Abducted 16 Umupo ako sa nakitang duyan na nakakabit sa dalawang malaking puno paharap sa dagat. Doon ako tumulala at hinayaan hanginin ang mahabang buhok papunta sa likod. Hindi ko na namalayan ang oras, napansin ko na lang na palubog na ang araw. "What the hell are you doing here?!" Nagbigay ingay sa tahimik na lugar kung nasaan ako ang pagsigaw na iyon. Lumingon ako sa likod at nakita si Kade na walang pinagbago kung paano tumingin sa akin ang galit na mga mata. He's blatantly showing how disgusted he is with my existence. Palagi siyang galit, palagi siyang naiinis, pero hindi niya ako mapaalis. Tumitig lang ako sa kaniya, namamanhid na sa galit at sakit. Tumatama ang sinag ng papalubog na araw sa perpekto niyang mukha. Ang dark brown na mata ay bahagyang naningkit dahil nasisilaw s

