BREA'S POV Dumating na si Joy at Abby dala dala ang riffle at flag bearers. "Squat 50 habang nakapatong ito sa ibabaw ng braso mo," sabi ni Kuya Remy. "Okay Sir," sabi ko sabay sunod sa pinaggagawa niya. "Ang aking panuto ay dapat sundin para hindi maparusahan. Ang riffle hindi dapat tinututok sa tao, hindi dapat ilalagay kung saan-saan. Ang Flag ng Pilipinas ay hindi pwedeng isayad sa sahig.o ilapag sa sahig. Kapag sinabihan ng oras, dapat nandito na agad, may palugit na 30 minutes lalo na kung school related kaso ngayon umabot ng 40 minutes na wala si Brea kaya siya naparusahan. Hindi muna kayong dalawa mapaparusahan dahil bago pa kayo. Kapag magtitrraining sa hapon, bawal hindi nakacombat shoes at nakatucked in, parurusahan. Dapat maging disiplinado sa lahat ng oras, nauunawaan ba?"

