“Hindi mo pa nakikita ang bata hinuhusgahan mo na agad. Alam mo iho sa akin ka maniwala. Normal ang pag-iisip ni Shiela ganyan lang talaga ang mga Gen Z kung tawagin.”
Napailing lang ang doktor. Nagpatuloy sa pananalita ang mayordoma.
“Hindi mo ba alam? Nangaling sa mayaman na angkan napangasawa ng anak mo. Parehong nasa pulitika ang mga magulang ni Shiela at spoiled ang bata gawa ng nag-iisang anak lang ito. Kaya nga tutol man ang alkalde na mag-asawa ang unica hija nila ay walang nagawa dahil muntik magpakamatay si Shiela. Ayon, napilitan na lamang ipakasal ang dalawa. Ang importante ay mahal na mahal ni Shiela si Omar.”
Hindi na lang siya nagsalita matapos maalis ang mga larawan ng babae. Gusto niyang sabihin na hindi niya kilala ang apelyido ni Shiela at kung ang yaman ay galing sa kaban ng bayan puwes hindi ‘yon matatawag na yaman. Baka yumaman lang dahil sa pangungurakot. Napailing na lang ang doctor at nahiga sa sofa. Wala pa siyang tulog mula sa pagdating niya dito sa Pinas. Kaya nang magising siya ay hapon na.
Saglit siyang napakurap, bago napangiti nang bahagya gumaan nga ang pakiramdam niya.
“Gising ka na pala, hijo,” bati ni Manang Corazon, sabay lapit habang bitbit ang bandehado.
“Pinainit ko na ang tinola at kare-kare. Hindi na kita ginising kanina ang sarap ng tulog mo, humihilik ka pa nga!”
“Salamat, Manang. Ang tagal ko nang hindi nakatulog nang ganito ka peaceful. Iba talaga dito sa Isla at marahil niyakap ako ni Marielle dahil masaya siyang nakabalik na ako.” Ngiti niyang sabi.
“Ah, Oo.” Napilitan na lang ngumiti ang Ginang. Saka nito pinatawag ang kasambahay at dinala ang tray dito sa sala. Umupo siya sa hapag, at dahan-dahang kumain.
Mainit ang sabaw at masarap. Ngayon lang siya ulit nakakain ng native na manok at ang paborito niyang kare-kare na tiyak ang mayordoma angg nagluto dahil masarap.
“Manang,” tanong niya habang ibinababa ang kutsara. Huling manggang hinog na lang ang kinakain niya panghimagas.
“Kailan po ba babalik si Omar? May mahalaga kaming pag-usapan.”
“Sabi po ni Lito, hijo, mamayang hapon daw. Naabot na raw sa kanya na nandito ka na. Kaya mamaya, uuwi silang mag-asawa dito.”
Tumango lang si Lander. Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso muna siya sa kuwarto at nagsepilyo.
Lumabas siya at dumiretso sa kusina. Mabuti naman at pinagbabaklas na nila ang mga larawan ni Shiela dahil sa totoo lang ang sakit sa mata dahil napakakalat.
“Manang, pakuha nga ako ng kandila.”
“Sige po.” Sagot ng kasambahay.
Maya-maya, hawak na ni Lander ang puting kandila. Lumabas siya ng bahay at nagpitas ng mga tangkay ng bulaklak sa hardin. Tatlong bulaklak na kulay violet saka na siya naglakad patungo sa likurang hardin kung saan naroroon ang maliit na puntod ni Marielle.
Ngunit sa di kalayuan, may mahinang hikbi. Napakunot ang noo ni Lander.
Paglingon niya, napansin niyang may babaeng nakaupo sa lilim ng punong sampalok tila kanina pa naroon, at bahagyang nakatungo.
Mukhang umiiyak ang babae sa puntod ng asawa niya.
Tumikhim siya upang iparamdam ang kanyang presensya.
Nagulat ang babae. Agad nitong pinunasan ang luha at bahagyang ngumiti, pilit na pinipigilan ang paghikbi.
“Phil?” mahinang sabi nito.
“Ikaw na ba ‘yan, Philander?”
Napahinto siya.
