Bryan p.o.v
Nandito ako ngayon sa harap sa bahay nina Raquel. Hindi na ako nag-doorbell kasi sabi niya lalabas na siya..at heto..wala. Tatawagan ko sana siya ng
"Bryan!!" Sigaw ng isang babae
Unti-unti akong tumingin sa kaniya. Nakita ko si Raquel naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam pero parang biglang nag slow mo. Bagay na bagay sa kaniya ang off shoulder dress na kulay royal blue. Pinarisan niya ito ng putting sapatos at sling bag sa kaniyang balikat. Normal lang ang ayos ng kaniyang buhok. Dala-dala nito ang paper bag na nilagyan ng ireregalo niya kay Irene. Ang nagpaganda sa kaniya ay ang mata niya, ang ngiti at ang labi niyang pink. Kahit kailan talaga ang ganda ng babaeng ito
"Bryan, tutulo na yang laway mo" sabi ni Raquel
Natigilan na lang ako ng napagtanto kong nasa harap ko na siya.
"Hindi ah, nanibago lang ako sayo, akin na yan"pagsisinungaling ko at kinuha na kay Raquel ang paper bag.
Ngayon ko lang kasing nakita siyang ganyan ang suot at naka make-up
Sa school kasi ay t-shirts at pants, minsan naka jacket lang, Hindi rin siya nagmamake-up sa school o kahit konting lipstick ay hindi. Inilagay ko na ang paper bag sa backseat katabi nung sa'kin, isinara ko na ang pinto. Pagtingin ko ay pumasok na pala si Raquel. Lumibot na lang ako at sumakay sa driver seat. Tumingin ako kay Raquel nagcp lamang, pinaandar ko na lang at umalis
****
Raquel p.o.v
Nandito na kami sa bagay nina Irene, wlang umimik samin kanina sa biyahe. Pumasok na kami sa loob.
"Hhmm, Raquel may problema ba, kanina ka pa kasi hindi nagsasalita" sabi ni Bryan habang nilalagay sa lamesa ang regalo
May isang lamesa kasi dito na lagyan ng mga regalo. Nagtanong kasi si Bryan kanina sa maid nina Irene, kaya sumunod na lang ako sa kanya dito, inilagay ko na rin ang akin, actually marami nang regalo ang nandito
"Wla-wlang problema, sige ha enjoy" kumaway muna ako sa kanya bago maglakad paalis nang..biglang hinawakan niya yung kamay ko
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Bryan, sa kaliwa kasi ang direksiyon ko
"Pupunta sa mga kaibigan ko" sagot ko
"Di ba dun tayo sa kanila" sabay turo sa co-officers namin
"Di ba nandoon ang mga friends mo?" Tanong ko sa kaniya
Oo nakita ko sila kanina, pagpasok pa lang namin, pero hindi nila kami nakita
"Nag-chat kasi si ate President sa gc na kailangan sama-sama tayo" sabi niya tsaka ako hinila
Mas lalong guwapo si Bryan sa suot niya, pormal na pormal. Binitawan niya lang ang kamay ko nang makarating na kami sa mga co-officers namin. Iilan lang kaming nandito wla ang iba, ewan ko bahala sila. Umupo si Bryan katabi ni ate annalisa at umupo ako sa gabi ni Ianie kapatid ni Bryan
Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, napakanda ng mga disenyo, may iilan ding teachers ang nandito, may mini-stage sa harap at may tugtog
"Raquel, nanibago ako sayo ha"
Nabaling ang atensyon ko sa katabi ko
"Oo nga Raquel, ang ganda mo ngayon ah"
"Salamat po" sabi ko
"Ano ba kayo maganda naman yang si Raquel, hindi niyo lang nakikita Ngumiti na lang sila at ayun nagkuwentuhan kami
****
Irene p.o.v
"Good evening everyone" dinig kong sabi ng mc sa harap, nandito kasi ako sa backstage kuno
"We are here to celebrate, the 16th birthday of ms.Irene Jane Clinton, the beautiful at sobrang sakit na young lady" dagdag ng mc ngumiti na lang ako
"Alam kung alam niyo iyon"." Let's all welcome the birthday girl!Ms.Irene Jane Clinton!" lumabas ako sa backstage ng marinig ko yun
Pagkalabas ko nagctayuan silang lahat at nagpalakpakan, ngumiti naman ako sa kanila ng lahat at pumunta ako sa mc at kinuha ang mic
"Maraming salamat po sa inyong lahat, maari na po kayong umupo" sabi ko na di mawawala ang saya.Umupo naman silang lahat
"Unang-una po ay magpapasalamat po ako kay Lord dahil binigyan niya po ako ng pagkakataong maabot ang edad nato" tumingin ako sa langit
"Pangalawa, magpapasalamat po ako kina mommy at daddy, sa wlang sawang pagsuporta at pagmahal sa'kin. Mommy, Daddy salamat po" tiningnan ko sila mommy at daddy na nasa
harap ko lang nakaupo, ngumiti sila sa akin gumanti namn ako ng ngiti
"At sa inyo-inyong lahat, maraming salamat sa pagpunta sa gabing ito, hindi ko na papahabaan pa, magandang gabi at maraming salamat
Pumalakpak sila lahat. Nagulat na lang ako ng biglang pumutok ang dalawang confete sa magkabilang gilid ko sinabayan pa yun ng tugtog na happy birthday. Ngumiti na lang ako habang tumutunog ang happy birthday, lumapit sa akin sina mommy at daddy at niyakap ako
"Happy birthday baby" sabi ni mommy, gayon din si daddy
"Thanks mom and dad" ngumiting sabi ko
Sinasabayan pa yun ng mga tao na pagpakpak ng happy birthday hanggang matapos. May lumapit sa aming isang lalaki at sinindihan ang kandila sa ibabaw ng cake na nasa gilid ko
"Blow the candle baby" sabi ni daddy
Pumikit muna ako at hinipan ang kandila
Yumakap ulit ako kay mommy at daddy
****
Raquel p.o.v
Nandito ako ngayon kasama mga friends ko, nagusap-usap lang kami at kumakain.
"Hi guys" nakangiting sabi ni Irene
Lumapit agad ako
sa kaniya at niyakap siya
"Happy birthday best" sabi ko
"Salamat best" aniya
Humiwalay ako sa pagaakap niya at bumati na rin ang iba. Pinaupo namin siya
"Guys alam niyo ba kung nasaan si Bryan?
Natigilan ako sa pagkain sa tanong niya
"Hindi eh"si Shiela." Kayo ba guys nakita niyo"dagdag ni Shiela
"Bakit mo ba kasi hinaha-" naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita
"Ayan oh! Sa officers!" Piolo sabay turo sa mga officers
"Sige ha, salamat" Irene. Tumayo na si Irene at umalis
Hindi ako mapakali kung bakit niya hinahanap si Bryan. Tinanaw ko siya hanggang makarating siya sa officers. Nakita ko si Bryan papatayo at aalis kasama si Irene. Hindi ko na napigilan, tumayo na ako at sundan sila, hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan namin, feeling ko kasi may mangyayaring masama na ikawasak ng puso ko
____