Raquel POV
Nagluto ako ng pagkain para kay Marc, kasi dba dadalawin ko siya. Magagalit yun pag hindi ko tinupad pangako ko.
'Oo nga pala! Magkikita rin kami ni Ianie'. Inilagay ko na sa baunan ang pagkain. Ibinilin ko lang don sa lamesa, wala namang pusa dito para kakain.
Dali-dali akong umakyat sa kuwarto ko at ginawa ang morning routine. Mga 40 minutes ay lumabas na ako.
Naka royal blue, offshoulder ako ngayon at pinarisan ng jeans na black na fit na fit sa akin at pinarisan ng mamahaling white rubber shoes.
~coffee shop~
Naka cp lamang ako habang umiinom ng favorite coffee ko dito habang hinihintay ko si Ianie. Habang ang paper bag na nilagyan ko ng pagkain ay nasa gilid ko.
"Oh! There you are Raquel!"
Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko si Ianie papunta siya sa akin, habang hawak-hawak ang coffee. Umupo siya sa harap ko.
"So ano na ate? Kung makaasta siya parang hindi niya ako kilala? May nangyari ba sa kaniya na dapat kung malaman?" Sunod-sunod na tanong ko
Ngumisi lang siya sa
akin
"Hinay-hinay ka Raquel. Bago ko sabihin sayo, puwede bang huwag mokong tawaging ate, Ianie nalang, isang gap lang naman tayo" aniya
"Ok po at-Ianie"
"Pagpasensyahan mo muna kung ganon ang kuya ko" paninimula niya.
"Last three months ago kasi, nabangga siya, isang kotse ang nakabangga niya"
**Flashback**
Bryan POV
Hating gabi na pala, Naglalakad ako ngayon sa kalsada.
"Bakit nila ginawa sa akin toh? Pinagkatiwalaan ko siya, ginago lang nila ako. Hindi nila alam ang sakit na naramdaman ko" bulong ko sa sarili ko
May sasakyang palapit sa akin at agad akong pumagitna
**beep**beep**beep
Naramdaman ko nalang na ang sakit ng katawan ko dahil tumilapon ako at unti-unting lumabo ang paningin ko.
**End of flashback**
"Alam mo Raquel, kung makikita mo mukha niya non, sobrang lungkot niya at sa palagay ko galing pa yun sa bar. Alam mo naman si kuya, Raquel, hindi siya iinom ng basta-basta. May problema talaga siya kapag umiinom siya"
"After 3 weeks, gumising na siya. Tinanong namin siya kung bakit niya iy
on ginawa pero wla na siyang maalala, pati nga kami hindi niya maalala. Buti nga makalipas ang dalawang araw simula nung araw na gumising siya ay naalala na niya kami" mahabang pagpapaliwag ni Ianie
"Hindi niyo ba tinanong sa mga friends namin? Baka may alam sila? Kung bakit niya ginawa 'yun" tanong ko
"Wla na kaming balita sa mga yun, pagkatapos kasi nung gumraduate sila ay hindi na sila ulit nagkita-kita pa" sabi niya
"Ganon po ba. Pero may pag-asa paba para bumalik ang alaala ni Bryan?" tanong ko ulit
Ngumisi lamang siya sa akin
"Oo. Sabi ng doctor na babalik din ang kaniyang alaala"
"God thank you!"
"Kaya nga unti-unti na naming ipinaalaala sa kaniya ang lahat"
***phone rings***
Agad kinuha ni Ianie ang phone niya, ininom ko muna kape ko.
"Sige pa mom. I'm on my way" sagot niya sa kabilang linya. Humarap siya sa akin
"Sorry Raquel I have an urgent meeting . Huwag kang mag-alala nakuwento ko na sa iyo lahat" sabi niya sabay tayo.
"Thanks po" pagkasabi ko nun ay ngumiti muna siya bago umalis
~my company~
(Tunog ng elevator)
Deretso agad ako sa opisina ko habang hawak-hawak ang paper bag.
"Good morning ma'am!" masayang balita sa isa sa mga empleyado ko.
Ningitian ko na lang siya.
Lahat ng madadaanan ko na empleyado ay bumabati sa akin ngitian ko na lang sila bilang ganti.
Pagpasok ko sa opisina ko ay nakita ko kaagad si Marc na busy sa laptop niya.
"Sino yan! Di ba bawal pumasok kapag hindi kumakatok! Papatayin talaga kita!" aniya na busy parin sa laptop
Nasa gilid kasi ang pintuan malayo masyado sa kaniya kaya hindi mo makikita ang pumapasok kapag busy ka masyado sa laptop mo.Dito kasi sa opisina ko kakatok ka muna bago pumasok.
"Kung ikaw kaya ang papatayin ko!" sabi ko habang palapit sa kaniya
Agad naman siyang nagulat at tumingin sa akin sabay tiklop niya sa laptop
"Ikaw pala babe!" ani Marc habang sumasandal sa swivel chair niya
Inilapag ko sa lamesa ang dala ko.
"Buti na lang at itinupad mo ang pangako mo na dalawin moko dito" aniya na parang boss makapagsalita
"Kung makapagsalita ka ha. Akala mo ikaw boss dto. Ako kaya!" sabi ko habang hinarap siya.
Paikot-ikot lang ako dito sa opisina ko.
"So, kumusta na ang company ko Marc" wika ko
"Ok lang babe, huwag kang mag-alala, hindi ko ibinabagsak ang company mo babe" nakangiting loko ang sinabi niya
"Babe ka ng babe dyan! Wla naman dito si Irene " reklamo ko habang umuupo sa sofa
~Marc POV~
Alam kong kilala niyo na ako. At magpanggap lang kaming magjowa ni Raquel kapag kasama namin si Irene. Gusto ko kasi siya, mahal na nga yata. Pero hindi ko muna sasabihin sa kaniya sa takdang panahon!
"Marc, nabalitaan mo na bang, nagka-amnesia si Bryan?" ani Raquel
Oo nalaman ko na, sigurado ako ang dahilan. Bakit? Secretong malupit, malalaman niyo rin.
"W-wa-wala" utal kong sagot
Tumayo ako sa swivel chair at tumingin sa labas. Glass kasi kaya makikita mo ang iba pang matataas na building.
"By the way Raquel, kumusta na sina Tita?, si Dexter? ( kapatid ni Raquel). Nasan sila? Gusto ko lang silang dalawin" sabi ko na sa labas ang tingin
"Ok naman sila. Pero hindi mo sila mabibisita dahil sinamahan ni mama si Dex sa field trip nila"
"Ganon ba, sa susunod na lang" aniko habang pabalik sa swivel chair
Laki kasi ng pasalamat ko kay Tita dahil sila na mismo ni Raquel ang nagbigay sa akin ng malaking posisyon dito, pero mas higit parin silang dalawa
Tsaka ipinamana naman ni Tita at ang company na ito kay Raquel. Masaya na raw siya na maging online seller. Padalaw-dalaw naman siya dito minsan kapag importanteng meeting
__________