bc

All The Love In The World

book_age18+
23
FOLLOW
1K
READ
BE
HE
opposites attract
second chance
drama
sweet
serious
bold
office/work place
small town
disappearance
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sa likod ng mga ngiti ni Leaanna ay nakatago ang sugatang puso at isang lihim na unti-unting kumikitil sa kanyang oras. Akala niya'y hindi na siya muling magmamahal matapos malaman ang mapait na katotohanan kay Heaven, ang lalaking una niyang minahal.

Ngunit sa kanyang paglayo, natagpuan niya si Sky-- siang bugnutin ngunit tapat na puso na nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa. Kasama ni Sky, sabay nilang natutunan ang muling ngumiti, muling maniwala, at muling magmahal.

Ngunit paano kung dumating ang nakaraan na minsan na ring nagpatibok ng kanyang puso? Sa pagitan ng dalawang lalaking parehong handang ialay ang lahat, kanino niya ipagkakatiwala ang huling pag-ibig ng kanyang buhay?

chap-preview
Free preview
Panimula
You can never walk to a guy and say, "Love me the way I want to be loved." You have to wait for his own will, for his own time, for his own courage. Wait for the moment he will feel the same. That's the saddest part of being a girl. ***** "Miss Fuentes?" Agad akong napatayo mula sa swivel chair at lakad takbo na lumapit sa aming department head. Agad nitong inilahad sa harap ko ang malaking papel na nakarolyo. "Sir?" "Paki-akyat ito sa Executive office," anito saka ibinigay sa akin ang papel. "Bilisan mo dahil may meeting sila doon at kailangan na nila iyan." "Sige po," bahadya pa akong yumuko bago maliit na humakbang paatras. "FASTER!" biglang sigaw nito sa akin dahilan para mapatalon ako sa pwesto. Natatarantang tinakbo ko na ang pinto palabas ng area namin. Tsk! Uutusan ka na nga lang sumisigaw pa. Bubulong bulong na lang ako sa sarili. Hindi naman kasi ako pwedeng mag-reklamo ng harapan. Pasalamat siya at hindi siya ang nagpapasahod sa akin. Hindi naman ako nagtatrabaho to please him. Nagtatrabaho ako dahil kailangan ko. Hmfs. That bald man. Makakahanap ka rin ng katapat mo. Napabuga na lang ako ng hangin at mabilis na humakbang. Sakto naman na ng malapit na ko sa elevator, bumukas na iyon. Nagmamadali akong pumasok at sa sobrang pagmamadali ay nabangga ko pa sa balikat yung kasabayan sa pagsakay dun. "I'm sorry po," nakayukong paumanhin ko. Sinilip ko ang mukha nito pero hindi ko mahawi ang mahahabang bangs ko. Ang tangkad niya din kasi. Tsk. Mahaba na ang bangs ko. Dyahe. Kailangan nang ipagupit. Saglit lang at nakarating ako sa floor na pakay ko. Ibinigay ko sa secretary ang dala ko at umalis na rin agad. Hindi ko na gustong magtagal sa floor na iyon dahil sa pag-aalalang makasalubong ng mga opisyal ng building. Baka mautusan pa ako. Tsk. Hindi naman sa tamad akong magtrabaho. Pero minsan para hindi na madamay sa mas komplikadong sitwasyon mas mainam ng umiwas. I was working for almost five years sa iisang kumpanya. The Naval Realty. Nasa designs department ako... kung saan ang trabaho madalas.... ginagapang. Pero hindi naman ako on the designing work. Sa clerical ako naka-focus. Mabuti iyon dahil sa tagal ko na sa kumpanya at sa pagmamasid ko sa trabaho nila, malamang hindi ko yun kayanin. Medyo shy kasi ako sa mga tao. Hindi ko kaya yung may presentation pa sa mga client. May stage fright ako. Nagpaka-busy ako sa work after. Actually, busy talaga ako. Napakislot ako sa inuupuan ng may kumatok sa gilid ng aking mesa. Agad akong nag-angat ng tingin. "Uwian na," wika nito bago tumalikod at umalis. Uwian na? Saka ako napatingin sa nag-iisang orasan sa area namin. Sa dami ng ginagawa hindi ko namalayan ang oras. Madami akong nagawa pero feeling ko kulang pa rin ang araw para sa lahat. Napabuntung hininga na lang ako ng malalim. Tumingin ako sa paligid para makitang ako na naman ang huli at nag-iisa sa working area namin. Hindi ko man lang namalayan na nagsi-alisan na sila. Haist. As usual. Ako ang unang dumadating sa office namin at ako din ang huling umaalis. Kulang na nga lang mag guard na rin ako. Tumayo na ako at lumapit sa trash bin sa gilid. Katulad ng nakasanayan, kinuha ko iyon, umikot sa bawat mesa ng mga kasama ko at kinuha ang mga basurang naiiwan nila sa mesa atsaka ko itinapon iyon. Maganda ang pasahod sa kumpanya. Yun na lang ang pampalubag ko ng loob. Nang bumalik ako sa mesa ay naupo muli ako at tumingin sa orasan. Ang oras. Minasdan ko ang paisa isang hakbang ng mahabang kamay nito. 5:31 Isang minuto na lang. Nangalumbaba ako sa mesa habang nakatingin sa orasan. