Abducted 17 Nanatili lang akong tahimik at sumusunod sa bawat sasabihin niya. Parang naging routine ko na lang dahil alam kong wala naman akong magagawa. I'm afraid he'll do a three sixty turn and hurt me again emotionally and physically. Lalo na’t para siyang may button na damping pindot lang, nagagawa ko siyang magalit. Dalawang araw akong nanatili lang sa kuwarto at literal na kain-tulog ang gawain. Tinotoo niya ang pagbabawal sa akin na lumabas na hindi siya kasama. Dalawang araw siyang wala kaya dalawang araw din na naghahatid ng kung ano-anong pagkain sa akin ang magandang doctor na nagngangalang Sahara. Para akong inahing baboy na pinapataba Malamig ang hangin na nagmumula sa centralized na air conditioner. Sofa na komportable ako sa pagkakahiga. Habang nakahiga pagilid, inabala

