Napatulala ako at hindi agad ako makapagsalita sa sinabi ng aking kapatid. Kumakain lang naman sa tabi ang kanyang asawa na parang okay lang ito sa kanya. Tumingin ako sa kanilang dalawa at hindi makapaniwala. Seryoso ba ang kapatid ko? Kung hindi naman pala siya titira rito, bakit niya ako dinala rito sa malaking apartment ng aking brother-in-law! Napamasahe ako ng aking noo at parang sumasakit ang aking ulo sa nangyayari.
“Teka, ate, pakiulit nga ang sinabi mo. Parang hindi ko naintindihan.” sabi ko sa kanya. Huminga ito ng malalim at mataman siyang tumitig sa akin.
“Narinig mo ko, Iszla… I have been promoted already, pero sa ibang branch ako magtatrabaho. So I decided to move out pansamantala at tumira malapit sa workplace ko. You will stay here. My husband will provide you a home and food, and for your studies as well. For payment, kailangan niya ng magaasikaso sa kanya at sa bahay. He will tutor you for your entrance exam para masigurado na makapasa ka.”
“Ate! Isn’t that your job as a wife?!” malakas kong sabi at natigilan siya. Namaywang siya at matalim niya akong tiningnan. Hinawakan niya ang aking braso at hinila niya ako papaunta sa balcony. Bahagya niya akong tinulak at binitawan.
“I got married, but I never promised to be a timid housewife to him. Kilala niya ako, Iszla, and he is okay with everything. Ang importante sa kanya ay may magasikaso sa bahay dahil sobrang busy din niya sa kanyang ginagawa. Yes, as his wife, I need to take care of him, pero it goes both ways. Nag-usap na kami and he is okay with it. Bakit ikaw ang nagrereklamo dyan? May matitirahan ka na nga at tutulong pa sa pag-aaral mo. He’s my husband and he’s your family too.”
“I never asked you na dalhin ako rito at pag-aralin! Ikaw ang nagpumilit, ate. Bakit ako pa ang may utang na loob sa’yo. Naging concern ka lang naman sa akin nang mamatay na si Lola. But the truth is, you never really care. Why? Nagi-guilty ka na ba?!” I flinch nang akma niya akong sasampalin pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
“Yes! I am feeling guilty dahil pinabayaan kita! Dahil pinaubaya kita sa Lola natin! But I had struggles too! Gusto ko na magkaroon tayo ng marangyang buhay kaya nagsisikap ako ngayon! Callen has been there for me as I struggle with my studies at pati na rin sa aking trabaho. I know mapapabuti ka if you stay with him. Alam kong hindi kaya gaano nagpapansinan and he seems cold and distant, pero mabuti siyang tao. Hayaan mo na tulungan kita. I want the best for you. I want you na makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho na makakapagpaangat sa’yo. Hindi mo magagawa ‘yon pag nasa isla ka lang.” huminga siya ng malalim.
“I’m sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang sitwasyon namin. I know na hindi ka na sasama pag sinabi ko kaagad. Huwag kang mag-alala, okay lang talaga sa aking asawa. You’re my sister, at hindi ka niya pababayaan. Hindi naman ako aalis ng tuluyan. I just need to do my job. This is the opportunity that I am waiting for. You are safe here, Iszla, please, huwag na tayong mag-away. Baka ito na in ang time na maging close kayo ng asawa ko.” Napailing ako at tumingin ako sa loob. Natigilan ako nang makitang nakatitig sa akin si Callen, and it sends shivers along my spine. Agad akong umiwas ng tingin at tumango na lang. Suko na ko! Nandito na ko, eh! Alangan namang bumalik pa ko sa isla kung naayos na ang lahat!
“Bakit kailangan niya pa akong i-tutor? Nakakahiya na…” Angal ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking kamay.
“Para nga siguradong makapasa ka. Kailangan mong pagbutihan sa pag-aaral mo. Don’t also waste this chance, Iszla. Bakita ka naman mahihiya kung may kaplait naman lahat ng ito. You are going to be his housekeeper. Kaya mo naman siguro ‘yon?” Tumango ako ulit. “I will call you pag hindi ako busy. Pag may problema, sabihan mo lang si Callen, okay?”
