Nang makaalis ang Mama niya ay nagkatinginan sila ni Lander. Humagod ang tingin nito sa kabuuan niya. Saka niya lang naalala na nakatapis lang pala siya ng tuwalya.
“Just wait, magbibihis lang ako,” malamig niyang sabi, saka siya tumingin saglit kay Lander na para bang may tinatagong inis. Hindi niya naiwasang tinarayan ang biyenan, lalo na’t kakagising lang niya at magulo ang isip.
Ngumiti lang ang doctor tila hindi apektado sa attitude ng manugang.
“Take your time, princess,” sagot niya.
Napataas ang kilay ni Shiela.
Princess?
Hindi niya iyon inasahan mula sa isang taong kilala sa pagiging istrikto at seryoso.
Hindi na siya sumagot. Sa halip, sinara niya ang pinto nang may diin, sapat para ipakitang nairita siya.
Pagpasok sa kuwarto, bumagsak siya sa kama at nagbitaw ng malalim na buntong-hininga
Ano kaya ang nakain ng tatay ni Omar? bulong niya habang inaayos ang buhok. Aba, tinawag pa akong princess akala mo naman hindi masama ang ugali.
Napakurap siya, parang hindi makapaniwalang nagkaroon ito ng soft tone kanina.
Tumayo na lang siya at nagpatuloy sa pag-aayos habang tuloy-tuloy ang himutok niya sa sarili.
Pagkatapos magbihis, tumingin siya sa salamin. Hindi na siya nagugulat sa sobrang ganda niya. Oo, gandang-ganda talaga siya sa sarili kaya nga patay na patay sa kanya ang asawa!
Saka niya kinuhang muli ang trolley niya. Mabuti na lang at hindi niya ito nailagay sa wardrobe kagabi; sakto para sa biglaang pag-uwi. Nagsuot siya ng maikling shorts at light pink na tube top, bagay sa maputi niyang balat. Tinali niya ang buhok sa simpleng ponytail, naglagay ng sunscreen at lip gloss. Hindi na niya kailangan ng foundation isa pa, uwi lang naman sila sa rancho.
Isinuot niya ang sling bag at lumabas ng kuwarto habang mahigpit na hinihila ang trolley.
Paglabas niya sa corridor sumalubong agad si Yaya Fe, isa sa matatagal nang kasambahay sa mansion at magkasing edad lang sila. Nakapamaywang ito, may kilig na hindi maitago sa mga mata.
“Señorita… totoo po ba,” bulong nito, sabay lapit sa kanya.
“Alin?” tanong niya.
“Na Papa ni Omar ‘yong guwapong dumating kanina?”
Napataas ang kilay ni Shiela at napabuntong-hininga.
“My God, Yaya…ang tanda n’yo na para lumandi-landi, ha?”
Napasingamot si Yaya Fe at umirap sa kanya.
“Aba, senorita,” balik-banat nito, nakairap.
“Nagtatanong lang naman ako. Landi agad? saka bata pa ako!”
Umikot ang mata ni Shiela, sabay halukipkip ng braso.
“Eh para saan pa at nagtatanong ka? Papunta rin naman ‘yan sa kalandian!” bulong niyang may diin.
“Tara na nga,” sabi nito sabay hila muli ng trolley.
Habang bumababa sa hagdan, bumungad ang presensya ni Lander sa ibabanakasandal sa balustrade, naka-cross arms, at tahimik na nakamasid.
Wala nang sabi-sabi, kinuha ni Lander mula sa kamay niya ang trolley.
“Ako na.”
“Thank you.”
“Marunong ka rin pala magpasalamat, ah?” panunuya nito.
Magtataray na naman sana siya pero agad nitong binalik ang tingin sa kanya.
Napakunot ang noo ni Lander at mabilis siyang hinagod ng tingin mula ulo hanggang baba.
“Wala ka na bang matinong damit?”
“Why?” inosente ang sagot ni Shiela.
“Napakaiksi ng shorts mo…at ‘yang bra mo? Ano ‘yan? Bakit wala kang damit?”
Tumawa si Shiela, hindi maitago ang pang-aasar.
“Daddy, tube ito, hindi bra!” sagot niya habang hinihila pababa ang hem.
“Saka uso talaga ang kita ang pusod ngayon.”
Napailing na lang ang doktor.
“Mga kabataan talaga…” bulong nito.
“Kaya ang daming maagang nabubuntis.”
Umirap si Shiela, nameywang pa habang nakaturo ang isang daliri sa sarili.
“Hindi ako—”
Pero bago pa niya makapaliwanag, dire-diretso nang bumaba si Lander ng hagdanan, hawak pa rin ang trolley niya, parang walang pakialam kahit nakataas ang tono ni Shiela.
