Pinagmasdan ko ang kabuoan ko sa salamin. Magkakulay ang aking labi at ang aking halter dress. My hair is braided around my head in a tidy manner. My look is special because I will be going to a special party. Iyon ang sabi ni Mama na ngayo'y nasa aking likod at pinamamasdan din ang itsura ko. Gusto niyang hawakan ang buhok ko pero parang nag-aalinlangan siyang masira. "Very gorgeous, Daniele. Thank you," aniya sa stylist na nag-ayos sa akin. "You're welcome madame. Your daughter is naturally gorgeous without makeup though," magalang na komento nito sabay ayos ng kaniyang salamin. "It's the genes, Daniele." Mahinhing tumawa si Mama na sinabayan naman ng stylist. Naiba ang kanilang usapan doon. Hindi ko na lang pinakinggan dahil hindi naman ako interesado. Nanatili lang na parang mga bu

