Bryan POV Pagkamulat ko ng mata ay nagulat na lang ako dahil nandito na ako sa kuwarto ng condo ko "Anong nangyari kagabi?" Ani ko at hinawakan ang aking ulo dahil medyo masakit Lumabas na ako ng kuwarto na nakahawak pa din sa aking ulo Pagkalabas ko ay nagulat na lang ako dahil merong nakahiga na magandang babae sa sofa "Pamilyar to ah!" Bulong ko "Raquel?!" Pagtataka ko Nagflashback ulit kagabi "Raquel, puwede bang dito ka na lang, huwag mokong iiwan" End of flashback "Tinupad nga niya ang hiling ko. Pero bakit sa sofa siya natulog?. Wla pang kumot?" "Kasalanan mo naman ba to Bryan?? Pashneia ka talaga self!!" Ani ko at pinagsasabunot ang buhok Dahan-dahan ko itong binuhat na pang bridalstyle ulit at ipinahiga sa kabilang kuwarto. Buti hindi nagising. Kinumutan ko muna siya.

