"Kumain ka lang diyan." Sinalpakan siya ng chicken ni Jelen sa bibig kaya hindi na nakasalitang muli. Nabaling ang atensiyon ko sa pagkain na hindi pa nagagalaw habang nakikinig lang sa kanila. Tinatanong ko si Earoll kung pwedeng kainin, para naman daw sa lahat kaya kinain ko na. Gutom na rin kasi ako dahil hindi pa ako nakapagbreakfast. Hinatid ko kasi si Star sa Divine nang maaga dahil NCAE raw nila.
"I'd rather have one person who truly cares than ten men who just think I'm cute." Si Denice na naspotan si Arwen kaya tinawag ito para palapitin sa aming gawi.
"Real talk. Being loved right is better than being liked by a crowd." Si Kai na mukhang may pinaghuhugutan. Liningon niya ako, "'Di ba, Matt?" At talagang nandamay pa.
"Oo rin." Sang-ayon ko bago uminom ng cokefloat. Baka kasi bawiin pa nila ang libre nilang pagkain kapag hindi ako umoo.
"Where's mine?" Tanong ni Arwen na tinapik ako sa balikat tsaka tumabi sa akin.
"Nandiyan yung--- hala gago!" Tumingin si Denice sa aking kinakain bago ako tinapunan ng tingin. "Bakit mo kinain?" What?
"Sabi ni Earoll para sa lahat." Depensa ko.
"Akala ko ang tinutukoy mo ay iyong may rice." Turo ni Earoll doon sa pagkain na hindi pa nagagalaw. It's the combination of rice, chicken and soup. Iyong lagi kong inoorder.
"Huh? Akala ko kasi..." and the realization hit me. I groaned.
"Marami talaga namamatay sa maling akala." Side comment ni Jelen.
Wala sa sariling napakamot ako sa aking ulo. Bakit kasi nakalimutan kong allergy nga pala yang si Arwen sa chicken kaya panay spaghetti lang ang in-order sa fast food chain.
Kaya sa huli pinalitan ko nalang baka magtampo. Grabe pa naman yan kung magtampo nakakawala ng pasyensiya. Para kang hangin at hindi kana kakausapin. Umorder ako doon sa counter at pagbalik ko kami na namang boys ang pulutan ng mga girls.
"Halimbawa nalang ang mga boys," nagkasalubong ang aking kilay habang umuupo sa aking upuan. Kami na naman ang nakita ng mga ito. "Kahit maraming nagkakagustong babae hindi naman nila pini-flex. Alam nila kasing magmumukha lang silang gago kapag ginawa nila 'yon."
Uh huh?
"Well, it's kinda hard not to flex when you're this good-looking." Earoll said laughing. Girls just rolled their eyes. Sanay na sanay sa kayabangan niya.
"Kaya gusto ko ang mga boys sa circle natin. Mga tarantado pero matino naman." Natatawang sabi ni Denice. My jaw dropped. Harap harapan kaming nilait. Parang sampal na rin ah. Nilingon ko iyong dalawa. Parang walang narinig, mga walang pakialam dahil may sulsol na pagkain sa kanila.
"Uy, 'di ba si Leomuel 'yon." Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang kinalabit ako ni Jelen at may nginuso. Napakunot-noo ako tsaka napalingon sa lalaking nginuso niya na kakapasok lang sa entrance. Kasama rin ang isang maputing lalaki na base sa suot na uniporme ay taga ibang school.
"Oo." Kumpirma ko nang makita ang buo niyang itsura dahil napalingon sa aming gawi dahil naghahanap ng mauupuang pwesto.
"Ay tangina! Totoo palang bakla siya?" Gulat na sabi ni Jelen habang nanlalaki ang mata. Napasinghap pa. Kaya hindi talaga sumasama sa akin si Rain kapag kasama ko ang mga ito eh. Mga salita palang na lumalabas sa mga bibig ng girls alam kong hindi niya kayang pakibagayan.
"Hindi nga rin ako mapaniwala noong una. Alam mo 'yon. Lalaking lalaki kumilos tapos baliko pala." Si Kai na para bang napakalaking misteryo noon dahil wala man lang siyang nahanap na ebidensiya.
Kai is right. Pati ako'y nagulat din dati noong nalaman ko. Kasali kasi 'yang si Leomuel sa varsity. Magaling na player kung tutuusin pero ewan at umalis nalang sa aming team.
"Kaisha, hindi naman kasi 'yan nakikita sa physical appearance. May kakilala nga ako sobrang hinhin, sobrang lambot pero lalaki pala. Inagaw pa 'yong crush ko, putang ina niya!" Si Earoll na medyo inis at tila ba may naalala tsaka umiling. Natawa nalang kami sa kaniya.
"Crush ko pa naman 'yang si Leomuel. Sa sobrang pagkahumaling ko sa kaniya bumibisita pa ako sa apartment ni Arwen dati para magpapansin pero iba na pala ang kinahuhumalingan niya." Sambit ni Denice na tila ba namamangha rin sa nalaman. Oo nga pala, magkaapartment si Arwen at si Leomuel.
Siniko ko siya. "Alam mo?"
Tumango siya. "Nito lang." Sagot ni Arwen na parang hindi naman kuryuso sa topic.
"Doon pa rin ba nakatira, Wen?" Si Earoll na nakakunot-noo na.
Umiling ito. "Hindi na. Lumipat na sa ibang apartment." Sagot niya bago uminom ng Iced tea.
Hanggang sa bumalik kami sa aming klase ay iyon ang usapan. Wala naman akong problema sa mga bakla. As a matter of fact, may kamag-anak nga ako sa side nila Papa na mag-asawang lalaki. They both professional ang living at the state, doon na rin naisipang pakasal kasi wala naman dito sa Pinas. One