I check every part of my room that has the beach vibes theme, at maging ang bathroom na meron roon ay hindi gaanong maliit. I have my own bathtub at may mga essentials na rin na nakalagay roon. At least alam ng aking kapatid ang ginagamit kong soap at shampoo. Lumabas ako at kinuha ko ang aking mga gamit na naiwan sa labas. Nadatnan ko pa rin roon si Callen na busy na nagbabasa ng isang book. Hindi kami nagpansinan dalawa at hindi rin ako humingi ng tulong sa kanya. Hinihingal ako nang maipasok ko na lahat sa aking kwarto. Binuksan ko ang malaking cabinet at sigurado akong kakasya ang mga gamit ko roon.
Umupo ako sa sahig at in-open ko ang isang malaki kong carrier na naglalaman ng aking mga damit. Tinupi ko ito ng mabuti at nilagay muna sa aking kama. Hindi ko maiwasan na mahiga roon at naginat-inat pa ako. I was kind of sleepy dahil maaga rin kaming nagising kaninang umaga. Napatingin ako sa bintana at nakikita ko ang mga naglalakihan na buildings sa labas. Wala na talaga ako sa isala at titira na ko kasama ang asawa ng aking kapatid.
Habang papunta kami rito, iniisip ko kung paano ako pakikisamahan si Callen lalo na at may nangyari na sa amin. Kung tutuosin magkakilala na pala sila ng aking kapatid dahil classmates sila noong college. Ang sabi ni ate,. Matalik silang magkaibigan at lagi siya nitong tinutulungan. Ni hindi ko nga alam na nagkaroon na pala ang aking kapatid. One day, tumawag na lang siya at sinabi na ikakasal na siya. Maging ang Lola namin ay nagulat sa ura-urada niyang desisyon, pero nasanay na rin naman kami.
I can still remember nang dumating sila sa isla. Nang makita ko sila na magkasama, there was a dread feeling in my stomach. Nang ipakilala niya na ito ang lalakeng pakakasalan niya, my heart just shattered. Agad akong nag-excuse na lalabas na muna at nang makalayo na ako, I just cried. Umiyak ako dahil hindi na magiging akin ang lalakeng pinangarap ko na makikita ulit and maybe have a relationship with dahil sa nangyari sa amin. I was convinced then na para kay Callen, that was just one night of fun. I was just a girl who entertained him at may kapalit na pera. Nagpapasalamat na lang ako at wala siyang sinabi sa aking kapatid.
Malakas akong bumuntong hininga at bumangon na ako. Hindi ko na dapat iniisip ‘yon dahil wala lang naman ako sa kanya. It’s better if he stays cold and distant to me at gagawin ko ang dapat kong gawin dito sa bahay. Madali lang naman, maglilinis, mag-aayos, magluluto na palagi kong ginagawa habang nakatira ako sa isla. I was taking care of my grandmother since matanda na rin siya at hindi na gaanong nakakakilos.
“So, what do you think of your room?” nagulat ako at muntik ko ng mabitawan ang hawak kong laptop nang may magsalita. Nilagay ko ang aking hawak sa study table na naroon at lumingon kay Callen na nasa pinto. Nakasandig sa may doorway looking so sexy and hot as ever. Nakasuot lang siya ng black sweatpants at white tshirt. Nakahalukipkip ang kanyang mga kamay at braso sa kanyang dibdib, emphasizing his perfect muscles further.
“Uhm… maganda siya… I like the theme.” mahina kong sagot sa kanya.
“Mabuti naman at nagustuhan mo. I was telling your sister to fix the room in a beach vibes kind of way para hindi ka masyadong mangulila sa isla na kinalakihan mo. She was going to leave it bare and I was against it.”
“Oh… maraming salamat kung gano’n. Mas gumaan ang pakiramdam ko actually.” napansin ko na nakatitig siya sa akin. “Uhm, is it really okay na tumira ako rito? Hindi ko kasi alam na magiging ganito ang sitwasyon niyo ni ate.” lumakad siya palapit sa akin hanggang sa magkaharap na kami dalawa.