“Sige ate… “Ano pa ba ang magagawa ko?” Bahagya siyang ngumiti at niyakap niya ako. Makalipas ang ilang minuto, nang kumalma na kaming dalawa, pumasok na kami ulit sa apartment. Nakaupo na sa sofa si Callen at nagbabasa ito ng isang classic book. He is sitting cross-legged, and he has eyeglasses on his face that make him more charming. My insides clench as I see his long fingers at parang bumnabalik sa akin kung anong epekto ng kanyang mga daliri sa akin noon.
Lingid sa kaalaman ng aking kapatid, mas nauna kaming nagkakilala ng kanyang asawa. He was the reason kung bakit napatayong muli ang aming munting souvenir shop at nagpaayos sa aming bahay. Malaking pera ang iniwan niya sa akin kapalit ng isang gabi na puno ng pagnanasa at init ng aming katawan. Dahil roon, hindi na ako nagkaroon ng boyfriend, at siya lang ang lalakeng gusto ko at gusto na maangkin ako ulit. But fate was playing on me nang pinakilala siya ng aking kapatid bilang kanyang asawa.
That was the time nang magkita kami ulit. I was shocked, pero hindi ko pinahalata habang ang lalake ay wala man lang reaction at hindi ko nakitaan ng recognition sa kanyang mga mata. Kaya naman inisip ko na lang na hindi naman ako special para matandaan niya. But that one night with him was special to me. I got my heart broken at feeling ko inagaw siya ng kapatid ko sa akin. Maybe that is also one of the reasons kung bakit inis na inis ako sa aking kapatid. One reason kung bakit umiiwas ako kay Callen, who seemed so cold with me.
“Everything good?” tanong niya sa amin. Napakuyom ako ng aking mga kamay at humarap ako sa kanya.
“Kuya Callen, salamat nga pala sa pagpapatira mo sa akin rito,” sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at napataas ang isa niyang kilay.
“It would not be free, though. And me, tutoring you is not for free either,” sabay dila niya ng kanyang lower lip. Napatingin ako roon pero umiwas rin, chastising myself.
“I-I will do everything you want me to…” sambit ko. I see his lips twitch at bumalik siya sa kanyang pagbabasa. Tinawag naman ako ng aking kapatid para mapuntahan na namin ang magiging kwarto ko. Maraming kwarto sa taas. Tinuro niya sa akin ang kanilang kwarto, at may collection room pa siya na hindi ko pwedeng pasukin without his permission.
Binuksan niya ang isang kwarto na katapat lang ng kwarto nila, at napahanga ako nang makita ang loob nito. The room is painted in light blue, and I have sheer curtains in turquoise color. May nakasabi sa taas ng bintana na wind chime na katulad ng binebenta namin sa isla. Sa taas ay may maliit na chandelier na gawa sa shells. The room screams an island girl vibes and I love it. The bed was in the same shade of blue color. May sarili akong study desk at chair with a cute shell capiz table lamp. I have my own bathroom at may malaki akong cabinet na paglalagyan ng aking mga damit.
“Is this okay? Kumpleto na lahat ng gamit mo rito. Kung may kailangan ka pa, sabihan mo lang ako. I also bought you some clothes for school and other stuff as well.” sabi niya at nagpasalamat naman ako sa kanya.
“Ang ganda ng kwarto ko, ate…” mahina kong sabi at ngumiti siya. “Thank you at hindi mo ako pinabayaan. Gagawin ko ang best ko sa aking pag-aaral.”
“That’s good to hear. Iiwan na muna kita at mag-ayos ka na ng gamit mo. Huwag kang masyadong maingay at baka matutulog si Callen. He always sleeps by day at nagsusulat siya sa gabi kaya laging puyat.” pagkasabi nito, lumabas na siya ng kwarto at sinara ang pinto. Bumuntong hininga naman ako at lumapit sa bintana. Tumingin ako sa labas nito at nakikita ko ang balcony sa ibaba, which was covered by green grass, by the way. This will be my home from now on, and hindi ko kung mapipigilan ko ang aking feelings para sa asawa ng aking kapatid. We had a past that lingers in my mind and my heart. What should I do to stop it?