Muling tiningnan ang babae, ngunit walang agad na pagkakakilanlan.
Nang tumayo ito at lumapit at sumaya agad ito nang makita ito.
“Hindi mo ba ako natatandaan?” wika ng babae habang papalapit. Pero wala talaga siyang maalala.
“Ako ‘to, si April… ako ang best friend ni Marielle.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Naalala niy agad ang matalik na kaibigan ng asawa. Saka dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi ng binata.
“April…Ikaw nga.”
Hindi na nakapagpigil si April. Lumapit ito at mabilis siyang niyakap.
Nagulat man si Lander, hindi niya ito itinaboy. Hinayaan niyang yakapin siya ng babae.
Maya-maya, kumalas si April, bahagyang nagpunas ng luha ngunit nakangiti.
“Hindi ako makapaniwala… nandito ka na ulit, Philander. Ang tagal mong nawala.”
At muli siyang niyakap ni April. Hanggang sa umiyak ito sa bisig niya. Nag-aalangan man pero hinawakan niya ang likod nito at pilit na pinapatahan pero ang mata niya ay nagsisimulang maglamlam. May mga namumuong mga luha sa mata niya hindi para sa kayakap niya, kundi sa asawa. Habang pinagmamasdan niya ang bawat letra ng pangalan ng pinakakamahal niyang asawa.
“Marielle Salud Fuentebella”
Biglang kumalas si April at nagulat siya nang abutin nito ang mukha niya.
“Sampong taon kang nawala, Phil. Napakaraming nagbago dito sa Isla. Pero ngayon nagbalik halos hindi ako makapaniwala.”
“Marami nga, pansin ko rin April.” sagot niya.
“Magtitirik lang ako ng kandila para sa asawa ko, April.” Saad pa niya dahil tila walang balak ang babae na bitawan siya.
“Ah, oo sige.”
Binitiwan siya nito, pero ang gusto niya sana ay bigyan siya ng privacy ng babae pero sumunod ito ulit. Naupo pa sa marmol ni Marielle kaya hindi siya makagalaw nang malaya.
“Pero ako, minsan-minsan bumibisita pa rin dito. Sabi ko nga, kapag dumating ka, gusto kong ikaw mismo ang makakita kung gaano pa rin kaganda ang lugar ni Marielle.”
“Salamat, April,” mahina niyang sabi. Nilapag niya ang tatlong bulaklak at sinindihan ang kandila.
“Puwede mo ba akong iwana—"
“Miss na miss ka na rin ng kaibigan, Phil. Naalala ko kung paano siya noon kiligin sa tuwing bumibisita ka sa amin noon sa bukid.” Putol ni April ssa sasabihin niya. Tila ayaw talagang umalis ng babae.
“Salamat, April. Salamat sa pagdalaw kay Marielle. Hindi ko inakalang may bumibisita pa rin sa kanya.”
Umiling si April, at saka muling napahikbi.
“Hindi ko naman siya kayang kalimutan, Phil,” mahinang sagot nito.
“Hindi lang kaibigan kundi kapatid ang turing ko sa kanya. Wala nang araw na hindi ko siya naaalala.”
Niyuko nito ang ulo, sabay punas ng luha sa gilid ng mata.
“Miss na miss ko na siya. Kahit matagal na… ang sakit pa rin. Parang kahapon lang.”
Tahimik lang na tumango si Lander.
Tumingin siya sa puntod ng asawa sa marmol na may nakaukit na pangalan at sa picture nitong nakangiti.
“Ako rin, April…” mahina niyang tugon.
“Miss na miss ko na ang kaibigan mo.” Napayuko siya nang lumandas na ang masagana niyang luha. Kaagad na lumapit si April at niyakap siya ulit habang hinihimas-himas ang likod niya.
“Masakit pa rin,” patuloy ni Lander. “Akala ko pag lumayo ako, gagaan. Pero hindi… parang bawat taon, mas lalo lang bumibigat. Kahit saang bansa pa ako pumunta, hindi naiibsan ang sakit, ang pangungulila ko sa kanya.”
Tuluyan nang umiyak ang doctor.
