ISANG kumpol ng bulaklak ang natapos ni Shiela. Maingat niyang inayos ang mga ito sa ibabaw ng mesa sa lanai, sinisiguradong pantay ang bawat tangkay at maayos ang pagitan ng mga kulay. Hindi na niya kailangan ng tulong ng mga kasambahay maliban sa dahon ng saging na kailangan pa niya. Magaling siyang mag-design kahit simpleng bulaklak lang. “Ma’am Shiela, baka gusto n’yong tulungan ko po kayo diyan,” alok ng isa sa mga maid habang nag-aayos ng mga paso. Ngumiti lang siya. “Hindi na, Ate Luz. Ako na lang. Pakikuha lang ako ng dahon ng saging, ha? Ipupulupot ko lang dito sa bandang likod. Agad naman tumalima si ate Luz at bitbit ang hinihingi niya. Maingat niyang pinunasan ang bawat dahon bago ito pinulupot sa paligid ng bulaklak. Ang lambot ng kulay berde sa gitna ng mga pulang at di

