*Ayokong masanay*
Kaya pala kahit gustong gusto kong kiligin sa nagaganap ay hindi ko magawa. May sakit na pala ako.
Haist.
Of all moments naman ngayon pa.
Ngayon pa na unang beses kaming magde-date ni Heaven. Ngayon pa na unang beses na nagkausap kami nang matagal.
Ngayon kung kelan yung pinakapapangarap kong moment with Heaven ay dumating na, susme, napurnada pa.
Malas talaga ang ulan na yun pero swerte na din.
Magkasabay kaming naglakad ni Heaven papalabas ng building. Nauuna sina Lawrence at Ysmael.
Agad silang nagpaalam dahil may kanya kanya silang sasakyan. Si Heaven naman ay iginiya ako sa itim niyang Fortuner. Inalalayan niya pa ako na makasakay.
Dyahe. Nanghihina na talaga ako. Makakatulog talaga ako nito pero gusto ko pa sanang makausap ng matagal si Heaven. Wala ng pagkakataon na katulad nito.
"Dapat sinabi mo na masama ang pakiramdam mo," wika ni Heaven nang magsimulang ipaandar ang makina ng sasakyan. Hindi pa naman iyon umabante. Lumingon siya sa akin, "No. Dapat alam ko 'yon. Sorry."
Umiling ako, "Hindi ko din naman alam na mataas na ang lagnat ko. Fair lang," then pilit akong tumawa na naging ubo lang na hilaw.
Nakita ko sa sulok ng mga mata na napasimangot siya.
"Nagagawa mo pang magsalita ng ganyan," napabuga siya ng hangin at ipinaabante na yung kotse. "Gusto mo bang dumaan muna tayo sa pharmacy?"
"Nakainom na ako ng gamot," matipid kong sagot. Napapikit na ang mga mata ko sa antok.
Wag muna please....
Gusto ko pang makita si Heaven.
"Marami sana akong itatanong but you can rest muna," mabilis niya akong sinulyapan. "Don't force yourself. Just take a rest."
Bumuntung hininga ako at sumandal sa upuan. Tuluyan na akong nahatak ng antok.
Nang maalimpungatan ako ng gising ay nasa tapat na kami nang apartment. Automatic akong napaupo ng deretso.
Shet.
"Finally, awake."
Napalingon ako sa tabi ko at nakita si Heaven na bahadyang naka-harap ng upo sa akin at nakangiti.
Bakit siya nakangiti?
Akala ko nananaginip lang ako na ipinakilala ako ni Heaven sa dalawa nitong friends tapos hinatid niya ako pauwi.
Pagtingin ko sa labas ay madilim na.
Aww, shet! Half hour lang ang biyahe ko pauwi pero ngayon inabot na ko ng dilim. That means....
Nag-iinit ang pisnging napatingin ako kay Heaven.
"I-I'm sorry," nahihiyang wika ko."Kanina pa ba tayo dito? Sana ginising mo ko. Nakakahiya naman...."
"I can't afford to ruin your peaceful sleep," nakangiting aniya. "And I wonder what you are dreaming. Napapa-smile ka kasi."
"Oh?" nagulat ako at lalong nagblush.
Kanina niya pa ako pinapanuod na tulog? Bakit?!
"This wasn't what I expected for our first date but it's okay. Ngayon lang nangyari na tinulugan ako ng kadate ko."
Umiling ako ng sunod sunod, "Sorry. Sorry talaga. Promise hindi na mauulit."
"Whoa wait!" natawa siya bigla tapos ay seryoso siyang tumitig sa akin. "Anong hindi na mauulit? You mean, hindi ka na papayag na makipagdate uli sa akin?"
"Hah?!"
"This is just a first, right?"
Napalunok ako at sandaling tumitig sa mukha niya.
Date?
"Syempre it won't be the first and last. Hindi ako papayag," nagulat ako ng ilahad niya sa harap ko yung phone niya. "Save here your number."
"Number ko?" para akong sirang plaka. Why do i keep repeating his words?
"Yup. Para may kontak tayo."
Marahan kong inabot ang phone niya at itinipa ang numero ko. Ibinalik ko din agad iyon sa kanya.
"I'll call you later then."
"Salamat sa paghatid," nakayukong ani ko.
