Natapos ang party nang sumapit ang alas nuwebe. Wala ng tao sa labas. Mga katulong na lamang na naglilinis ang naroon. Gusto ko mang tumulong ngunit pinagbabawalan naman ako ni Xander. Kaya't dito na lamang ako namalagi sa living room, habang s’ya'y maliligo raw muna. Inabala ko na lang ang sarili na titigan ang mga litratong nakadikit sa kulay cream na dingding. Puro ito kay Xander at kay Alec. Halos sa lahat ng mga litratong ito ay magkayakap sila, nakangiti at mukhang ang saya-saya. Pero isang litrato ang pinagmasdan ko ng mabuti, A black and white close up photography, focusing on their facial expression. Karga-karga niya ang aming anak na napakaliit pa lamang. Balot na balot ang katawan nito ng puting tela habang nasa kaniyang braso. Hindi s’ya nakangiti ngunit makikita ang lubos n

