PATI ba naman bata pinatulan mo, iho. Ikaw ang ama, pero imbes ikaw ang pumagitna sa anak at sa manugang mo aba’y sinisilaban mo rin ang apoy kaya lalong lumiliyab.
“Hindi na siya bata, Manang. Gumagawa na sila ng bahay-bahayan kaya hindi na maituturing na bata pa si Shiela.”
Umiling ulit si Manang. “Kung nabubuhay lang si Marielle. Hindi ka magkakaganyan pati ako tuloy parang hindi na kita kilala. Hindi ka naman dating ganyan, napakahaba nga ng pasensya mo. Naalala ko pa dati kapag si Mariel—"
“Wala na si Marielle!” madiin kong putol.
Napayuko si Manang, at doon ko lang napansin ang panginginig ng kamay kong may hawak pa ring baso.
Marielle. Sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, parang may pumipisil sa puso ko. Akala ko tapos na akong masaktan, pero hindi pala. Ngayon, mas lalo pa akong nadudurog at hindi ko rin alam bakit ko ‘to nararamdaman. Bakit sobra ang inis ko.
“Si Shiela… ang babaeng ‘yon, parang unos. Wala siyang takot, walang respeto. Lahat ng salitang dapat itikom, sinasambit niya nang walang pagdadalawang-isip. Hindi siya nadesiplina nang maayos ng mga magulang niya! malayong-malayo kay Marielle!”
“Iyan ang mahirap sa ‘yo, Lander. Bakit kasi kailangan mong ikumpara si Shiela kay Marielle? Magkaibang-magkaiba sila. Anak mayaman si Shiela habang anak mahirap naman si Marielle kaya natural lang na ganoon ‘yong bata palaban. Syempre iba ang environment niya—”
“So kailangan ako mag-adjust, Manang? Sino ba ang may-ari nitong rancho?”
“Hindi naman sa ganoon, hijo… ang akin lang naman. Bakit kailangan mong patulan ‘yong bata? bakit ang laki ng galit mo sa kanya dahil lang ba sa pakikialam niya ng silid ninyo at pagpuno ng mga litrato niya sa mga dingding? Sus purbida! Napakaliit na bagay para mag gaganyan ka!”
Hindi nakapagsalita ang doctor. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Tama si Manang, napakaliit na bagay para problemahin pero heto siya at parang nalugi ng bilyones.
“Puwede ba total umuwi kana… bumawi ka na lang sa anak mo. Tingnan mo nga si Omar, umiiyak ang bata. Mahal niyan si Shiela pero dahil ngayon ka lang ulit nakita kaya naguguluhan din ‘yan. Sa pride mo ang naiipit ay anak mo.”
Mahirap man ang hiling ng mayordoma pero para sa anak niya kaya binaba niya ang pride. Lumapit siya sa anak na nagpapakalasing sa mga alak na binili nito kanina sa bayan.
“Anak…” mahinang tawag niya. Hindi sa kanya lumingon si Omar bagkus ay nagsalin muli ito ng alak sa baso.
“I’m sorry, Omar. I’m so sorry, anak.”
Hindi pa rin kumikibo si Omar hanggang sa bigla na lang itong umiyak.
“Shiela is my life, dad. Mula no’ng iniwan mo ako siya ang nandiyan para sa akin. Halos dumaan ako sa butas ng karayom mapasagot ko lang siya noon. Kaya ikakamatay ko kung mawala siya sa akin. Pero naiisip ko ring ‘yong kamalditahan niya. Hindi ko rin gusto ‘yong ginawa niya sa ‘yo wala siyang respeto sa inyo, dad.”
Ramdam ng doctor ang hinagpis ng anak. Niyakap niya ito at tinapik-tapik ang balikat niya.
“Babawi ako, Omar. Bukas na bukas rin pinapangako kong narito na sa rancho ang asawa mo. Pinapangako ko rin na ako na lang ang mag-a-adjust sa aming dalawa. Ako na lang ang iiwas para hindi na kami magpang-abot. Siguro nga tama si Manang, umikot lang ang mundo ko sa mommy mo kaya gusto ko rin si Shiela ay katulad ng mommy mo para sa iyo.”
“Mabait naman ang asawa ko, dad. Anak mayaman lang kaya napakaarte pero kung makikilala n’yo siya lalo… baka mahulog rin kayo sa kabutihan niya.”
Natawa na si Dr. Lander sa huli nitong sinabi. Pero batid niyang nais lang ipagtanggol ng anak ang asawa laban sa kanya.
*****
WALANG maayos na tulog si Shiela kaya nang magising ay parang lantang gulay na agad naman napansin ni Donya Salome.
“Huwag mong sabihin nag-away na naman kayong mag-asawa?” puna ng ina habang nakatulala lang si Shiela sa hapag-kainan.
Bumaba naman ang ama niyang si Jojo na kasalukuyang alkalde ng Santa Catalina Island.
“Good morning—anak? akala ko ba umuwi na kayo ng asawa mo?” Nabaling sa kanya ang tingin ng ama.
“Nag-away na naman ang dalawang ‘yan. Ang tigas kasi ng ulo mo, Shiela. Sinasabi ko na hiwalayan mo na ang Omar na ‘yan wala kang mahihita sa lalaking ‘yan. Buti sana kung tunay na Fuentebella ‘yan kahit sa paso wala kang makukuhang lupa sa mga magulang niyan!”
“Tama ang Mama mo, anak. Habang maaga pa at hindi ka pa nabubuntis hiwalayan mo na ang boy na ‘yan. Nariyan si Noel, hanggang ngayon naghihintay pa rin sa ‘yo.”