“Marielle must be happy. Na nandito ka na uli.” Sabi ni April.
Ngumiti rin si Lander at pinunasan ang luha niya.
“I hope so. Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya siya.”
“Oo naman, Phil. Masayang-masaya ang kaluluwa ng bff ko at sana ‘wag ka nang umalis ulit. Dumito ka na lang Phil para araw-araw natin madadalaw ang asawa mo.”
Hindi agad siya nakapagsalita. Tumingin siya sa puntod at saka siya tumango. This time, hindi na niya uli iiwan ang asawa.
Namatay ang apoy ng isang kandila kaya inabot ito ng doctor at muling sinindihan.
Ilang sandali pa…kahit nakiusap siya kay April na bigyan siya ng privacy pero hindi talaga ito umalis. Kesyo baka daw kung anong mangyari sa kanya sa bigat ng emosyon niya. Tuloy may mga bagay na hindi niya na-ikuwento sa puntod ng asawa. Pero bukas na lang, dadalaw siya ulit at bibili ng bulaklak sa bayan. ‘Yong tulips na paborito ng asawa.
Pabalik na sila sa rancho nang hawakan siya ni April sa braso.
“Phil gusto mo bang bisitahin bukas ang mga magulang ni Marielle? Alam ko kung saan sila nakatira.”
Napahinto si Lander at tingin kay April.
“Balak ko rin talaga dalawin ang in-laws ko. Matagal na panahon ko na rin silang hindi nakikita. Puwede mo ba akong samahan, April?”
Ngumiti ang babae nang matamis.
“Of course. Oo naman. Lumipat na sila sa San Isidro bagong lugar ‘yon maliit lang na baryo sa dulo ng bayan. Madalas nga akong pumunta doon kapag may oras. Tinutulungan ko si Aling Mila sa paglalabada.”
“Si Nanay Mila? Kumusta na siya?”
“Oo,” sagot ni April, sabay buntong-hininga.
“Alam mo, Phil, walang gaanong pag-asenso ang mga magulang ni Marielle. Mula nang mamatay ang anak nila wala nang tumutulong sa kanila. Matanda na rin si Mang Boryo pero nagpapadyak pa rin. Balak ko nga kapag makatanggap ako ng bonus sa munisipyo nitong darating na disiyembre ay bibilhan ko siya ng traysikel para hindi na siya magpapadyak. Lalo na madalas tatlong pasahero siya at talagang hirap na hirap ang matanda.
Minsan kapag may extra ako, dinadalhan ko sila ng grocery bigas, sardinas, mantika. Kasi minsan, wala silang makain.”
Saglit na natahimik si Lander. Nakatitig lang siya sa malayo, parang pilit tinatago ang biglang kirot sa dibdib. Noong umalis naman siya ay tinulungan niya ang biyenan niya. Binigyan niya ng pangkabuhayan kaya nakakalungkot ang sinapit nila makalipas ang sampong taon.
“Salamat, April. Kung hindi dahil sa ‘yo baka hindi ko nalaman ang kalagayan nila. Total nandito na rin ako… balak kong dalawin sila bukas. At kung papayag sila, patatayuan ko ng maliit na sari-sari store. Para kahit papaano, may pagkakitaan.”
Nagulat si April, at sandaling napangiti.
“Gagawin mo ‘yon?”
“Dapat lang. Mga magulang sila ng asawa ko.” Sagot niya.
Tumango si April, ngunit sa mga mata nito, may halong paghanga at lungkot.
“Hindi ka talaga nagbago, Phil,” bulong nito.
“Palagi kang may malasakit. Kahit pa ang puso mo, basag na.”
Napabuntong hininga lang ang doktor. Nandito na sila sa mga gumamela at santan nang pitasin ni April ang isang tangkay at nilagay sa teynga nito sabay harap sa kanya.
“Maganda ba, Phil?” ngiti nitong tanong.
“Ha?” nagproseso sa utak niya ang tanong nito. Nagulat lang siya bakit ganito ang tanong ng babae.
Hanggang sa nagtanong na nga si April na hindi niya inaasahan.
“Phil…may nagmamahal na ba sa ‘yo sa abroad?”
