"Pumayag ka nalang sanang ihatid nila ako, Kuya." Komento niya habang nasa daan na kami.
"If you think I can allow you to be with them in one car, think again. I'm not an Engineering student for nothing, Star."
She pouted and crossed her arms.
"Nagmamagandang loob lang naman 'yung tao."
Talagang pinagtatanggol pa!
"Ignoring the red flags because you want to see the good in people will cost you later." I replied meaningfully.
Hindi siya nagsalita at nanatiling tahimik hanggang sa makarating kami sa kanilang school. I know she's thinking and also reflecting on what I've said. She's smart. At alam kong alam niya ang gusto kong iparating sa aking sinabi.
"Hey, Matt! Tara sa canteen!" Yaya ni Arwen sa akin pagkalabas ko ng room. Kasama niya na si Earoll, mukhang free time din nila.
"Hinihintay na tayo ng mga girls don. May pinaplano na naman kaya dapat kasama tayo." Si Earoll na ngumisi sabay kuha ng bag ko para makasigurong sasama ako sa kanila.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanilang dalawa.
"Matt, kanina ko pa ito gustong itanong. Anong nangyari sa labi mo? Bakit namamaga?" Kuryusong tanong ni Arwen. Wala na sa phone niya ang kaniyang atensiyon.
"Did someone suck it?" Si Earoll na hindi mapigilan ang bibig habang natatawa.
"Suck it, my ass." Asar kong komento at wala sa sariling napahawak sa parte ng aking labi na medyo namamaga pa rin hanggang ngayon. Nawala na iyon sa isip ko kanina.
Mas lalo akong naasar nang habang pababa kami ng hagdan ay nakasalubong namin ang dahilan nang pamamaga ng aking labi.
"Gago bro! Kapag nagalit sa akin si Alizha!"
"Just treat her if she doesn't like it. At least naibili mo ng napkin."
"Pero ang hula ko talaga with wings 'yong gusto. Pareho sila ni Jam."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Norlan. Kasama niya iyong mga kaibigan niya from different departments. Hindi ako pamilyar sa kanila. Nagkukulitan sila at binibiro iyong mukhang may lahing intsik. Walang pakialam sa paligid kung may makarinig sa kanila o wala.
Napansin kong may band aid si Norlan sa kaniyang kaliwang pisngi at gaya ko'y namamaga rin ang kaniyang labi.
"Mukhang napaaway na naman si Norlan." Komento ni Arwen nang makababa na kami ng building. Kilala niya kasi kasama namin sa varsity dati.
"Sayang ang mukha hindi iniingatan. Minus points sa mga chicks." Si Earoll na naiiling.
"Dude, kahit siguro magkablack eye si Norlan marami pa ring maghahabol na babae ron. Pagkalooban ka ba naman ng ganoong mukha e."
Arwen's right. Kung usapang mukha lang naman, kahit naman sinong babae ay sadyang nahuhumaling kay Norlan. Tindig palang noon.
Kung ikaw ay babae at sobrang attractive ka sa mga gwapo siguradong tatamaan ka sa kaniya kapag nakita mo ito. Pero kung ikaw naman iyong tipo ng babae na walang pakialam sa physical appearance kundi sa attitude ng isang lalaki then mark yourself safe.
"Boys!" Sigaw ni Jelen. Sa lakas ng boses niya halos lahat ng tao sa canteen ay lumingon sa kaniyang gawi. Sinenyasan niya kaming lumapit sa kanilang table.
Naunang naglakad doon si Earoll at sumunod kami ni Arwen sa kaniya.
Halos okupado ng mga kaibigan naming babae iyong table may kasama pang hindi pamilyar sa akin. Dahil siksikan na, minabuti namin itabi iyong vacant table na malapit lang sa pwesto nila para makasabay kami sa kanilang pinag-uusapan.
Nagsalubong ang kilay ko noong mapansing tumabi si Earoll kay Denice imbes na kay Jelen.
Nagkatinginan kami ni Arwen at sabay pa kaming napailing nang mapagtanto kung bakit pinili ni Earoll ang pwestong iyon.
"Heaven," bulong niya nang makaupo at sumulyap sa mga nagkakatuwaang Tourism students na kasama ng mga girls.
May isang babaeng sumulyap sa amin mula sa kanila. Earoll move his mirror haircut backwards boyishly and smiles at her. Mabilis na umiwas ng tingin iyong babae at nakita kong namula ang mukha nito.
"Gago!" Natatawang usal ni Arwen sabay siko kay Earoll. Ang kapal talaga ng mukha ng isang 'to. Pinangliitan tuloy kami ng tingin ng mga girls kahit wala pang kabalbalang ginagawa. Iniisip siguro na nilalandi na naman namin itong mga kasama nila.
Pinakilala kami ni Jelen doon sa tatlong babaeng kasama nila. Sadyang magaganda at sexy kaya naman ginanahan tuloy akong makipag-usap sa kanila.