Chapter 7

676 Words
Nakahinga siya nang maluwag nang makitang wala namang nawala lalo na ang nag-iisang litrato ng Papa sa kaniya. "Hindi mo naman siguro binawasan ang pera ko, ano?" She asked as she counts her remaining money in her wallet. This child! "You're welcome." Cloud sarcastically responded. Nasa mukha nito ang hindi matagong inis sa aking kapatid. What I noticed about the difference between Norlan and Cloud is that Cloud is a bit calm and patient. Meanwhile, Norlan is kind of aggressive, impatience and violence. Though the two are different from one another their appearance is just similar. When you look at both of them you'll definitely know that they were siblings since Cloud is a mini cute version of Norlan. "I'm going back." Cloud said lazily then he turned his back at us. "Oo mabuti pa nga.." I leered at her. "Pero.. T-Thank you," my sister whispered softly before Cloud could walk outside our backyard. There's a little smile plastered out of my lips because of her sudden change of behavior. And before she could notice that, I immediately walked towards the kitchen to help Mom preparing our dinner. Kinabukasan ay maagang sumama sa akin sa school si Star para makapagsorry kay Summer ng personal. She is really true to her words and I'm very proud of her because of that. "She didn't accept it." She said sadly when Summer just walked away after she said her sorry. Well I just expected it to happen anyway. I put my arm around her shoulder to comfort her. "It's okay. What matters the most is that you did your part." I winked at her before I pulled her closer at me. Masama kong tinititigan ang mga nakakasalubong naming mga lalaki na napapalingon sa kaniya at ngumingiti. Gagong mga 'to! Junior high school lang 'tong kapatid ko. "Don't look and don't smile at them." Bulong kong utos sa kaniya. She pouted. "So, protective." Kung gugustuhin niya, Star could have a boyfriend now. Pero hindi ko pa siya pinapagayan. Ayaw din naman ni Mama dahil napakabata pa niya para pumasok sa seryosong relasyon. Sa dami-daming lalaking gustong manligaw sa kaniya ay hindi ko pa nababalitaang may sinagot siya sa mga iyon. Siguro dahil alam niya rin namang mauuwi lang din sa wala ang pakikipagrelasyon niya kung sakali mang meron. Takot niya lang sa akin. "Is that, Kuya Alli?" "Who's Alli?" Napahinto ako at napalingon sa lalaking tinitingnan niya. Nakita ko ang magkapatid na Norlan at Cloud na nakikipag-usap sa pinsan nilang si Allisandro. "Kelan pa dumating 'yan?" Taka kong tanong. Ang pagkakaalam ko'y nasa Manila siya. "So, totoo pala ang balita na nakabalik na siya?" Si Star na hindi maitago ang ngisi sa kaniyang mga labi. "Balita ko Kuya dito na siya papasok? Architect siya 'di ba? Meron nun sa school n'yo?" Ang daming tanong. "Star," may warning kong sambit sa kaniyang pangalan. Alam kong malaki ang pagkakagusto niya sa lalaking iyon. Liningon niya ako tsaka matamis akong nginitian. "Crush ko lang siya, Kuya. Promise." Pinaningkitan ko siya ng mata. "I-uncrush mo na siya." Utos ko. Napailing siya tsaka natawa. "Hi, Star." Pareho kaming napalingon ni Star sa lalaking bumati sa kaniya. Hindi ko man lang napansin na nakalapit na siya sa aming gawi. Binati niya rin naman ako, isang tango lang ang itinugon ko. Ang aking buong atensiyon ay nasa aking kapatid na katabi. "Hello, Kuya Alli." Magiliw na tugon ni Star habang kumikinang ang mga mata. Napakunot-noo ako nang mapansin ang kaniyang naging reaksiyon. Tinitigan ko siya ng masama. "Papunta ka na rin ba ng school? Sabay kana sa amin ni Cloud." Yaya niya sa kapatid ko. Akala niya naman papayagan ko? Bigla ang ginawang paglingon sa akin ni Star. Namimilog ang kaniyang mga matang tumitig sa akin. Humihingi ng aking permiso para siya ay payagan. "No need, Allisandro. Ako na maghahatid sa kaniya." Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Star at napalitan iyon ng pagsimangot. Nagpaalam kami sa kanila at patay malisya kong hinila ang akong kapatid palapit sa aking kotse para maihatid siya sa kanilang school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD