LEON'S POV "Bro, alam mo ba binigyan ni June si Brea na'ng regalo. Naku! Mukhang dinidiskartehan bebe mo," sabi ni Miggy. "Bakit mo kasi ininvite?" pagtatanong ni Arvs. "Hayaan mo na tsaka may tiwala naman ako kay Brea," sabi ko. "Balik na kami doon, tara na at maglalaro pa tayo," sabi ni Miggy. "Sige, sunod ako," sabi ko. Nakikita ko mula sa kusina kung paano tignan ng paulit-ulit ni June si Brea. Talagang umupo pa siya sa bandang harapan nito. Nakayuko lang si Brea. Naiilang na siguro. Dala ko ang alak. Inilagay ko sa mesa. "Leon, tara na dito, mamaya na iyan, birthday mo eh," sabi ni Dee. "Sige sige," Papunta ako sa gawi ni Brea. Napalingon siya sa akin at napangiti. Tumabi ako sa kaniya. Pinipilit kong hindi tignan si June dahil birthday ko, baka magkabangasan lang ka

