Daddy - 7

2014 Words
HUMINTO ang sasakyan sa entrada ng maliit na baryo. Makikitid ang kalsada, puro lupa. Pagkabukas ng pinto, sinalubong agad ang mukha ni Shiela ng alikabok at amoy lupa. “This is… new,” bulong niya. Halos ilang hakbang na lang papunta sa maliit na bahay-kubo nang biglang lumambot ang lupa dahil sa ulan kagabi. Lumubog ang paa ni Shiela sa putik, sapat para mag-iwan ng mahabang marka sa mamahalin nitong sapatos. Napangiwi siya, halatang nandidiri habang mabilis na yumuko. “OMG. It’s so… maputik,” reklamo niya. Si April, na kanina pa pinipigilan ang sarili, napapikit nang mariin. Hindi niya mapigilang sumiklab ang inis. “Arte…,” turan nito. Pero bago pa makasagot si Shiela ng isa pang reklamo, mabilis na lumapit si Lander. Walang sabi-sabi, hinawakan niya si Shiela sa bewang at isang iglap lang binuhat niya ito bridal style. Napasinghap si Shiela bago napahagikhik, parang batang nagulat pero natuwa. Hawak niya ang balikat ni Lander, namumula ang pisngi. “Daddy!” aliw na aliw si Shiela habang karga siya nito. Tiningala niya ang guwap nitong mukha. Mas lalong humugis ang matangos nitong. Si April naman, tumigil sa paglalakad at tumingin sa kanila na may pilit na ngiti. Pero ang panga niya, halatang nagngigigil. “Hindi mo naman kailangan buhatin ‘yan, Phil. Gusgusin na ‘yan!” litanya nito. “It’s okay, April. Hindi sanay si Shiela sa ganitong lugar.” Sagot ni Lander. “That’s right, Daddy!” tugon ni Shiela sabay kapit nang mahigpit sa baywang ng doktor. Kaya naman halos magpupugtos sa inis si April habang nakasunod ito sa likod nila. Kaya tumakbo ito at nauna itong naglakad para hindi sila makita. Sa bawat hakbang ni Lander, lalo pang lumalambot ang kilig sa dibdib ni Shiela. Napahawak pa siya nang mahigpit sa leeg nito at ang isa ay sa baywang hindi na nagreklamo tungkol sa putik, sa amoy ng bukid, o kung gaano kainit ang araw. “Mabigat ba ako, daddy?” “Not really.” Sagot ng doctor. Napalabi siya at pasimpleng inamoy ang dibdib ng binata. Ang bango-bango! At nang makarating sila sa harap ng kubo, saka lang muling huminga nang malalim si April. “Welcome, Phil!” masayang bungad ni April. Ayaw pa sanang bumaba ni Shiela pero wala na siyang nagawa dahil narito na sila. Paglapit nila sa kubo, sinalubong sila ng usok na nangaggaling sa kusina. Biglang may gumalaw mula sa gilid. Isang matandang babae ang lumitaw at may hawak na ang itak, nakapaa, at puno ng putik mga bakas ng damuhan at trabaho sa bukid. Kahit kakatapos lang nitong magbunot ng damo, nakakunot agad ang noo at pinanlisikan sila ng tingin. “Aba’y… sino kayo?” tanong ng matanda Si April ang agad lumapit, mabilis na lumambing ang boses niya. “Nay, si Phil po. Nandito.” Mas lalo pang kumunot ang noo ng matanda, para bang hindi niya makilala agad. “Si… Philander. Si Lander po,” pag-uulit ni April. Nakatingin lang ang Ginang sa kanila. “Ang manugang ninyo. Asawa ni Marielle.” Biglang nanigas ang matanda. Unti-unti siyang napahawak sa dibdib, at ang mga mata niya, luminaw at lumaki habang unti-unting bumabalik ang memorya. Si Lander naman, marahan at may paggalang, lumapit. Tinanggal ang sombrero sa ulo saka kinuha ang kamay ng matanda at nagmano “’Nay,” mahinahong bati niya. “Matagal ho tayong ’di nagkita.” Para bang tinamaan ng kidlat ang puso ng matanda. Sa isang iglap, pumatak ang mga luha mula sa mga matang sanay sa sikat ng araw. “Naku, Diyos ko…” bulong niya, nanginginig ang labi. “Akala ko… hindi na kita makikita, anak… Lander.” Nahihiya pa siyang tumingin sa sarili—damit na puno na butas-butas at putik na nakadikit sa binti, buhok na gusot dahil sa hangin. “Pasensya ka na, at ganito ang itsura ko nanggaling ako sa damuhan, e,” tawa niyang pilit, sabay punas ng mata. Hinawakan niya nang may diin ang balikat ng matanda. “Walang madumi sa taong kasing bait n’yo. Kumusta na ho kayo, Nanay?” niyakap ito ni Lander kaya mas