Lagi namang sa umaga, magkakasama kaming kumain ng agahan. Ako, si Mama, Tita at Nicole. Pero hindi pa rin ako mapakali lalo na't magkaharap kami ni Mama sa hapag. "Inaasikaso ko na pala ang paglipat mo ng school, Cheska." Umahon ako ng tingin sa kan’ya. "Talaga Tita? That’s nice! Sa school po ba namin?" Tumango naman si Mama sa tinanong ni Nicole. Pagkatapos ay ngumiti. "Mag-e-enjoy ka roon, Cheska. Sigurado ako! Mababait ang mga tao roon. Tapos lagi pang may event. At s’yempre, mawawala ba naman ang mga papa?" Malanding sabi ni Nicole sabay nangisay sa kilig. "Nicole, ano na naman 'yang papa na 'yan? Iniwan na tayo ng papa mo, wag mong sabihing naghahanap ka ng bago para sa'kin? Nako't tigil-tigilan mo ako ha." "Feeler naman 'tong Mama." Irap niya at nagpatuloy sa pagkain. Gano'n

