Bandang alas otso nang lumabas siya ng kuwarto. Sa kabilang pinto narinig niya ang pagbukas ng doorknob—si Omar. Bihis na rin, mukhang papasok sa opisina. Saglit silang nagkatinginan. “Dito ka ba magla-lunch, dad?” tanong ni Omar. “Hindi na siguro doon na lang sa ospital kapagod magbyahe.” Sagot niya. Tumango lang si Omar at nag-ayos ng medyas. Mula sa hallway, tanaw ni Lander ang kusina. Nandoon si Shiela at tila abalang-abala na naman ito. Mula kaninang nagising siyang bandang alas singko ay naroon na ito sa kusina. Ngayon 8:am na ay naroon pa rin ito sa kusina. Nang mapansin niyang papalapit si Omar kay Shiela agad siyang umatras. “May naiwan pala ako sa kuwarto,” pa kunwaring bulong niya, sabay balik. Pero sa totoo lang, gusto lang niyang iwasan makita ang eksenang iyon—ang pa

