"HINDI MO NALANG sana pinatulan." Si Mama habang inaalo si Star na umiiyak.
Napagalitan ko kasi kanina matapos niyang suntukin si Summer sa mukha. Nawalan ng malay iyong tao at dinala pa nina Norlan sa pinakamalapit na hospital. Hindi ko tuloy alam kung ano nang nangyari at hindi ako mapakali.
"Hinayaan mo nalang sana siya. Ganoon talaga kapag galit ang isang tao. Kung anu-ano nang nasasabi." Litanya ni Mama.
Mahigpit ang ginawang pagyakap ni Star sa kaniya habang panay ang punas niya sa kumakawalang luha buhat sa kaniyang mga mata.
"Galit o hindi, hindi niya dapat iyon sinabi. She needs to know the consequences of insulting someone on their face." She whispered softly when I averted my angry face at her.
Natutop niya ang kaniyang bibig. Isinubsob niya ang kaniyang mukha sa kandungan ni Mama na tila ba kaya niyang itago ang kaniyang sarili roon.
Alam kong mas takot siya sa akin kaysa kay Mama kaya ganoon na lamang ang kaniyang inakto.
"And what if hindi na magising si Summer dahil sa ginawa mong suntok?" Sumbat kong may halong pananakot.
I thought she would be frightened because of it but I was so wrong.
"Eh, 'di mabuti nang mabawasan masasama rito sa mundo."
Napapikit ako at napahawak sa aking sentido para kalmahin ang aking sarili at para hindi makagawa ng bagay na ikakapahamak ni Star.
I know my sister is kind of a straightforward person but I didn't think that she's so blunt and sassy. I'm so speechless!
Ngayon ko napagtanto kung bakit madalas na napapatawag sa Guidance Office ng kaniyang pinapasukang school si Mama. Hindi maitikom ang bibig!
"Anak, kahit anong sama ng isang tao hindi mo dapat ipinapanalangin na mawala na siya sa mundo." Mahinahong usal ni Mama sa kaniya. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan niya nakukuha ang pagiging kalmado sa lahat ng bagay, katulad nalang ngayon.
"I know, Ma. Dahil kahit hindi ko naman po ipinalangin iyon ay alam ko namang kukunin at kukunin din po siya, not now but sana soon."
Bigla ang rahas ng paghinga ko. "Star, watch your mouth." Galit kong usal at pinaningkitan siya ng mata.
"I get it. I know you're mad. But saying you want someone to die is really serious. That's not something we should ever wish for."
Natutop niya ang kaniyang bibig nang mapalingon sa aking gawi. She pouted and hid her face once more.
Hindi ko tuloy alam kung ipagpapasalamat ko bang pinilit ko siyang um-enroll sa judo class nila Nash.
Nang makarating sa akin ang balita na nabubully siya dati noong elementary student palang siya ay walang pagdadalawang isip na kinausap ko si Mama para i-enroll siya sa Judo class. Hindi ko na rin naman kasi siya mabantayan ng 24 hours mula nang mag-college na ako dahil magkaiba na kami ng school na pinapasukang dalawa.
At first, she was very hesitant to join the class. Masyado raw siyang payat at baka mabalian lang siya ng buto kung ipagpapatuloy ang pagpasok sa Judo. I respect her decision that time. Alam ko namang magbabago pa ang kaniyang isip tungkol sa bagay na iyon. Ayoko namang siyang pilitin baka nga may mangyaring masama sa kaniya. Ayokong mawalan ulit ng kapamilya kung magkataon.
Bata palang kami ng mamatay ang Papa dahil sa kinasangkutang aksidente. Dead on the spot siya nang madala sa hospital. Grade seven palang ako that time at nasa grade three palang si Star.
After that accident, naipangako ko sa aking sarili at aking Ama na susuportahan ko at hindi papabayaan si Star. Naisip ko tuloy kung sobra ko ba siyang na-spoiled kaya siya ganiyan.
"Don't worry, Kuya. Alam kong magigising pa siya. Piktos lang naman iyong ginawa ko sa kaniya." Pampalubag loob niya sa akin. Na para bang mababawasan noon ang pag-aalala ko.
I only glared at her as a reply. Piktos ba iyong naidala sa hospital matapos niyang suntukin?
Umiling si Mama at hindi nagkomento sa aming dalawa. Tumigil siya ng pag-alo sa aking kapatid at tumayo mula sa pagkakaupo buhat sa sofa. Alam kong nag-aalala rin siya para kay Star.
"Maghahanda na ako ng dinner. Sumagot ka ng ayos sa Kuya mo, Star." Si Mama tsaka nagmartsa papasok ng kusina.
Naiwan kami ni Star na magkaharap na nakaupo sa sofa. Dinampot niya ang kulay dilaw na emoticon pillow sa kaniyang tabi tsaka yinakap iyon. Hindi siya makatingin ng deritso sa akin kaya pinaikot-ikot niya na lamang ang kaniyang tingin sa taas ng kisame.
I sighed in disbelief.
Kinuha ko ang aking cellphone tsaka iyon binuksan. Deri-deritso ang pagclick ko sa aking messenger app when I remember something. Kaya imbes na messenger ang i-click ay nauwi ako sa i********:. Sinearch ko ang pangalan ni Norlan at tumipa sa aking keyboard para sa isang mensahe.