Bryan POV Nandito ako ngayon sa harap ng aming bahay. Hindi para patawarin ang papa ko, kundi kukunin ko ang lahat ng gamit na naiwan ko dito "Sir, umuwi na po kayo!" Salubong ng maid namin "No yaya, kunin ko lang ang mga gamit ko" cold kong sabi sa kaniya at dumeritso sa kuwarto Ianie POV "Kuya!" Masayang sabi ko pagdating sa sala dahil nakita ko si kuya papasok sa kuwarto niya "Yaya?" "Yes ma'am!" Sagot naman niya "Si kuya ba yun?" "Opo ma'am" Pagkasabi yun ni yaya ay dali-dali akong umakyat sa hagdan at pinuntahan ang kuwarto ni kuya (Tok..tok..tok..) Nakakatatlong katok na ako pero hindi pa rin siya sumasagot. Pumasok na lang ako dahil hindi naman niya nilock yung doorknob Pagpasok ko ay nililigpit na niya lahat ng damit niya "Umalis ka na dito Ianie" cold na sabi niya pe

