MAAGANG nagising si Lander gawa ng alarm niya sa phone. Unang araw niya ngayon sa ospital kaya kailangan ay hindi siya ma-late. Pinili niya sa private hospital kahit hindi gaano kalaki ang sahod. Hindi naman pera ang habol niya kundi malibang siya sa araw-araw para kahit papaano ay hindi magtaka ang anak niyang si Omar. Kung dumito lang siya sa rancho araw-araw makakahalata na si Omar. Ginagawa niya lang ito para kay Shiela para magkasama pa rin sila kahit sa gabi na lang sila magkita. Pero nang dumaan siya sa may kusina, nagulat siya. May nauna pa pala sa kanyang gumising. Si Shiela na gising na gising, nakatali ang buhok, at nakasando lang na simple pero elegante pa rin sa tingin. Nakapalibot sa kanya ang tatlong kasambahay na halatang nagpipigil ng tawa habang tinuturuan siya. “Ay n

