"Kachat mo si, Sandy?!" Hindi makapaniwalang usal ni Earoll sa kaniya.
Arwen remained silent and calm. Napakunot noo naman ako. "May tinanong lang siya." He asked boredly.
"Kaya pala hindi nagrereply sa akin kasi chinachat mo." Ani Earoll at pinagpatuloy ang pagbabasa ng conversation nung dalawa.
His shoulder loosened after a moment. "Bro, ako unang nakakilala rito." Anito na hindi maalis ang tingin sa phone. Maya maya pa'y liningon niya si Arwen gamit ang naniningkit niyang mga mata.
"Do you like her?" There was suspicion in Earoll's tone when he asked that question.
"Hindi ko type 'yon." Seryoso niyang sagot. "Akin na nga. Pakialamero."
Earoll let out a sighed of relief upon hearing Arwen's answered. "Good, now stop chatting her. She's mine. Bro code." He ordered before giving back Arwen's phone.
Arwen's tsked and grabbed his phone back from him. He didn't open it and just put it in his pocket.
Mukhang hindi rin naman talaga type ni Arwen, kasi kung oo, alam kong makikipagsagutan 'yan kay Earoll. Knowing him, kapag gusto rin ang isang babae ay magpapapansin.
"Who's Sandy?" I asked curiously to Arwen. Hindi ako pamilyar e. Wala ata sa circle of friends namin.
"A hot girl from the nursing department." He whispered while pulling his hair backwards.
I'm not familiar with her but since he got my friends attention I know that she's quite pretty.
"Hilig sa nursing ah," biro ko.
He chuckled. Ngumiwi ay umiling. "Mga accountancy ang type ko."
Napangisi ako. Tahitahimik pero matinik sa chics. Sa aming tatlong magkakaibigan mas unang nagkakilala sina Arwen at Earoll. They both childhood friends and their family are closed to one another. Kaya alam ang gusto at dungis ng bawat isa.
Ni minsan ay hindi ko pa sila nakitang nag-away ng seryoso na dalawa maliban nalang kung usapang babae na. Si Earoll iyong tipo ng taong kapag gusto niya hindi niya titigilan hanggat makuha niya. Siya rin iyong tipo ng taong ayaw na pinakikialaman ang kaniyang buhay. He ruled his own life and no one can stop him for doing that. He doesn't give a f**k sa mga opinyon ng iba.
On the other hand, Arwen is a serious type. Siya naman iyong tipo ng taong kapag gusto niya hindi niya na pakakawalan pa at hindi niya iyon hahayaang makuha ng iba. He's a bit secretive sometimes, kaya mahirap basahin. Hindi siya gaya ni Earoll na palakwento na halos kulay ng tae niya ay dapat alam mo.
"Pero ikaw 'yung type nung Sandy?" Tanong ko. Medyo kuryuso na. Last year pa yung huling away nila sa babae. Niligawan ni Earoll iyong isang sikat na latina sa culinary arts na transferee dati without knowing na girlfriend na pala ni Arwen. Muntik pa silang magsuntukan dahil doon.
"Hindi. Nagpapatulong lang sa subject na Math kaya nagchachat."
My brows raised. It is unusual for a girl to chat just to ask for help with some Mathematics problems. There's a hidden agenda behind it. Plus, Arwen is good at Math, but Earoll is even better than him, yet she chooses to chat with Arwen.
I was deep in thought when I saw Norlan entering the canteen along with his friends from their department. Nakauniform sila ng pang architecture. Lahat matatangkad kaya naman agaw pansin at talagang napapalingon sa kanila ang ibang mga estudyante.
Naghanap sila ng uupuan kaya hindi akalaing napalingon sila sa aming gawi. Nagkatinginan kaming dalawa. He just looked at me calmly, while I desperately wanted to grip my bag and throw it at his face until I felt satisfied.
Suddenly, my mood changed for the worse when I saw him. He has this effect on me that can turn a good day into a bad one. Para siyang isang delubyo na namumuo kahit maganda naman ang panahon.
"She didn't know that being liked by many men isn't a flex. Being loved by a man who doesn't like any other woman is." Litanya ni Denice habang papalapit ako sa table nila noong Friday. Vacant namin at nagkayayaan na kumain dito sa bagong bukas na Jollibee sa Labangan na malapit lang naman sa school.
"And Summer doesn't have to prove herself. Maganda naman talaga at matalino. Sadyang bobo lang sa pag-ibig." Said Kai while chugging her iced tea.
Ang iingay talaga ng mga ito. Kaya hindi na ako nagtataka kung napapaaway rin dahil sa mga bibig na hindi maitikom. Kaming mga boys ay maiingay rin naman pero walang binatbat ang ingay namin sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Kai dahil doon lang may dalawang bakanteng upuan.
"Right! Like, okay... a bunch of guys want you. So what?" Jelen rolled her eyes. Hindi ko alam kung man hater na ito dahil sa dami ng lalaking nangungulit sa kaniya. "It doesn't mean they respect you. Some just want attention or something else."
Tumaas ang ulo ni Earoll. Nakangising napalingon kay Jelen. "What something else?" Pabirong niyang tanong. Probably, trying to lighten the mood.