CHAPTER 2

1634 Words
Siri’s POV “GIVE me that goddamn phone, Siri!” Umalingawngaw ang boses ni Sir Dastan dito sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Wow! Kung kanina ay Miss Santiago ang tawag niya sa akin, ngayon ay tinawag na niya ako sa nickname ko. Hindi maikakaila na bigla akong nakaramdam ng takot dahil mahahalata sa mukha niya ang galit nang makita akong kinukuhanan siya ng video habang nilalaro niya iyong ano niya. Pero hindi ako papatalo sa kaniya. Nasimulan ko na ’to kaya tatapusin ko. Nasa akin na ang alas kaya ngayon pa ba ako aatras? No. As in never! Matapos niyang ipulupot ang tuwalya sa palibot ng kaniyang baywang ay nagsimula na siyang humakbang palabas ng banyo. Mabilis akong umatras habang mahigpit na nakahawak sa cell phone ko. Mahirap na at baka bigla na lang niyang hablutin ito sa akin. Taas-noo akong tumingin sa kaniya at tumigil sa pag-atras nang makalayo ako sa banyo. Sakto naman na nakalabas na siya at ngayo’y kaytalim ng tingin na ipinupukol niya sa akin. “Hoy, huwag mo akong ma-goddamn, goddamn diyan, a! Hindi ikaw ang nagpapalamon sa akin kaya huwag mo akong mumurahin, kumag ka!” singhal ko habang nakaduro ang daliri ko sa kaniya. “I said goddamn phone and not goddamn you, Siri. Magkaiba iyon, okay?” Halos hindi maipinta ang kaniyang mukha. Ikaw ba naman ang nabistong may ginagawang kahalayan, aba’y talagang kabahan ka na’t lalo ako ang nakahuli. Hindi ko sinasabing gagamitin ko itong pang-blackmail sa kaniya, ha? Pero parang gano’n na nga. “Parehas lang ’yon! Sa akin mo pa rin sinabi kaya ako pa rin ang minura mo. Idinahilan mo pa ang cell phone—” Natigilan ako nang makitang humahakbang siya palapit sa akin. “O, diyan ka lang! Huwag kang lalapit dahil kung hindi, ipo-post ko ’to sa instabook at tweetube! Sigurado akong tiba-tiba ako sa kita kapag ginawa kong content itong video mong nagjajako—” “Go on, Miss Santiago. Post it if that’ what you want. Alam mong puwede rin kitang sampahan ng kaso kapag ginawa mo ’yan,” nakangisi niyang putol sa sinasabi ko. At talagang nagbanta pa! Sa halip na matakot ay pinagkalooban ko siya ng nang-aasar na ngiti saka pinagkrus ang aking mga kamay sa harap ng aking dibdib bago siya tinaasan ng kilay. Tatakutin pa niya ako. Akala naman niya magpapadala ako sa pananakot niya. As if naman kaya niya akong ipakulong, ’no. Sigurado akong si Kuya Magnus ang makakabangga niya kapag ginawa niya iyon. Iyong Bayaw ko pa ba? “E, ’di magsampa ka! Ok lang ’yon sa akin. Hindi na ako magiging pabigat kina Ate at Lola kapag nagkataon! Tapos libre pa ang pagkain sa loob ng kulungan kaya saan ka pa, ’di ba?” deretsa kong turan. “Just give me that damn phone, Siri! Wala akong oras para sa mga laro mo!” sigaw niya. Mahahalata ang pagpipigil niya ng galit pero imbes na matinag ay bigla akong natawa dahil sa nakikitang pagkaaburido niya. Ang sarap niyang makitang nagagalit. Ang cute. Namumula ang buong mukha niya pati na ang mga tenga niya. “Stop playing around, Siri. Act as a woman dahil hindi ka na bata!” Akma na naman niyang aagawin ang cell phone pero mabilis ko itong ipinasok sa loob ng panty ko. Hindi kasi puwede sa bra dahil naka-turtle neck ako. Kailangan ko pang itaas ang blouse ko kung ipapasok ko sa bra kaya sa panty nalang dahil leggings ang suot ko. And I’m sure as hell that the phone is safe inside my panty. “May ipinaglalaban ako at iyon ay ang internship ko na basta mo na lang binawi nang walang sapat na dahilan. Dahil ano? Dahil ikaw si mister CEO at gagawin mo lahat ang gusto mo kahit hindi naman makatarungan. Is that how you run your company, huh? Let me educate you, mister CEO. Hindi lahat ay nadadaan sa pera, koneksyon at kapangyarihan. Kaya sino sa atin ngayon ang dapat magpaka-mature?” Mariin siyang napapikit na tila nauubusan na ng pasensya. Ilang beses na nagtaas-baba ang kaniyang dibdib, indikasyon na nagpipigil siyang patulan ako. But who cares? Ang gusto ko lang ay yung internship ko! Mahalaga sa akin iyon. Kasinghalaga ’yon ng buhay ko dahil hindi ako makaka-graduate kung hindi ko natapos ’yon. Naka-isang linggo na ako rito, eh. Kapag naghanap ako ng ibang kumpanya, back to zero na naman ako. Kaya no freaking way! Hindi ako papayag. “I’ve already told you my reason kaya hindi ko na kailangan pang ulit-ulitin pa, Siri. Kaya akin na ang cell phone na ’yan,” may diin niyang wika. “Okay sige. Kunin mo kung kaya mo,” tumatawang hamon ko sa kaniya. Malakas ang loob ko dahil sigurado naman akong hindi niya gagawin. Pero walanghiya! Bigla akong nagsisi dahil nakita ko ang pagdilim ng kaniyang mukha kasabay ng unti-unti niyang paghakbang