“Pleaseee! Hindi kayo nakakatulog sa problema ko!” nangagalaite sa inis si Shiela.
Lumapit ang maid at agad nilagay ang mga pagkain. Pero si Shiela ay kahit tubig ay hindi niya magalaw.
“Sakit sa ulo ang Omar na ‘yan. Dapat talaga noon ko pa ‘yan pinatumba!”
“Paaaa!!!”
Napasabunot sa buhok si Shiela. Kaya naman ay siniko ni Salome ang asawa.
Nagmaktol na lang na tumayo si Shiela at muling pumasok sa kuwarto niya. Sinundan siya ng kasambahay nang masigawan niya ito sa unang pagkakataon.
Ni-lock niya ang pinto at sumalampak sa kama at sumubsob sa unan. Umiiyak na naman siya.
Nasa kanya na ang lahat, ‘yon ang nakikita ng mga tao sa kanya. Kaliwa’t kanan papuri dahil sa mala-fairytale niyang buhay. Ngunit sabi nga nila, walang perpektong buhay. Dahil sa totoo lang, mamatay tao ang mga magulang niya. Noong una nga na nanliligaw sa kanya si Omar ay muntik ipapatay ng ama niya si Omar kung hindi lang niya pinigilan. Ayaw nila kay Omar dahil walang maipagmamalaki at ampon pa. Pero tinakot niya rin ang mga magulang na sa oras mamatay si Omar, magpapakamatay rin siya. Kaya hanggang ngayon hindi magalaw-galaw ng ama si Omar dahil talagang gagawin niyang magbigte.
Pero hindi ito ang problema niya ngayon kundi ang pakialamero nitong tatay-tatayan. Yung Lander na ‘yon! hindi niya rin masabi sa mga magulang na nagbalik na ang biyenan niya kasi baka malaman pa ng Papa niya kung paano siya tratuhin ng biyenan niya at baka ipapatay pa nito si Lander. Ayaw naman niyang mangyari ‘yon kaya heto siya at kinikimkim ang sama ng loob.
Ilang sandali pa ay narinig niyang kinatok siya ng mga magulang sa silid niya pero hindi niya pinagbuksan. Nagpaalam ang mga ito na papasok na sa opisina.
Siya naman ay pumasok sa bathroom at naligo. Bibili siya ng bagong phone kasi naiwan ang phone niya sa rancho kaya hanggang ngayon hindi pa sila nag-uusap ng asawa niya. Marami na silang pinagdaanan ni Omar mula pa no’ng college at normal lang naman sa mag-asawa ang nagkakasamaang ng loob. Kaya siya ang susuyo kay Omar. Pero hindi siya pupunta sa rancho tatawagan niya lang ito at magda-date na lang sila. Kailangan rin ay sulitin nila ang bakasyon dahil sa susunod na buwan ay busy na siya sa negosyo.
Naglo-lotion na siya nang may kumatok sa labas.
“Anak, anak buksan mo.” Ang boses ng Mama niya.
“Si Omar po ba ‘yan, Ma?” boses niya nang malakas.
“Oo! Bilis anak, naghihintay siya!”
Napakunot ang noo ni Shiela. Simula’t sapol ay hindi naman ganito ang Mama niya kay Omar pero ngayon atat na atat ito.
Napahinto siya at napangiti baka narealise na ng Mama niya kung gaano kabait ang asawa niya.
Total ay asawa naman niya kaya hindi na siya nag-atubiling magtapis ng tuwalya. Nakapanty at bra lang siya at binuksan ang pinto.
Pero laking gulat niya nang hindi si Omar kundi ang biyenan niyang si Lander.
Nagulat rin ito sa ayos niya pero ang Mama niya na imbes pagsabihan siya at isara ang pinto ay mas lalo pa nitong nilakihan sa pagkakabukas.
“Maa!” asik niya agad at dinampot ang tuwalya at tinapis sa katawan.
“Ay pasensya kana, Mr. Fuentebela sa anak ko. Anak, lumabas ka riyan at harapin mo ang bisita natin.”
Napakalawak ng ngiti ng Mama niya. Abot hanggang sa teynga nito na kahit minsan hindi nagawa kay Omar. Total biglang naawa si Shiela sa asawa.
“Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko?”
Samantalang hindi na ikinagulat ni Dr. Lander ang pagsusuplada ng manugang. At katulad ng pinangako niya sa anak siya na itong mag-adjust.
“Nandito ako para sunduin ka. Umuwi na tayo sa bahay, Shiela.” Mababa niyang tinig.
“Ayy! Nakakakilig naman. Parang kayo yata ang mas bagay mag-asawa!” Tili ni Ginang Salome.
“Maaaa!” pinandilatan ni Shiela ang ina. Pero mapanukso itong ngumiti lalo’t isang Fuentebella ang dumalaw sa pamamahay nila. Isang karangalan ‘yon para kay Salome.
“Siya, sige, anak, magpakabait ka ha?” pinanlakihan siya nito ng mata pero nang tumingin kay Lander ay ngumiti nang matamis. May paghawak pa sa balikat ni Lander.
“Mauuna na ako, Doc Fuentebella. May meeting pa ako nagkataon talaga at huminto ang sasakyan ninyo sa harap ng mansion kaya bumalik ako agad. Siya, pagpasensyahan mo na itong anak ko at kayo na bahala sa kanya.”
“Thank you, Mrs. Alkhzaimi. Don’t worry, I’ll take care of your daughter.” Ngiting tugon ng binata.
Napamaang naman si Shiela nang ito ang kauna-unahang ngumiti si Lander. Mas guwapo siya lalo kapag nakangiti hindi ‘yong palaging busangot na akala mo pinagkaitan ng kaligayahan sa mundo.