 years old pa lang ako. Na

