BREA'S POV "Anak ng tokwa, bakit basang-basa ka?" pagtatanong ni Mama no'ng nadatnan nila akong umuwi na'ng basang-basa. "Naligo po ako na'ng ulan ma," sabi ko. "Oh, magbihis ka na doon at baka magkasakit ka pa, alam mo namang bawal ka maligo sa ulan dahil mabilis kang magkasakit hindi ba?" sabi ni Mama. "Sorry po," sabi ko. "Dalian mo at aalis tayo," sabi ni Mama. "Saan po tayo pupunta?" pagtatanong ko. "Susunduin natin ang papa niyo at kakain sa labas dahil birthday mo na bukas," sabi ni Mama. Napangiti ako. Kahit medyo mabigat na ang katawan ko naligo at nagbihis ako. After so many hours nakapagprepare na din ako. Nagsuot lang ako na'ng pink dress and white heels. "Potangina! Ate, hindi ka nagdadamit pambabae hindi ba?" pagtatanong ng pangalawa kong kapatid na si Leos. "Huh

