CHAPTER 6

986 Words
Raquel p.o.v. Hinahanap ko sila, nawala kasi sila kanina dahil sa dami ng tao, napatago na lang ako sa puno ng madinig ko ang boses nila hindi kalayuan sa amin "Salamat Bryan ha,lalo mo talaga akong pinasaya sa araw na toh" boses yun ni Irene Sinilip ko sila, yakap-yakap nilang isa't isa. Ang saya din nila. Naramdaman ko ang kipot sa puso ko "Sa wakas jowa na kita!" sigaw ni Irene **JOWA** "Happy birthday love? babe? baby?" "Ano naman yan ang dami" Tinutusok na ng karayom ang puso ko. Mga sabi at tawa ang sunod kong nakinggan. Nagdesisyon ko na lang na umalis para hindi na tuluyang mawawasak ang puso ko. Habang naglalakad unti-unting pumatak ang luha ko pero pinipigilan ko ito "Huwag kang umiyak Raquel!, huwag kang umiyak!, wala kang karapatang umiyak!" Sinasampal-sampal ko ang mukha ko **** "Ang tagal mo ha" sabi ni Alvin. "Asan ka galing?" dagdag niya "Ah don, nagpahangin lang tapos tumawag so mommy kaya natagalan ako" pagsisinungaling ko "Umiiyak ka ba?" Tanong ni Marc "Hindi ah" pinunasan ko kaagad ang mata ko **** Tulala lang akong tumingin sa kanila na nagkukuwentuhan "Raquel, Raquel" may malambing tinig na tumawag sa akin pero hindi ko ito pinansin Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Gulat akong tumingin sa kaniya "Raquel ok ka lang ba?" alalang tanong sakin ni Lyca "Kanina pa kami nagkukuwentuhan dito, tulala ka lang" wika ni Raffy "May problema ba, sabihin mo sa'min para matulungan ka namin" sabat naman ni Gia, hinawakan niya kamay ko "Wala marami talaga akong iniisip" pagsisinungaling ko sa kanila "Hi guys!" Napatingin kami sa nagsalita "Owww!!" sabi ng iba. Nakakapit pa si Irene sa braso ni Bryan pero hindi ko na lang sila tiningnan "What's up bro?" tanong ni Paul "Wa-wait lang, kayo na ba?" biglang tanong ni Piolo Tumango silang dalawa "Nakss ka tol!!" Sabi ni Alvin Tutulo na luha ko pero tumingin na lang ako sa mga bituin para hindi na tuluyang tumulo *** Nagkukuwentuhan lang sila at sobrang sweet ng dalawa, hindi ko talaga umiwasang tumingin sa kanila "Guys I have to go, bye!" kumaway muna ako sa kanila bago umalis. Mabuti na lang at hindi nila ako pinigilan Dalawang oras lang ako dito pero andami nang nangyari. Pagkadating ko sa kwarto ko sa bahay ay doon na sunod-sunod na tumulo ang luha ko *** Isang linggo na rin since nung birthday ni Irene. Nandito kaming magbabarkada sa cafeteria, nagsimula na kaming kumain "Hay! Salamat tatlong araw na lang ay graduate na tayo" paninimula ni Raffy "Guys pagkatapos ng graduation ha don tayo sa bahay, sinabi ko na ito kay mama" sunod ni Alvin "O sige ba!" Payag naming lahat "Guys, puwede ba kami dito" Napalingon kami sa nagsalita "Oo sure!" sabi ni Gia Umupo sila sa tabi ni Gia *** Tapos na akong kumain pero sila hindi napakadaldal kasi. Hindi ko kaya talagang makita silang dalawa na sobrang sweet "Guys, naalala ko, ipinapatawag pala ako ni ma'am, bye!" tumayo ako at umalis. Nang biglang may humawak sa kamay ko "Bakit ba sa tuwing kasama natin sina Bryan at Irene ay aalis ka" sabi sa akin ni Piolo "Wrong timing talaga sila" inalis ko na ang kamay ni Piolo at umalis Paglabas ko sa cafeteria ay napasandal na lang ako sa pader at hinawakan ang puso ko, wla namang inutos sa akin si ma'am. Humiwalay na ako sa pader at umalis baka makita nila ako. Wla akong ideya kung saan ako pupunta **SA HAGDANAN** Bababa na sana ako ng makita ko si Bryan, dali-dali akong naglakad pabalik "Raquel! Raquel!" sigaw ni Bryan. Hindi ko na lang siya pinansin. Nahabol niya ang kamay ko "Raquel! Ano bang problema mo bakit mo'ko iniiwasan" "Simula nung naging kami ni Irene palagi mo na lang ako iniiwasan"nakakunot noong sabi niya "Ha?anong iniiwasan? Hindi ah" pagsisinungaling ko sa kaniya pero totoo "Huwag ka nang magsinungaling Raquel" "Pagod lang ata ako sa practice natin" sabi ko habang binibitawan ang kamay niya. "At isa pa ayaw kong ako ang dahilan ng pag-aaway niyo" dagdag ko "Babe!" Paglingon ko sa likod nagtatakbo si Irene papunta kay Bryan "O sige ha mauna na ako" kumaway ako sa kanila bago bumaba **SA GYM** "Ok guys, 20 minutes break" sabi ng nagturo samin nagpractice kasi kami para sa graduation **SA ROOFTOP** Nandito ako ngayon para magpahangin ang init kasi sa gym. Bigla na lang naalala ko ang sinabi ni Irene **ISCEMIA HEART DISEASE** "Malalim iniisip mo ah" Pagtingin ko sa likod nandon so Bryan nakapamulsa ang kamay "Bakit andito ka?" sabi ko sa kaniya. "Doon ka nalang sa BABE mo" bulong kong sabi "Bawal bang andito ako, bakit? Ikaw ba ang may-ari" sabi niya, yumuko nalang ako sa kaniya "Sorry" sabi ko "Uhhmm Bryan?" ako "What?" Tanong niya "Mahal mo ba talaga si Irene?" ako habang tumingin sa malayo "Oo naman, pero mas mahal ko yung isang babae, alam ko namang hindi ako mapapasakanya kaya nagdesisyon na lang ako" "sabi ko bakit hindi na lang siya, si Irene lang ang taong nagmahal sa akin ng totoo" sabi niya Nasaktan naman ako sa sinabi niya, hindi niya alam na nandito ako, atleast nalaman ko kung gaano niya ka mahal si Irene "Bryan, huwag mong saktan ai Irene ha, alam kong alam mo ikaw ang magpapasaya sa kaniya, kahit ano mang mangyari huwag mo siyang saktan" sabi ko tumingin naman siya sa akin "Bakit mo naman nasabi yan para kang mawala nang ilang taon"sabi niya Ngumiti na lang ako sa kanya kahit na totoo "Basta ha, huwag mong saktan kaibigan ko, pag nalaman ko na nasaktan siya dahil sayo lagot ka talaga sa'kin" tinuturo ko pa siya Hindi ko naman gugustuhin na sabihin yun pero kinaya ko ang sakit "Sige ha una na ako" sabi ko sa kaniya Pag-alis ko tumulo na ang luha ko. Hindi na ako tumingin sa likod baka makita niyang umiiyak ako umalis na lang ako _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD