Chapter 10

720 Words
:) SINUNDAN NAMIN SI Erich hanggang sa makarating kaming sa kanilang building. Hindi rin biro ang pagpunta rito dahil ang layo nito sa canteen. Para ka na ring tumakbo ng dalawang beses sa oval na may distansiyang 400 meters. "Bakit daw nag-away? Anong problema?" Salubong ang kilay na tanong ni Kai. May klase na kasi iyong iba kaya siya at si Jelen nalang ang sumama sa amin. "May misunderstanding ata. Tungkol sa boyfriend ni Rain." Si Erich. "Nakisawsaw na naman siguro si Summer sa relasyon." Ani Jelen na naiiling. "Wala pa namang girl code sa babaeng 'yon. Basta tipo susunggaban niya. Parang uhaw na uhaw sa lalaki." Inakbayan siya ni Earoll. "May pinaghuhugutan ka ChinChin?" Ayon. Nasiko tuloy siya hindi na nakatawa dahil namilipit na sa sakit. Humalakhak si Arwen habang nakaturo kay Jelen. May gustong sabihin pero nabitin sa ire dahil sa sama ng tinging ibinigay sa kaniya. "Ayaw ko namang lumapit sa discipline office kasi baka ma-expel si Rain." Tumango ako. Mahirap na ring makaabot sa mga magulang niya at baka magrounded siya. Maraming nakikiusyoso sa nagaganap na away nang makarating kami. Mostly ay mga taga-Fine Arts at Commucation Arts ang nakikita. Same building lang kasi sila. Medyo nabadtrip lang ako sa kanila dahil sa dinami dami nila ay wala man lang nagtangkang umawat doon sa dalawa. "Bakit kasi ayaw mo pang aminin sa sarili mong hindi ka na niya gusto nang hindi nagkakagulo!" Litanya ni Summer sabay hila sa mahabang buhok ni Rain. Mabilis ang ginawa kong pagsingit sa mga nakikiusyoso tsaka lumapit sa dalawang babaeng nag-aaway. Hindi ko malaman kung papaano aawatin ang dalawa dahil pareho sila nakasabunot sa buhok ng bawat isa. "Hey Rain, stop it!" Sigaw ko sa aking kaibigan kaso mukhang hindi niya naman ako narinig. Patuloy pa rin ito sa pagsabunot kay Summer at ganoon din naman si Summer sa kaniya habang kinakalmot pa siya. Napasabunot nalang ako sa aking buhok at walang nagawa kundi ang makisangkot sa kanilang dalawa. Para akong pusang pumagitna sa nagsasabong na manok! Hinawakan ko ang kamay ni Rain tsaka marahas iyong hinila palayo kay Summer. Hindi iyon inakala ni Summer kaya tumama ang kaniyang kalmot sa aking leeg. Naramdaman ko ang pagguhit ng kaniyang kuko sa kanang parte ng aking leeg kasunod ang paghapdi nun. Nag-aalab sa galit ang mata ni Summer na tinitigan ako. Mukhang nainis pa sa ginawa kong paghatak kay Rain buhat sa kaniya. "Ikaw naman kasi ang hilig mong makisawsaw sa relasyon ng iba. Alam mo namang may girlfriend na 'yung tao tapos ikaw nilalandi mo pa!" Si Rain na hindi rin papigil sa kaniyang galit. Marahas ko siyang hinawakan sa kaniyang braso para pigilang makalapit kay Summer. "You know form the start na hindi ako nakisawsaw. Tapos na kayo nang maging kami! Ikaw itong hindi makamove on. Ikaw 'yung nakipagbreak 'di ba? Bakit ikaw ngayon 'yung naghahabol?" Nag-uuyam na sambit ni Summer. Nasa labi ang ipinintang ngisi. Para silang lumalagablab na apoy na kung hindi mo agad pipigilan ay matutupok nila ang isa't isa. "..." Rain didn't replied at her. Nakita kong nangingilid na ang luha niya sa talukap ng kaniyang mga mata dahil sa galit sa kaharap. Pinipilit niya lang ang sarili niyang hindi iyon ibagsak. Nagpumiglas si Rain sa pagkakahawak ko sa kaniya pero hindi ko pa rin siya pinakawalan. Pakiramdam ko ay gustong-gusto niyang saktan si Summer dahil sa mga pinagsasabi nito. Liningon niya ako nang maramdamang tila ba wala akong balak na bitawan siya. "Bitawan mo ako, Matt." Utos niya sa akin. Umiling ako. "No. Ipapahamak mo lang ang sarili mo." Sambit ko tsaka mahigpit pa rin siyang hiwakan sa kaniyang magkabilang braso. "Breathe, Rain. Seriously. This is not worth fighting over." Si Kai na naiinis na rin. "At bumoses pa talaga iyong ampon." That makes Kai caught off guard. Nakita ko kung pano siya natigilan at nanlumo. Sumama naman ang timpla ng mukha ni Jelen at disappointed na tiningnan iyong nagsalita. Hinanap agad ng mga mata ko iyong gagong 'yon. Wawasakin ko ang bibig hanggang hindi siya tuluyang makapagsalita. "Anong sabi mo?" Si Arwen na hawak-hawak na iyong kwelyo noong lalaki. Si Abis pala. "Ako nga angasan mo." Nakita ko rin ang biglang pag-alerto ni Earoll na nasa tabi lang ng dalawang babae. "What?" Maangas niyang tanong. Na para bang inside joke lang 'yon sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD