Abducted 28 I went to bed early with my back facing Kade but I woke up with us hugging each other in our sleep. Pagkatapos kong sumagot at magpauwi sa kaniya’y tahimik na siya magdamag. Ang binili niyang naka-plastic ay iba’t ibang klase ng kakanin at siomai. Mayroon din iba't ibang pagkain na kinain ko sa mga food stall sa isla noon. Habang kumakain ako, tahimik lang siyang nakaupo sa kama habang nakatitig sa pinapanood sa TV. Hindi niya ako sinaluhan kahit na tingin ko’y para sa amin dapat iyon. Pagkatapos kong kumain, dumiretso ako sa banyo para makaligo at makatulog nang maaga. Iyon ang nangyari sa amin kagabi. Parehong tahimik at tanging mahinang volume ng television ang namagitan sa aming dalawa. Gumalaw ako at inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin. Tumalikod ako sa kaniya

