The call ended. I glanced at my phone, only to see it blank. Pinindot-pindot ko ang side button. Hindi na siya umiilaw. Dead batt na talaga. Nilahad ko ang phone sa matanda pero nang marealize na akin pala itong phone ay inakap ko na lang ito. Kumuha siya ng damit sa maleta ko. Tinanggal nya ang strap nito at iyon nga ang ginamit niya upang itali ang mga kamay ko patalikod. Bakit kailangan pa akong itali? "What the hell, manong?" Akala ko ay iignorhin niya lang ako pero sumagot din naman siya. "Mahirap na. Baka makatakas ka at walang madatnan ang boypren mo dito. Malay ko ba kung totohanin niyang papatayin ako pag 'di ka niya nakita dito." Wala na akong nagawa kun’di ang manahimik na lang ang 'wag pumalag. Talagang hinigpitan niya ang pagkakatali. Umupo ang matanda paharap sa akin.