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagbilang kasabay ng oras. Huminga ako ng malalim. Pagmulat ko ay saktong lumipat ang mahabang kamay ng orasan. 5:32 Napaderetso ako ng upo at lumingon sa may pinto. Salamin ang bungad na haligi ng area namin kaya nakikita ko ang mga nagdadaan na empleyado mula sa katabi namin na department. Muli akong bumuntung hininga ng unti unti kong makita ang grupo na papadaan. Para akong nabitin sa paghinga at mabilis na kumabog ang dibdib. Eto na siya... Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti kahit sa sarili ko lang. Kinikilig ako. As in... sobra. Every 5:32, kung hindi man mas maaga ng ilang minuto ay late ng ilang minuto ay dumadaan ang grupo na iyon sa tapat ng area namin. Napako ang tingin ko sa isa sa kanila. Madalas kasi tatlo silang sabay sabay na papalabas ng building. Minsan apat o lima. Pero sa kahit kanino man, siya lang talaga ang pinaka-aabangan ko kahit lahat naman sila ay may mga datingan at may itsura naman. I mean, for boyfriend material talaga sila at pwedeng pang-artista. Siya yung pinaka-matangkad sa kanila. May matikas na tindig at malapad na kaha. Maputi siya at sa tingin ko ay makinis at malambot ang balat niya. Hindi ko pa naman kasi siya nahahawakan kaya ina-assume ko lang. Basta siya ang pinaka-gwapo sa grupo nila. Para sa akin. Well, sabi kasi ng ibang ka-office mate ko mas gwapo daw yung CEO namin. Pero, syempre, CEO yun eh. Pero siya ...... Gosh! Si Heaven. Hindi ko alam kung bakit Heaven ang pangalan niya pero sa tuwing dumadaan siya sa tapat ng department namin, para na rin akong nasa heaven. In cloud nine talaga ako ..... higher pa. Nagbaba ako ng tingin at kunwaring may ginagawa. Nag-iinit ang mga pisngi ko ng sobra. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako. Kilala naman talaga sa building namin sina Ysmael, Lawrence at Heaven. Sabi nga nila, birds with the same feathers flocks together. At applicable sa kanilang tatlo yun. Mga Architect sila ng kumpanya at popular sa mga girls. Mahusay at matatalino pa. Yun nga lang. Kilala silang mga playboy. Anyways. Rumors lang naman yun sa aming mga empleyado. Hindi ko sure kung may katotohanan. Wala naman kasi talagang nake-claim na naloko at napaglaruan ng sinuman sa tatlo. Meron lang mga dating issues na wala naman napuntahan. Kahit ano pa man.... si Heaven ang crush ko sa tatlo. Tama. Crush. As in hinahangaan. Hinahangaan ng sobra. Parang high school student na may crush at walang nakakaalam na sinuman sa building namin tugkol sa malupit kong lihim. Ewan ko. Nang una ko siyang makita, hindi ko naman siya masyadong pansin. Nung una nasanay ako na lagi silang nakikita na dumadaan sa tapat ng area namin. Hindi ko na namalayan na may nabuo ng damdamin sa puso ko para sa kanya. Namalayan ko na lang ang sarili na laging nag-aabang sa pagdaan niya. Sa ganun ko lang kasi siya nasisilayan. Hindi naman kasi sabay ang mga lunch breaks namin. Minsan ang hirap ding i-explain nang trip ng puso eh. Titibok na lang.... sa random pa. Hindi man lang namili ng kalevel. Kalevel.... I mean kalevel sa lahat ng aspect. Dahil katulad nga ng pangalan niya.... Heaven is heaven to me na hindi ko kayang abutin. Ang status namin. Langit siya. Lupa ako. Ganung leveling. Haist. Mariin akong napapikit. Sana kahit once lang ay masulyapan niya ako. Nag-angat ako ng tingin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko siya.... Tumalon ang puso ko sa pwesto nito at nagsikisayan ang mga alaga kong kulisap sa sikmura. Oh, my.... Naabutan ko kasi siyang nakatingin sa pwesto ko at bahadyang nakangiti. Tuloy tuloy naman sila sa paglalakad at pagkukwentuhan then lumagpas at nawala na sila sa paningin ko. Totoo ba ito?! Si Heaven.... si .... Heaven.... Ako na lang ang tao sa area namin. Sa akin ba siya ---?!! Oh, my!!! OH, MY GOD! THANK YOU!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.6K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.6K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
15.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.1K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook