Napalunok ako at tinigan ang dulo ng kutsilyo na nakatutok pa rin sa panga ko. Kahit na nanginginig ay sinubukan kong umatras pero dingding ng kUweba ang bumunggo sa likod ko kaya napatigil din ako’t pumikit ng mariin. Ngumiwi ako, at hinihintay na lamang ang tuluyan niyang pag saksak sa akin. “Relax...” Hinagod niya ang linya ng aking panga gamit ang kutsilyong iyon. Dumilat ako at tinitigan ang kutsilyo. I can't breathe properly. How could I? I am in a serious danger! “Pera lang naman ang kailangan ko, Miss.” Nagtiim-bagang ako. Kung ibibigay ko sa kaniya ang gusto niya, bubuhayin niya pa rin ba ako? “Ang sama ng tingin mo, a?” Puna at nilapit ang mukha sa akin. Muli akong ngumiwi. Amoy sigarilyo ang hininga niya. Mamamatay ata ako kahit hindi niya isaksak ang kutsilyong iyan sa'kin

