Matt Reniel:
How's Summer?
I saw that my message had been delivered already to him.
Naghintay ako ng reply buhat sa kaniya nang makita kong naseen niya na ang aking chat matapos ang ilang minuto.
Ito ang unang beses na nagchat ako sa kaniya.
Norlan Jade:
Get lost!
Napahawak ako sa aking sentido nang mabasa ang kaniyang reply. I should not assume in the first place that he will answer my question.
Ano pa nga bang mapapala kong magandang tugon buhat sa kaniya?
Matagal kong pinagisipan kung magrereply ba ako o hindi. In the end, I off my phone and didn't give a sarcastic reply to him anymore. That would be a waste of time.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" Mahinang tanong ni Star nang hindi ko inaasahan.
Liningon ko siya at gaya nang kaniyang nakasanayan ay hindi siya makatingin sa akin. Ganiyan siya kapag alam niyang may nagawa siyang mali.
Kapwa nakapatong sa sofa ang kaniyang mga paa habang nakatungtong sa kaniyang magkatabing tuhod ang emoticon pillow kung saan nakapatong ang kaniyang mukha.
"I'm sorry." Nakayuko niyang usal na halos pabulong lang.
Ang kaninang inis ko sa kaniya ay biglang naglaho nang marinig ang mga katagang iyon buhat sa kaniyang bibig. Though, alam kong matigas ang ulo niya at gumagawa ng mga bagay na hindi niya muna pinag-iisipan, alam kong isa pa rin siyang mabait at maalalahaning bata.
"Hindi ka dapat sa akin humihingi ng sorry kundi kay Summer." My voice is a little calm now.
She suddenly looked at me with disbelief evident in her eyes. I raised my brows at her.
She pouted when she realized that I'm serious about it.
Itinaas niya ang kaniyang kamay tanda ng pagsuko. "Okay, okay. I promise, magsosorry ako bukas sa kaniya."
"Dapat lang," tugon ko habang tinatago ang ngiti sa aking labi.
Though she's very stubborn, what I like the most about my sister is the way she makes promises. Yes, it could take time for her to follow and accomplish things but rest assured that when she promised someone she would definitely do it.
We both look at each other when the doorbell rang. In a split of seconds her eyes immediately shine.
"Nandiyan na ata sina Angel at France." Aniyang tinutukoy ay ang kaniyang mga kaibigan.
Nagpaalam siya kahapon kay Mama na mag-o-overnight raw siya sa bahay ng kaniyang kaklase pero hindi ako pumayag. Ang bata pa niya para makitulog sa ibang bahay. Papayagan ko lang siya once she turned eighteen. Sa huli'y hindi na rin naman siya umangal at minabuti nalang na dito matulog ang kaniyang mga kaibigan sa bahay para gumawa ng kanilang school projects.
Buhat sa pagkakaupo ay tumalon siya at deri-deritsong tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kaniyang mga bisita.
Napatayo rin ako galing sa pagkakaupo tsaka nakisilip sa kung anong itsura ng kaniyang mga kaibigan.
It's not really the first time she brought her friends to our house but it is my first time seeing them. I wonder what kind of personality her friends have.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napakunot-noo ako nang marinig ang pagkadisgustong tanong na iyon buhat kay Star. Mukhang hindi ata sa kaniyang inaasahan ang kaniyang napagbuksan. Lumapit ako para tingnan kung sino ang kausap niya.
"Hey Cloud," bati ko sa lalaking kaniyang kaharap.
Isang tango lang ang isinagot sa akin ni Cloud nang mapalingon sa akin.
Just like his brother, he's a little bit snob and unfriendly.
"How's Summer?" I suddenly asked him.
"She's fine." Manipis niyang tugon tsaka liningon ang kapatid kong nakacrossed arm at masama ang tinging ibinigay sa kaniya.
Though, I know they are classmates for a very long time I knew that they are not close to each other.
"I saw this in our backyard and I guess this is yours."
Nawala ang angas ni Star nang mapansin ang pink na wallet na hawak hawak ni Cloud. Mabilis niya iyong inabot buhat sa kaharap.
Kung hindi ako nagkakamali ay regalo iyon sa kaniya ni Mama nang makapagtapos siya ng elementary. Mabilis niya iyong binuksan at tsinek.