Raquel POV
Tinatawagan ko ngayon si Ianie
"Ay salamat at sumagot!" Bulong ko
'Raquel? Napatawag ka'
"Ianie, nasabi na ba sa inyo ni ate pres. na invite tayo sa wedding ni ma'am Erlinda?" tanong ko habang bumabangon at tumungo sa terrace
'Oo Raquel. Nag-message sa amin si ate pres.'
"Pupunta kayo?"
'Ah, oo! Si kuya Bryan pa nga ang nagsabi sa akin na pupunta kami para raw maalala niya ang iba'
Ngumisi ako di ko alam kung bakit
'Eh ikaw Raquel punta ka?'
"Oo. Sasabihin ko din ito kay Irene"
'sige Raquel ha, bye-bye na may gagawin pa ako'
"Ok po, sorry sa abala"
'Ok lang Raquel basta ikaw, bye!' At ibinaba na niya
---
Irene POV
"Irene, pupunta kaba sa wedding ni ma'am Erlinda?" tanong ni Raquel
"Oo" sagot ko habang busy sa kakascroll sa fb
"Pupunta rin kasi sila Ianie at Bryan" sabi niya sa akin na kain pa din ng kain ng street foods
"Pa'no mo naman nasabi? Ni wala na nga tayong balita tungkol sa kanila?" Ani ko na para bang hindi sila namiss. Pero ang totoo niyan miss na miss ko na sila
"Tinawagan ko kasi si Ianie kanina"
"What!!" gulat kong sambit at napatayo pa nabigla naman siya sa akin
"Ang oa mo naman!" aniya na umiinom na ng coke
Umupo ako at pinatay ang cp ko
"Tumawag lang ako sa messenger" dagdag niya
"Totoo ba?"
"Kung hindi sana totoo hindi ko sana sasabihin sayo!"
"Kailangan talagang maganda ako sa araw na yan! Maghanda ako para sayo Bryan"
"Alam mo kung magkikita kayo ni Bryan, sigurado akong hindi kana maaalala non"
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo?"
"Ako nga friend niya hindi maalala, ikaw pa kaya! Na ex niya!" aniya
"Bahala ka Raquel, kung ano na lang pinagsasabi mo! Epekto siguro yan sa mga kinakain mo noh?"
"Hindi noh! Bahala ka kung ayaw mong maniwala"
Inirapan ko lang siya
"Wait lang, wait lang" sabi niya na naka crossed arm at ipinatong sa lamesa
"Ano ba talaga ang nangyari sa inyong dalawa?" Kunot noong tanong niya
"Di ba sabi ko sayo na huwag na nating pag-usapan" ako at ginalaw-galaw ang pagkaing kanina pa sa harap ko
"May sinabi kang ganon? Diba? Sabi mo sa ibang araw nalang at ito yun"
Ilang segundo ang lumipas bago ako nakapagsalita
"Hiwalay na kasi kami ni Bryan 5 years ago nang nakalipas"-
"Diba? Five years din akong NASA ibang bansa" pagtataka niya
"Ganito kasi yun"
**Flashback**
Sinundan ko ngayon si Bryan patungong rooftop. Alam ko namang sa rooftop siya patungo. Hanggang makarating na kami sa rooftop
"Babe?" lumingon naman siya sa akin
"Ba't moko sinundan dito?" poker face na tanong niya
"Gusto lang kitang makausap ng masinsinan. Lately kasi ay umiiwas ka sa akin, may problema ba?"
"Wala Irene, marami lang akong iniisip"
"Para kasing ayaw muna sa akin. Parang napipilitan ka lang. Parang nagbabago kana? Pagtinatawagan naman kita ay palagi kang busy. Pero sabi ni ate ianie na hindi ka naman busy? Alam mo bang nasasaktan ako? Masaya naman tayo dati diba? Ibalik na natin yun" tumulo na luha ko. "Palagi kitang inintindi, puwede bang intindihin mo din ako ngayon?" Patuloy parin sa pag-agos ang mga luha ko
"Irene"
"Bryan puwede mo namang sabihin sa akin na may iba ka nang mahal. Tanggap ko naman kahit labag sa kalooban ko"humahagulgol na ako sa pag-iyak
Lumapit si Bryan sa akin at niyakap ako
"Sorry Irene kung naramdaman mo iyan, sorry talaga sa lahat, sana mapatawad mo ako"
Humagolhol lang ako habang hinihimas niya ang aking buhok
"Akala ko kasi Irene masaya na ako dahil nandiyan ka. Pero hindi eh?"
Ipinaharap niya ako sa kaniya
"Tahan na ha, lalo ka tuloy pumangit" natawa lang ako sa sinabi niya habang pinupunasan ang luha ko gamit ang daliri niya
"Salamat Bryan sa pag-amin sa akin ha. Masaya ako sa kaniya dahil minahal mo siya, hindi katulad ko" at pilit na ngumiti
"Minahal naman kita, pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo"
"Curios lang ako Bryan ha? Ano bang meron sa kaniya?"
Huminga muna siya ng malalim
"Siya lang kac ang babaeng nagsabi sa akin na hindi kita sasaktan, pero sorry ha sinaktan kita. Siya lang din yung babaeng ang saya²-saya ko kapag kasama ko siya. Kahit sobrang gawain dito sa school, pag nakita ko aiyang ngumiti nagagaan ang pakiramdam ko. Pero hindi ko na makikita ang mga ngiti niya" sabi niya
"Bakit naman? Sino ba siya?" Pagtataka ko, tanggap ko nang hindi talaga ako mahal ni Bryan
Ginulo niya ang buhok ko habang ngumisi
"Huwag na maraming tanong. Malalaman mo din" sabi niya sabay ngisi
"Okay. Sorry kanina ha madrama ako. Tara kain na lang tayo, treat ko" tsaka hinila ko siya pababa papuntang canteen
**End of flashback**
"Curios lang ako Irene ha? ayon sa pagkuluwento mo, sino ang babaeng iyon na tinutukoy ni Bryan?"sabi ni Raquel sa akin
"Hindi ko rin alam eh. Kapag malaman ko lang talaga na sino ang babaeng iyon magpapasalamat talaga ako sa kaniya" wika ko habang kinakain na ang pagkaing nasa harap ko
"Bakit naman?" Tanong niya
"Dahil. Kahit 3 months lang kami ni Bryan ay masaya ako sa mga araw na iyon. Hindi kaba masaya na ang crush mo ay magiging boyfriend mo? Okay na sa akin yun kahit three months lang"
"Basta cnabihan kita ha!" aniya
Inirapan ko na lang siya at patuloy sa pagkain
~f ast forward~
Tumunog cp ko
"Oh! Hello Marc"
'Pupunta na ako mamaya' aniya
"Nagbago ata isip mo"
'Sinabi mo kasing pupunta si Irene'
"Aysuss!! Yun naman pala eh!"
"Pero medyo malate ako ha! Tatapusin ko lang ang mga papeles dito NA DAPAT IKAW ANG GUMAGAWA!" sabi niya at idiin pa ang salitang yan
"Reklamo ka naman diyan! Sinisuwelduhan ka naman!!" sabi ko at sinigawan din siya
"Sinabi ko bang nagreklamo ako!" pagtataray niya
"Wla ka talagang kuwentang kausap noh! Palagi ka na lang namimilosopo! Bahala ka sa buhay mo!" May sasabihin pa sana siya pero pinatayan ko na
Huminga muna ako ng malalim at tiningnan ang aking magandang mukha sa salamin
___