"Ang ganda nung Zyren." Bulong ni Earoll habang kumakain kami. Mukha naman talagang hindi pagkain ang ipinunta niya rito sa canteen. "Balita ko crush ka raw niyan." Dagdag niya pa. Hindi na ako nagtaka dahil ang lagkit nga makatingin.
"Dude, si Sharie." Arwen elbowed me. Natigil tuloy ako sa pakikipag-usap doon kay Zyren bago natatawang nilingon ang grupo nina Sharie na kakapasok lang sa pintuan.
Sharie, wearing our usual school uniform. Her hair fell straight down her back, and her bangs gently covered her forehead. She had this calm look on her face, like she didn't need to say anything to stand out. Her body had an hour glass shade—curvy in the right places. She wasn't trying to show off or anything but you could tell. I couldn't help but look her way.
Pati ang mga girls ay napalingon na rin doon. "Wala na. Distracted na naman si Reniel. Tulo laway na." Biro ni Kaisha sa akin na papatulan ko sana kung hindi ko lang nakita ang pagbubulungan ni Norlan at Sharie.
Napakunot-noo ako nang makitang yumuko ng kaunti si Norlan para marinig ang sinasabi ni Sharie. Alam kong nasa circle of friends siya ni Sharie pero hindi ko alam na ganito sila kaclose.
"Magpapapansin na naman 'yan." Si Jelen at tinapunan ako ng nakakalokong ngiti.
"Your drooling, Matt," si Earoll na natatawa sabay pahid ng tissue sa aking bibig. Aabutin ko sana siya para maheadlock kaso tuso ang isang 'to at mabilis na nakalayo.
"Gusto ni Matt si Sharie?" Rinig kong tanong ni Zyren na sinagot naman ni Denice.
"Oo. Patay na patay siya don." Ipagkalat mo.
Panong hindi malalaman ng lahat na gusto ko si Sharie kung ganiyan sila?
Binalik ko ang tingin kina Sharie na nakikipag-usap pa rin hanggang ngayon kay Norlan. Ang lapit pa ng mukha sa isa't isa Tsk.
"Close pala sila ni Norlan?" Si Arwen na gaya ko'y hindi makapaniwala sa nakikita.
"Malamang na close sila kasi same course lang naman. Architecture." Si Jelen na para bang ang bobo namin dahil hindi namin alam 'yon.
Inakbayan ako ni Arwen. Na ngayon ay may ngisi na sa kaniyang labi. "Baka malaman mo nalang inaagaw na pala sa'yo ni Norlan si long time crush."
I pushed my tongue against the side of my mouth. Posible ngang mangyari 'yon ngayong nagkakalabuan iyong dalawa.
"Baka gustong mangopya ni Norlan kay Sharie kaya bumubulong?" I rolled my eyes. Earoll and his stupidity.
Ngumiwi si Kaisha. "Nakalimutan mo atang deans lister yung tao." Siyempre ipagtatanggol niya kasi...
"Kaya pala type mo Kai." Tudyo ni Arwen habang tinitingnan ang namumulang si Kaisha.
"Shut up!" Kaisha leered at him. Natawa tuloy kami sa kaniya. Mukha nang kamatis ang kaniyang mukha dahil sa pula.
"Si Alizha at Jamila." Nguso ni Denice kay Arwen at Earoll kaya bumalik na naman iyong tingin namin doon sa grupo nina Sharie.
I notice another two girls and honestly, it's hard not to look at them— they're all really beautiful in their own way.
Una kong napansin iyong babaeng kulot na katabi na ngayon ni Sharie. She has dimples and her eyes look full of life. Matangkad at Morena— gaya ng tipo ni Arwen. Mahilig yan sa kulot at may dimple. Maganda nga naman sadyang medyo masungit lang.
Ang katabi naman noong babaeng yon ang tipo ni Earoll. She has short, wavy hair dyed a soft brown which make her looks bold ang stylish. Her voice is a bit louder than the rest. Matangkad na maputi tsaka singkit ang mata. Malaki ang dibdib kaya hindi na nakakapagtakang tipo ni Earoll.
"Sharie!" Tawag ni Jelen. Napalingon tuloy sa amin iyong grupo nila.
"Palapit na, dude." Siniko ako ni Arwen. Gago talaga. Alam niya namang nakikita ko rin na palapit sasabihin pa.
Kinausap siya ni Jelen nang makalapit siya sa aming pwesto. Inabutan siya nito ng invitation para sa party this weekend.
"Thanks.. try kong pumunta." Tipid niyang tugon. Napahawak ako sa aking pang-ibabang labi tsaka iyong nilaro gamit ang aking thumb habang hindi inaalis ang tingin kay Sharie.
"Isama mo na rin mga friends mo para maging komportable ka." Suhestiyon ko. Mukhang hindi kasi pupunta dahil siya lang ata ang kasama sa circle of friends niya. Hindi naman masamang bumoses 'di ba?
Liningon niya ako. Siguro'y napansin na may nakatingin sa kaniya kaya napalingon siya sa aking gawi. Tumaas ang kilay niya nang magkatinginan kami. Ito talaga gusto ko sa mga babae, iyong mataray.
"Oo nga, Sharie. Isama mo na rin sila." Sang-ayon ni Jelen.
Tumango siya. Umiwas ng tingin sa akin. "Sige." Aniya bago nagpaalam.
"Patay na patay ka talaga roon." Si Arwen na naiiling. Hindi ko naman tinatago.
"Tapos patay na patay naman 'yon kay Abis!" Halakhak ni Earoll.
Ah... nakakatawa 'yon?
"Matt!" Nagkasalubong ang aking kilay ko nang makita ang humahangos na mukha ni Erich, kaibigan at kaklase ni Rain.
Naglakad siya palapit sa table na okupado naming magkakaibigan. Napakunot-noo ako nang mapagtanto ang butil ng pawis sa kaniyang noo.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"T-Tungkol 'kay Rain." Umpisa niya at humugot ng malalim na paghinga. "Sinugod siya ni Summer sa room. Hanggang ngayon ay nag-aaway silang dalawa sa taas.”