lalong umiyak ang Matanda. Sa likod nila, nanonood si Shiela tahimik, biglang natigilan. Parang may tumusok sa puso niya. Hindi niya inasahan ang ganitong lambing mula kay Lander, lalo na sa taong galing sa bukid. Hindi siya maarte at higit sa lahat hindi matapobre ang doctor. “Tara, upo kayo,” agad anang matanda, pinapahiran ang luha gamit ang likod ng kamay. “Pasensya na sa kalat, ha. Umulan pa kagabi kaya maputik ang daan.” Napatingin si Shiela sa paa niya ulit at nasinghap mas dumami pa ang putik. Nagtimpi siya ng daing, ayaw magmukhang mas arte pa. Habang nag-uusap si Lander at ang matanda tungkol sa mga nangyari nitong mga taong lumipas, tahimik na nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa paligid. Pinagmamasdan niya ang loob ng kubo ang lumang bangko, ang nakasabit na lumang larawan, at ang amoy ng kahoy na tila kumapit na sa bawat sulok. Sanay siya sa marmol, chandelier, at hanging air-freshener… kaya ang simpleng espasyong ito, bagong mundo para sa kanya. Samantala, abalang-abala si April sa pagsasalita. Halatang gustong ipakita ang presensya niya rito. “Diba ‘Nay madalas po akong nandito. Dinadalhan ko po kayo ng groceries at inaabutan ko rin kayo ng kaunti. Alam n’yo naman,” ngumiti siya habang bahagyang lumingon kay Lander. Agad na tumango ang matanda, masigla pa ang tinig na may halong pagmamahal. “Ay oo! Aba’y totoo ’yan. Napakabait nitong si April. Kahit wala na ang anak ko… parang nariyan pa rin siya. Mapagmahal kasi si April. Napakasuwerte ng mapapangasawa niya. Iwan ko ba’t hanggang ngayon ay dalaga pa rin itong si April.” Pangagatong ng Matanda kaya abot teynga ang ngiti ni April. “Salamat, April. Sobra akong nagpapasalamat. Tama si Nanay napakasuwerte ng mapapangasawa mo.” Pagsang-ayon ni Lander kaya napaayos pa ito ng buhok. Halatang kilig na kilig ang babae. Si Shiela naman, tahimik na napapailing at umiiikot ang mata. Hindi niya gustong ipakita, pero halata sa mahinang buntonghininga ang inis na pilit niyang itinatago. Hindi iyon pinalampas ng matanda. Nakita niya ang estrangherang babae “Aba’y sino naman ito? Nobya mo ba ’to, Lander?” Mabilis ang reaksyon ni Lander. Umusad pa siya palapit sa matanda. “Hindi ho, ’Nay. Siya ang manugang ko. Asawa ng apo ninyong si Omar.” Tumingin siya kay Shiela, malambot ang mata. “Shiela, hindi kita naipakilala agad. Siya ang lola ni Omar… kaya lola mo na rin.” Parang may humila kay Shiela paangat. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan, iniwas ang bahagyang pamumula ng pisngi. “Hello po, Lola,” bati niya. “Ako si Shiela. Kumusta ho kayo?” “Ay naku… napakakinis naman ng balat mo, ineng. Nakakahiya itong kamay ko…” Tinaas niya ang palad, makapal ang kalyo, may bakas ng lupa. “Baka madumihan ko pa ang palad mo.” “Okay lang po, Lola.” Tugon ni Shiela. Ayaw talagang makipagkamay ng matanda; marahang iniurong nito ang kamay niya habang umiiling. “Ayoko, … baka madumihan ko pa ang palad mo,” pilit na sabi nito. Imbes na umatras, agad siyang yumakap sa matanda. Nagulat ito, nanigas pa sandali. “Naku… Diyos ko… ang bango-bango mo…” bulong ng matanda, halos nahihiya pang ngumiti, sabay palo-palo sa sarili niyang braso. Ramdam ni Shiela na hindi talaga dahil nahihiya ang matanda sa kanya kundi parang hindi siya nito gusto. Siya na lang ang umiwas at nilapitan si Lander. “Daddy… dapat dinalhan natin si Lola ng grocery,” mahinang boses niya. Napabuntong-hininga si Lander, bahagyang natauhan. “Hindi ko naisip… nakalimutan ko. Bigyan na lang natin ng pera,” dugtong niya, at tumango si Shiela. Bago pa mapalalim ang usapan, dumating si Mang Borio—ang biyenang lalake ni Lander. Lumapit ang binata at nagpakilala dahil baka katulad ng matandang babae nakalimutan na rin nito ang hitsura niya. Si April at ‘yong matandang babae ay masayang nag-uusap, si Lander naman at ‘yong matandang lalake. Tuloy naging out of place si