“Daddy! Hindi pa ‘ko tapos magsalita!” sigaw ng dalaga, nagtatampong nakasimangot.
Hindi tumingin si Lander dire-diretso na itong naglakad kaya sumunod na lang siya.
Pagkalabas nila sa gate ay nakaparada na ang SUV ni Lander. Nilagay nito sa likod ang trolley niya kaya binuksan niya ang pinto ng sasakyan dito sa harap.
Subalit nagulat siya nang may permanenting nakaupo roon at naglalagay pa ng lipstick.
“Who are you?” kunot noong tanong ni Shiela sa babae.
“She’s April,” si Lander ang sumagot sa tanong niya.
“Best friend ng… asawa ko.”
May bahagyang lamlam sa mata niya nang sambitin ang salitang asawa, pero mabilis din itong nawala. Parang pinitik ng gunting.
Tumaas ang kilay ni Shiela, naka-fold ang braso.
“So?” sagot niya, walang pakialam sa formalities.
“Bakit siya nandito? Don’t tell me… may relasyon kayo?”
“Wala. And why do I have to explain to you? pumasok kana at hinihintay ka na ng asawa mo!” turan ng doctor.
Kunot na nga ang noo niya mas lalo pang nangunot dahil ang babae ay bahagyang napangisi.
“Whatsoever!” palatak niya at pumasok na lang sa likod. Inis niyang sinara ang pinto at humalukipkp.
Umandar na ang sasakyan at ‘yong April ay panay ang daldal na sinasagot rin naman ni Lander. Kaya kumukulo ang dugo ni Shiela paano ba naman ay mababa ang tono ni Lander at parang matagal na talaga silang close.
“Mamaya pagbalik natin ipapasyal kita diyan alam kong miss mo na rin kumain diyan.”
Napakamot sa leeg si Shiela hindi niya alam kung anong ‘diyan’ ang sinasabi ng babae. Pagtingin niya kay Lander ay tumango pa ito.
“You’re right. Isa talaga ‘yan sa namimiss ko, April.”
“Puwede bang dumaan muna tayo mamaya sa bakery kasi paborito ni Tatay Borio ‘yong ensaymada. Tiyak kong matutuwa siya sa pasalubong natin?”
“Yeah. Sure! thanks for reminding me, April.”
“Walang anuman, Phil. Basta ikaw,” ngiting tugon ni April.
Hindi na nakatiis si Shiela kaya sumingit na siya sa usapan ng dalawa.
“Daddy?” tanong niya.
Tumingin sa rearview mirror si Lander.
“Magdadate ba kayong dalawa?” diretso niyang tanong na may himig na inis sa boses. Bahagyang natawa ang doctor.
“No. Ihahatid ka muna namin sa rancho then babalik kami patungo sa San Isidro.”
“Sa San Isidro? Anong gagawin n’yo do’n ang layo naman?!”
“Kaya nga ihahatid ka muna namin.” Sabat ni April.
“Kinakausap ba kita?” pagtataray niya. Nakiusap si Lander sa babae na ‘wag na magsalita ramdam niya ang inis ng babae.
“Shiela, dadalawin ko lang ang in-laws ko. Pero ihahatid ka muna namin sa bahay.”
“Bakit mo siya kasama?” tanong pa ni Shiela.
“Si April ang nakakaalam sa address kasi lumipat na ng tirahan ang in-laws ko.” Paliwanag ni Lander.
“Sasama ako!” turan niya. Nagulat si Lander habang si April naman ay agad napalingon.
“Huwag ka nang sumama!” pagbabawal sa kanya ng babae.
“Bakit sino ka ba para pagbawalan ako?” taas kilay na tanong ni Shiela kay April.
Huminto ang sasakyan at tumingin na sa kanya si Lander.
“Hinihintay ka ni Omar. Huwag ka nang sumama malayo ‘yon.” Pakiusap sa kanya ni Lander pero walang makakapagpigil sa kanya.
“Sasama ako, daddy Lander! Mamaya kung saan kana dinala ng babaeng ‘yan!”
“Aba’t—” Magsasalita pa sana si April nang pinigilan na ito ni Lander.
“Alright. Sumama ka.”
“Phil???” si April na disgustong isama si Shiela.
“Phil ‘wag na natin isama ‘yan. Hindi mo kilala ang mga magulang niyan lalo na ang Nanay niyang matapobre. Kung ano pa ang mangyari sa batang ‘yan tayo pa ang mananagot kay Mayor!” litanya ni April.
“It’s okay, April. Nandito naman ako, hindi ko papabayaan si Shiela.” Sagot ng doctor.
Kita ni Shiela ang pagkadismaya sa mukha ni April. Lumingon pa ito sa kanya.
“See? What Shiela wants, Shiela gets.”
Turan niya sabay ngiti niya ng matamis sa babae na halos isumpa siya nito sa inis.