“Hindi ka ba natutuwa na tayo lang sa bahay?” tukso niyang sabi. I blink at him at bago pa ako makaatras, nilagay niya ang kanyang mga kamay sa mesa, sa magkabilang gilid ako kaya para na akong nakulong. “It might mend our relationship as nin laws. You’re my sister-in-law, Iszla, kapatid ka ng asawa ko, so you are my family.” napalunok ako at gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa. I am drowning with his icy blue eyes that was turning too vivid habang nakatitig siya sa akin.
“I-I thought you don’t like me… Kaya nag-aalala ako na baka makaabala pa ako sa’yo pag tumira ako rito. Habang nandito ako, you wouldn’t feel that I am here. I will get out of your way habang inaasikaso ko ang bahay at ipagluluto kita ng masarap na pagkain.” napakunot noo siya.
“Sino may sabi na hindi kita gusto?” kinagat ko ang aking labi at tumingin siya roon. “I really like your cooking, kaya nga ako pumayag. Just don’t disturb me when I am sleeping at pag nagsusulat ako, understand?” tumango lang ako. He backed off and I breathed heavily. “Sana magkasundo na tayo, Iszla.” lumakad na siya palabas ng aking kwarto. “I’m going to sleep. Stay as silent as possible.”
“O-Okay!” sagot ko. Kumaway na lang siya sa aking at tuluyan ng umalis. Napahawak ako sa aking dibdib na mabilis at malakas na kumakabog. Nakarinig ako ng pagsara ng pinto at napaupo naman ako sa cushioned chair na kaharap ng mesa. Anong ibig niyang sabihin na magkasundo? Ayoko nga na mangyari yon para wala kaming gaanong interaction sa isa’t-isa. Ayoko na maging close kami lalo na at may feelings pa ako sa kanya. If I already move on, sana may gusto na akong iba ngayon o may boyfriend na, pero wala, eh! I should just have stayed on the island!
Wala na akong choice, kaya naman tinuloy ko ang pag-aayos ng aking mga gamit na hindi nag-iingay. Pinagpahinga muna ako ng aking kapatid that’s why I took a quick nap. Nang magising ako, magdidilim na, kaya naman mabilis akong bumaba at nadatnan kong nagsisimula ng magluto ng dinner and aking ate. Agad akong lumapit sa kanya at sinabihan siya na ako na lang ang magluluto. She’s a terrible cook kaya nga ayoko siya na nagpupunta sa kusina kung minsan. Either she will cut herself o baka masunog ang buong bahay.
I was silent habang kumakain na kami ng dinner. Hinayaan ko lang sila na mag-usap na dalawa. Ngayon ko lang nalaman na mahirap pa lang gisingin si Callen. It took my sister half an hour to do it. Mahirap din sigurong maging isang author dahil may deadline ka na dapat habulin. He was irritated nong una, pero nang kumakain na siya, naging okay na ang kanyang mood. Since, magpupuyat na naman siya ngayong gabi, ginawan ko siya ng matcha tea. Bahagya pa nga siyang nagulat nang dalhin ko ito sa kanyang office. He did say thank you and told me na matulog na which I did.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil aalis na rin ang kapatid ko. Nakapag-empake na pala siya. She was ready at hindi man lang niya sinabi sa akin. Maagad rin na nagising si callen at hinatid namin ang aking kapatid sa kanyang kapatid na nasa ibaba ng apartment. Niyakap ko siya at sinabihan na mag–ingat at tawagan niya ako pag may time siya. Naiyak ako ng konti nang sumakay na siya sa kanyang sasakyan at tuluyan ng umalis.
Nang hindi na namin makita ang kanyang sasakyan, hinawakan ni Callen ang aking kamay ng mahigpit at hinila niya ako pabalik sa loob. Nagtaka naman ako at tatanungin ko sana siya habang nasa elevator kami. But he suddenly covered my body with his and gave me a searing hot kiss on my lips that made my world upside down.