Saglit siyang natahimik, tiningnan si April, at marahang umiling.
“Wala,” tugon niya.
“Walang makakapalit sa puso ko kay Marielle, April. Hindi ko kayang magmahal muli.” Pagtatapat niya at ‘yon naman ang totoo.
Tumango si April, saka mahina ang tawa, parang pilit tinatago ang pait.
“Pareho pala tayo, Phil. Hanggang ngayon, single pa rin ako.”
Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy ang babae sa mga pahiwatig nito.
“Malay mo…” anito, sabay ngiti sa kanya.
“Si Marielle na rin ang gumawa ng paraan para maging masaya ka ulit. Baka kaya dito tayo pinagtagpo sa puntod niya.”
Napakunot ang noo ni Lander.
“April…” mahina niyang sabi, hindi sigurado kung paano tatanggapin ang mga salita nito.
Ngunit bago pa siya makasagot lumapit si April at tumingkayas at dahan-dahang hinaplos ang mukha niya.
“Grabe…” bulong ni April at bakas ang paghanga sa mga mat anito.
“Kahit ilang taon na ang lumipas, napakaguwapo mo pa rin, Phil. Parang hindi manlang nagdagdag ang edad mo.” Sambit ni April at mabilis siyang hahalikan sana sa labi nang kaybilis niya rin makailag kaya napunta sa pisnge niya ang halik nito. Agad niyang pinunasan ang halik sa pisnge niya.
“What are you doing, April?” madiin niyang tanong, bakas sa boses ang pagkagulat at pagkadismaya.
“Phil kasi matagal kitang hinintay. Alam mo naman kahit noong nabubuhay pa si Marielle mahal na kita. Ang tagal kong hinintay ang araw ng pagbabalik mo!”
“I am sorry… pero kaibigan lang ang turing ko sa ‘yo. Huwag mong sirain ang respeto ko sa ‘yo bilang matalik na kaibigan ng asawa ko!” madiin niyang turan.
Biglang napahiya si April.
Tumagilid ang tingin nito, at bago pa man makasagot, tumulo na ang luha sa gilid ng mata.
“Sorry… hindi ko sinasadya…” mahinang sabi niya, sabay talikod at mabilis na naglakad palayo.
Ang bawat hakbang nito ay sinabayan ng mahinang hikbi hanggang sa tuluyang mawala sa paningin ni Lander.
Malalim lang siyang napabuntong-hininga. Mabait naman si April katunayan ay nauna niya itong nakilala kaysa sa asawa niya. Dating trabahador ng rancho silang dalawa noon. Si April ay nakatuka sa kusina habang si Marielle ay sa paglalaba. Mabait si Marielle, simple, mahinhin at higit sa lahat ay malinis na babae bagay na mas lalo siyang napamahal kay Marielle kaya nang may nangyari sa kanila noon ay pinakasalan niya agad ang dalaga.
Tumingin siya sa puntod ng asawa. Babalik sana siya doon pero may tumawag sa pangalan niya.
“Sir Lander! Sir!”
Paglingon niya, isang trabahador mula sa rancho ang humahangos.
“Sir, dumating na po sila— si Sir Omar at si Senorita Shiela! Hinihintay na po kayo ng anak ninyo!”
Napatingin si Lander sa direksyon ng kalsada, at sa malayo’y unti-unting lumilitaw ang isang itim na SUV na nakaparada sa arko ng Rancho de Fuentebella.
“Babalik ako uli bukas, honey…” Sambit niya sa hangin kay Marielle.
Saka siya naglakad pabalik sa rancho.
Subalit napahawak siya sa dibdib na biglang lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang mga kabayong nag-uunahan sa pagtakbo ang bawat pintig ng puso niya. Napatigil siya sandali at pinapakiramdaman ang sarili, baka may sakit na siya na hindi niya napapansin. Bakit parang hindi normal itong ti.bok ng puso niya.
"Sir ayos lang po ba kayo?"
"Y--Yeah... I'm fine. Baka nanibago lang ako sa panahon." Tugon niya. Winaglit niya itong kakaibang damdamin niya at nagpatuloy sa paglalakad.