palapit sa akin. Napahawak ako sa sling ng aking bag bago paatras na naglakad. Seryoso ba siya? Kukunin talaga niya sa loob . . . ng panty ko? “Gusto mo talagang kunin ko sa loob ng panty mo? Sure ka ba?” Tumingin siya sa dulong bahagi ng cell phone na sumisilip sa waistband ng leggings ko bago muling ibinalik ang tingin sa aking mga mata. Tinitigan niya ako kaya mariin akong napalunok. Gusto ko nang tumakbo palabas dahil first time kong nakaramdam ng takot. Kakaiba kasi iyong kislap ng mga mata niya. “Huwag mo akong hahamunin, Miss Santiago at baka pagsisihan mo.” “Eh, bakit hindi mo subukan?” malakas pa rin ang loob kong hamon sa kaniya kahit kanina pa parang tinatambol sa bilis ang pintig ng puso ko. “Challenge accepted, Miss Santiago.” Nawala ang ngiti sa labi ko nang mabilis niya akong kinabig sa baywang. Hindi ko napaghandaan ’to kaya hindi ako agad nakaiwas sa kaniya. Akala ko ay susuko na siya at ibibigay na lang ang gusto ko pero what the f**k! Challenge accepted daw! Naloko na. This is not what I’ve planned. “Give me that cell phone, Siri . . .” He paused and smiled like an evil while looking straight in my eyes. “. . .or else, ako mismo ang kukuha,” he added. “Ibibigay ko lang sa ’yo ito kung sasabihin mong ibabalik mo ang internship ko,” taas-noo ko paring turan kahit pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng oxygen sa katawan dahil sa sobrang nerbiyos. Tumingin siya sa ibaba ko kung nasaan ang cell phone. Mariin ko itong hinawakan mula sa labas ng aking leggings at mas ipinasok pa sa kaloob-looban ng panty ko para hindi niya makuha sakali mang mangahas siyang kunin. Hindi ko tuloy maiwasang tingnan ang dibdib niya na basa pa rin mula sa naudlot na paliligo. Sinundan ko ang nagsisilaglagang butil ng tubig mula sa dulo ng kaniyang buhok papunta sa kaniyang dibdib, sa kaniyang bato-batong abs na parang masarap himasin hanggang sa tuluyan iyong bumaba sa kaniyang— Shít! Umayos ka, Siri! Hindi ito oras para sa karupukan. Mag-isip ka ng gagawin! Tili ng utak kong puno ng lumot. Maya-maya pa’y gumalaw ang kaniyang isang kamay. Hinawakan niya ang dulo ng damit ko. Lalo tuloy naging malalim ang aking paghinga. Seryoso siya! Talagang kukunin nga niya. “Fine! Buburahin na! Kaya utang na loob, bago pa kita tuhurin, lumayo ka na!” sikmat ko sa kaniya. Umiling siya ng makailang beses. “No, Siri. Gusto kong makasiguro. Bibitiwan lang kita kapag nakita kong binura mo na nga talaga.” Aba’y sigurista. Inirapan ko siya, saka dahan-dahan na ipinasok ang kamay ko sa loob ng aking panty para dukutin ang cell phone. Hinanap ko ang video niya and then deleted it right before his eyes. “Happy? Nabura na kaya puwede mo na akong bitiwan kung ayaw mong mabaog ka dahil tutuhurin na talaga kita.” Agad niya akong binitiwan, saka lumayo. “Good. Now, leave my office. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Magnus kung bakit ko tinanggal ang internship mo rito. Ako na rin ang bahalang i-recommend ka sa iba,” nakangiti niyang turan. God, I want to erase that smile! Suntukin ko kaya bago ako umalis? Pero hindi, kung akala niya ay ganoon ako kadaling talunin, puwes, nagkakamali siya. Nasa akin pa rin ang alas. Ano ako? Tanga? Hindi na ako umimik at tinalikuran na siya para tunguhin ang pinto. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay muli ko siyang hinarap. “May nakalimutan ka ba?” tanong niya habang magkakrus ang kaniyang mga kamay sa tapat ng kaniyang dibdib. Inilabas ko ang cell phone mula sa aking bag, saka hinanap ang email ko. Nang makita ang file ay itinaas ko ang phone at iniharap sa kaniya ang screen. I grinned while looking at his expression. “Masiyado mo akong minaliit, Mister Dastan Scuderri. May kopya pa ako. Mautak ’to ano! Kaya kung ayaw mong ibenta ko ’to sa mga babaeng hayok na hayok sa kahahabol sa ’yo, ibalik mo ang internship ko!” “This is blackmail, Siri!” sigaw niya. “No. This is a deal. Buburahin ko ang lahat ng kopya ko kapalit ng internship ko. Take it or leave it. Pag-isipan mo nang mabuti. Alam mo na kung saan ako hahanapin, kaya see you, Manong!” “Damn it! Bumalik ka rito, Siri!” malakas niyang sigaw pero tumawa lang ako. Akala mo, ha! Mautak ka, pero mas mautak ako! Matulin akong kumaripas ng takbo palabas ng kaniyang building bago pa man niya ako ipahuli sa mga security guard. Halos hingalin pa ako nang tuluyan akong makalabas. Tumingin ako sa pinakaitaas ng building kung nasaan ang floor ng office niya saka humagalpak ng tawa. “Ano’ng akala mo sa akin? Mahinang nilalang?” usal ko bago tuluyang nilisan ang lugar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD