Kinaumagahan, nauna na atang magising si Alec dahil wala na siya sa tabi ko kaya nagtungo ako sa banyo niya. Puro baby toiletries ang naroon. Napangiti ako, ang liit ng toothbrush niya. I tied my hair up in a messy bun at naghilamos nalang and did the things I always do for my morning routine. "Magbihis ka. We're going back to Cebu." Iyon ang bumungad sa'kin pagkalabas ko pa lang ng kuwarto. Bihis na bihis ito habang inaayos ang kaniyang relo. "Bakit?" "Makikipag areglo ako. Nasa byahe na rin si Dad papunta ro'n." "Ano? Nakauwi na si Tito?" "Uh-Huh, last week pa." "Bakit?" Bumuntong hininga siya at hinilot ang sentido. "Huwag na matanong, Cheska." "Ano 'yang ginagawa mo? Nas-stress ka sa'kin gano'n? Eh kung ikaw na lang kaya ang pumunta roon tutal, ikaw naman ang bumuntis sa'kin.