Ngumiti lamang siya.
"Si-sige. Mauna na ko," mabilis kong binuksan iyong pinto at lumabas.
Paghakbang ko ay narinig ko ang boses niya.
"Leiana?"
Lumingon ako at nakita na nakababa ang windshield ng sasakyan niya at nakasilip siya mula sa loob.
Mataman ko siyang tinignan pero wala naman siyang sinabi. Basta nakatingin lang siya pabalik sa akin at nakangiti.
Itinaas niya ang isang kamay bilang paalam.
Nag-init ang pisngi ko nataranta na naman. Pilit akong ngumiti at kumaway pabalik bago tumalikod at lakad takbong pumasok sa gate ng apartment namin.
Para akong nakipaghabulan sa sarili ko sa pagkahingal. Second floor yung apartment namin at inilang hakbang ko lang yung hagdan paakyat. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakita sina Bea at Em nasa harap ng mesa. Sabay silang lumingon sa akin.
"LEIA?!" Malakas na boses ni Bea.
Napaatras ako ng humakbang naman ito papalapit sa akin. Bigla akong kinabahan sa sama ng tingin niya sa akin parang may mali akong nagawa.
"You're late! Bakit ngayon ka lang?!" Nakapameywang siyang huminto sa tapat ko. "What happened?"
"Ano?" Sandali akong nalito sa gagawin. Napatingin ako kay Em na tahimik na nasa pwesto pa rin nito at nakatingin lang din sa 'min.
"Ano?" Ulit ni Bea sa tanong.
"Wag mo nga syang takutin. Baka lalong hindi magkwento yan," lumapit na si Em at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako papunta sa mesa at ipinaupo sa silya.
Napalunok ako ng sunod sunod.
Nasa harap ko silang dalawa ngayon at matamang nakatitig sa akin. Tapos yung tingin pa ni Bea parang nag-i-interogate talaga. Kulang na lang talaga ilaw na nakabitin sa gitna nang mesa.
"Ba-bakit?" Hindi ko mapigilan ang pagnginginig ng boses ko.
"Bakit ngayon ka lang?" si Bea.
Napangiwi ako.
"Nakipag-date ka noh?"
"Hah?!" Para akong nasukol sa sariling salita pero wala pa naman akong sinasabi. Lumunok ako, "Hi-hindi."
"Yung totoo Leia," madiing wika ni Bea. "Kanina pa kami nagtetext sa 'yo hindi ka man lang makareply. Dati rati naman kapag may kailangan kang puntahan o may OT ka ay nag-iinform ka sa min."
"Sorry. Nakalimutan ko. Ang totoo..." napahinto na naman ako.
"Ano ang totoo?"
Nagbaba ako ng tingin at sumimangot. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang nangyari.
Heaven asked me to date him. Nagkita kami at ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Pero hindi natuloy ang date dahil nilalagnat ako. Hinatid niya ako pauwi. Chance ko na rin sana yun para makausap siya nang matagal o matitigan man lang nang matagal pero nakatulog naman ako. Tinulugan ko si Heaven sa unang date. Dyahe.
Mariin akong napapikit.
Haist. Leiana. Ang tanga lang.
"So...?" Si Bea.
Nag-angat ako ng tingin at naalala kong hinihintay pala nila ang paliwanag ko.
Tsk. "Ang totoo. May date kami ni Heaven."
"Nag-date kayo ni Heaven?!" hindi makapaniwalang react ni Bea.
"Pero hindi natuloy 'yung date namin ni Heaven."
"Hindi natuloy ang date n'yo?!" ulit na naman ni Bea.
Mahina siyang binatukan ni Em, "Paulit ulit? Unli ang peg?"
Nagtitigan ng masama yung dalawa.
"Eh, kasi nakakagulat," si Bea.
"Nakakagulat nga. Wag mo ng ulit ulitin. Narinig ko naman eh," naka-ismid na ani Em.
Natawa ako ng mahina. Para kasi silang mga ewan na natatalo.
Sabay akong tinignan ng masama ng dalawa.
"Tawa tawa ka dyan," makahulugang saway sa kin ni Bea. "Ipaliwanag mo nga ang ibig mong sabihin. May date kayo pero hindi natuloy?"