Shiela. Kaya tumayo na lang siya, naglakad-lakad. Maraming mga pananim at parang may lupa pang inaararo. Hanggang sa may nakita siyang puno ng bayabas sa medyo mababang bahagi ng lupang pababa. “Oh my—may guava!” sigaw niyang sabik. Dali-dali siyang tumakbo, lumapit, at iniunat ang kamay. Pero isang maling apak napatukod ang sakong niya hanggang sa tuluyan siyang nadulas at gumulong. “Ah!” Natapilok siya. Tumilapon ang katawan niya pababa sa madulas na dalisdis, gumugulong, ang mga dahon at damo sumasampal sa braso’t binti niya. “Daddy!!!” sigaw niya nang malakas. “Shielaaaa!” bumulaga ang sigaw ni Lander. Bago siyang tuluyang mahulog, napakapit siya sa isang malaking ugat ng punonakalawit sa gilid. Agad tumakbo si Lander, patakbo na parang habol ng oras. Hindi na niya ininda ang putik o bato sa daan, nag-slide pa pababa. Kinuha ang braso ni Shiela, hinila patayo. Pagka-angat na pagka-angat nito, bigla siyang niyakap nang sobrang higpit. “Daddy, I’m okay… I’m—” ramdam niyang nanginginig ang dibdib nito sa kanya. Pero hindi nakinig si Lander. May luha sa gilid ng mata ng doctor. “Marielle…” bulong ni Lander na ikinagulat ni Shiela. “Honey… I’m here, honey…” Nanigas si Shiela bakit siya nito tinatawag na honey? “Daddy—” Bago pa makapagsalita si Shiela ay agad siyang hinawakan ng nanginginig ng kamay ni lander at isang iglap ay siniil siya nito ng halik sa labi. Mainit, malambot, at masarap ang halik ng biyenan. Sa sobrang galing at lalim ng halik ng doktor, napapikit siya. Hindi napigilan ng katawan ang tugon. Gumanti ang labi niya marahan noong una, pero naging malambot at sabik na parang may hinihinging hindi niya maintindihan. “Phil?! Shiela?!” narinig ni Shiela ang boses ni April na papalapit sa kanila. Pero iwan niya ba’t ayaw niyang mahinto ang halikan nila. “Phil, si Shiela ’yan hindi si Marielle!” Parang binuhusan ng yelo si Lander. Agad siyang napakalas at napatingin nang direkta sa mukha ni Shiela. Natigilan si Lander, agad umatras ng isang hakbang. “Sh—Shiela.” Para bang ngayon lang niya nakita kung sino ang nasa braso niya. Si Shiela naman, nakatingin lang. Hindi makapagsalita hinahabol pa ang hininga niya. Napahawak si Lander sa sentido at sabay hilamos ng mukha. “F*ck! Anong nagawa ko?” litong-lito si Lander sa nangyari. “I’m… I’m sorry,” pabulong niyang hinging tawad sa manugang. “Hindi ko sinasadya. I… I saw Marielle.” Pilit nitong paliwanag. Hindi nakapagsalita si Shiela at nakatingin lang siya kay Lander. Natahimik muna sila. Sobrang tahimik hanggang sa napabuntong hininga ang doctor. Nang mahimasmasan na nang tuluyan si Lander ay hinawakan nito ang siko ni Shiela, marahang inalalayan patayo. “Let me help you,” mahina niyang sabi. Nang makatayo na si Shiela ay agad niyang pinagpagan ang sarili. Pero dala ng pagulong niya ay sobrang putik na ng damit niya hanggang sa legs. Pero… hindi iyon ang iniisip niya kundi ‘yong aksidenteng halik na pinagsaluhan nila. Mali man, hindi man siya ang nasa paningin ng biyenan niya kundi ang yumao nitong asawa pero bakit ganoon? pakiramdam ni Shiela ay naiwan na nito ang laway sa bibig niya at parang sumuot sa kaugat-ugatan niya. “S—Sorry din po, Daddy. Dapat hindi ako umalis doon sa inuupuan ko. Kung nagkataon baka napahamak ako at tama si April baka kayo pa ang sinisi ni Papa,” Mababa niyang tinig. “Can you walk?” tanong lang ng doctor nang hindi tumitingin sa kanya. “Yes.” Sagot niya. “Good. Uuwi na tayo.” Saad lang nito at naunang naglakad. Si April naman ay agad na nanghuyabit sa braso ni Lander at sumasabay sa paghakbang nito. Nainis na naman si Shiela sa babae pero mas lalo siyang naiinis kung bakit hinayaan lang ito ni Lander. Pero higit sa lahat ay naiinis siya sa sarili at bakit niya ito nararamdaman! napakagat siya sa ibabang labi at pumikit nang mariin. Baka namimiss niya lang ang asawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD