Chapter1:The End of Everything
"Ma'am, baka gusto niyo pong subukan itong bagong moisturizing serum namin. May promo po kami ngayon."
Pilit na ngumiti si Avianna Louise Herera habang iniaabot ang maliit na sample bottle sa babae sa harap niya. Saglit siyang tiningnan nito mula ulo hanggang paa bago umiling.
"Hindi, iha. Marami na akong skincare sa bahay."
"Okay po. Thank you po."
Muli siyang ngumiti kahit masakit na ang kanyang mga paa. Pagkaalis ng babae, napabuntong-hininga na lamang si Avianna. Tatlong oras na siyang umiikot sa subdivision ngunit dalawang produkto pa lamang ang naibebenta niya.
Dalawang produkto. Noong isang taon, kaya niyang gumastos ng kahit na anong halaga sa loob lamang ng limang minuto.
Ngayon, kailangan na niyang maglakad sa ilalim ng mainit na araw para lang kumita nito.
Life was funny that way.
One day, you had everything.
The next day, you had nothing.
'Di' ba nakakatawa, haha buhay'
Hinawakan niya ang strap ng kanyang bag habang naglalakad papunta sa susunod na bahay. Minsan hindi pa rin siya makapaniwalang ganito na ang kaniyang buhay.
Dati silang kabilang sa mga pinakamayamang pamilya sa lungsod. Ang Herera Group of Companies ay kilalang pangalan sa industriya ng logistics at retail.
Lumaki siyang spoiled at hindi kailanman nag-alala tungkol sa pera. May malawak silang bahay. May sariling driver. May mga katulong. May mga bakasyon sa ibang bansa. At higit sa lahat, mayroon siyang ama.
Si Eduardo Herera.
Ang taong naniwalang walang imposible para sa kanyang pamilya. Ngunit isang karumaldumal na aksidente ang sumira sa lahat.
Dalawang taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ama. Kasabay ng kanyang pagkawala ang pagbagsak ng negosyo nila.
Lumabas ang mga utang.
Lumabas ang mga problemang matagal nang itinatago ng mga executive.
Lumabas ang mga kasosyong naghihintay lamang ng pagkakataong talikuran sila.
Sa loob ng ilang buwan, unti-unting nawala ang lahat. Ang mansion. Ang mga sasakyan. Ang mga investments. Pati ang mga kaibigang dating nakapaligid sa kanila. Bigla silang naglaho, na parang bula. Parang hindi sila nakilala kailanman.
"Avianna?"
Napahinto siya ng may tumawag sa kanyang pangalan. At ng lumingon siya, halos hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
A woman who wearing an expensive clothes ,at nakatayo ito sa tabi ng isang luxury SUV. A long wavy hair. A perfect makeup. A brand new designer bag. At nakangiti ito sa kanya.
"Avianna? Ikaw nga!"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Sophia?"
Tumawa lamang ang babae.
"Oh my God! It's really you!"
Sophia Celestine Gamboa. Isa sa mga kaklase niya noong high school. Hindi naman sila sobrang close noon, ngunit madalas silang magkita sa mga school events. Naalala niya na mahilig na noon si Sophia sa fashion at photography. Pero hindi niya inaasahang makikita niya itong muli. At lalong hindi sa ganitong sitwasyon.
Sophia glanced at the product bag hanging from Avianna's shoulder. May bahagyang pagtataka sa mukha nito. Ngunit mabilis din itong nawala.
"Ang tagal na nating hindi nagkita," sabi ni Sophia.
"Oo nga."
"You look amazing."
Napatawa si Avianna.
"I don't think so."
"Seriously."
Hindi niya alam kung totoo ba iyon o simpleng pagiging magalang lamang. Ngunit matagal na siyang hindi nakakatanggap ng ganoong klase ng papuri.
"So... what are you doing these days?" tanong ni Sophia.
Nag-atubili siya. Dati, proud siyang ipagyabang na sabihin kung sino siya. Ngayon, parang nahihiya siyang aminin ang kanyang kalagayan.
"I'm working in sales."
"Oh. Really?"
Tumango siya.
" A Cosmetics."
Hindi na nagtanong si Sophia. Marahil alam na nito ang nangyari sa kanilang pamilya. Alam naman iyon ng halos lahat. Sa halip, ngumiti ito.
"Well, that's honest."
"Huh?"
"Most people would lie."
Napatawa si Avianna.
"Unfortunately, I'm not good at lying."
"Good."
May kung anong kakaiba sa tingin ni Sophia. Parang sinusuri siya. Parang may iniisip na kung ano. Pagkaraan ng ilang segundo, bigla itong nagsalita.
"May lakad ka ba sa Friday?"
"Friday?"
"Yeah."
"Wala naman."
"Perfect."
Nagningning ang mga mata ni Sophia.
"I want you to come somewhere with me."
"Saan?"
"Exclusive gathering."
"Ano 'yon?"
Sophia smiled.
The kind of smile na para bang may kakaibang sekreto.
"A place where everybody knows everybody."
Hindi iyon nakatulong.
"That's not suspicious at all."
Tumawa si Sophia. "I promise, hindi cult."
"Good start."
Mas lalo itong natawa.
Pagkatapos ay inilabas nito ang cellphone nito. Nag-scroll sandali bago iniabot kay Avianna. Nanlaki ang kanyang mga mata. Mahigit limang milyong followers.
Verified account.
Sponsorships.
Brand collaborations.
Luxury trips.
Millions of likes.
Halos hindi siya makapaniwala.
"Sophia..." bulong niya.
"You didn't know?"
"Hindi."
Sophia shrugged. "I'm an influencer."
Influencer. Narinig na niya ang salitang iyon.
Siyempre. Halos araw-araw niya itong nakikita online.
Mga taong sumasikat dahil sa kanilang posts.
Mga taong binabayaran para mag-advertise.
Mga taong sinusubaybayan ng milyon-milyong tao.
Mga taong tila perpekto ang buhay.
At ngayon, isa sa kanila ang nakatayo sa harap niya.
"You should come," sabi ni Sophia.
"Saan nga?"
Sophia leaned closer. May excitement sa boses nito. There is a mystery. A promise.
"The Phoenix Society."
Napakunot-noo si Avianna.
"The what?"
"Phoenix Society."
Parang pamilyar ang pangalan. Ngunit hindi niya maalala kung saan niya iyon narinig.
"Ano ba iyon?"
Ngumiti si Sophia.
"A place where stars are made."
Hindi alam ni Avianna kung bakit.
Ngunit sa sandaling iyon, may kakaibang pakiramdam na bumalot sa kanya. Parang may bumukas na pinto. Parang may nagsisimulang bagong kabanata sa kanyang buhay. Hindi niya alam na ang simpleng imbitasyong iyon ang magdadala sa kanya sa mundo ng kasikatan.
Sa mundo ng pera.
Sa mundo ng kapangyarihan.
Sa mundo ng mga lihim.
At sa mundong sisira sa halos lahat ng pinaniniwalaan niya.
To be continued...