(After 2 days)
Bryan POV
Kasalukuyan kong pinark ang kotse ko sa parking lot ng may nakita akong isang matandang lalaki
"Parang pamilyar to ah! Parang si..." Nagulat na lang ako ng humarap ito. Pero hindi niya ako nakita. Nasa loob ako ng kotse ko, remember?
"Si papa!!!" Ani ko pero ako ra mismo ang nakarinig
"Pero galit pa din ako sa kaniya noh! Di basta-basta ang ginawa niya sa amin. Lumaki kaming dalawa ni Ianie na wlang ama. Inggit nga ako sa iba non eh!" Bulong ko
Nang umalis na yung sasakyan niya ay maya maya'y bumaba na din ako. Pero may mga tanong pa din na nabubuo sa isip ko
"Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya sa kompanya namin?" Bulong ko habang papasok sa building
Pumasok na ako sa elevator at maya-maya'y nakarating na ako sa 8th floor nandito kasi ang opisina ko. May bumabati sa akin na mga empleyado pero ngitian ko na lang ito
Hanggang nandito na nga ako...
"Kuya nandito ka na pala" sabi sa akin ni Ianie
"Hindi! Manikin ko lang ito" pamimilosopo ko sa kaniya at umupo sa swivel chair
Kapag kaai nandito ako sa company ay sobrang seryoso ko na ang iba pa ay pinipilosopohan ko
"Grabe ka naman kuya, nagtatanong lang" sabi ni Ianie at umupo sa harap ko
"Whatever. Asan pala ai mama" sabi ko habang pinipirmahan ang mga papeles na nasa harapan ko
Ang dami na kasi! Hindi naman puwede si Ianie dahil iba din ang trabaho niya
"Andon! Dumalo sa meeting NA DAPAT IKAW ANG PUMUNTA" diniin pa niya ang salitang yan
Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko
"Ano bang ginagawa mo dito ha? May sarili ka namang opisina dba? Bakit dito kapa tumambay"
"Ang arte-arte mo naman kuya. Sigi nga diyan ka na lang" aniya sabay tayo
"Mas mabuti" mahina kong sabi pero narinig niya ata
Huminto siya sa may pinto at humarap sa akin. At inirapan ako. Hindi ko na lang pinansin at padabog pang sinara ang pinto
"Hay nako!" Sabi ko
Maya-maya'y pumasok ang isang empleyado na may dala namang papirmahan
"Good morning sir! Nais ko lang pirmahan niyo to dahil blah! Blah! Blah!" Hindi na ako nakinig at pinirmahan agad
Pagkatapos niyang magpapirma ay lumabas din siya. Napasandal na lang ako sa swivel chair
"Hay ganito talaga ang buhay opisina" bulong ko habang nilalaruan ang ballpen sa kamay
______
Irene POV
Kasalukuyan kung inaayos ang mga damit ko ng meron akong naalala. Napangiti na lang ako.
Agad kong sinara ang closet ko at pumunta agad sa kama at may kinuha na isang malaking box sa ilalim ng kama ko
Itong box na ito ay dito ko tinago ang mga mahalagang bagay na natanggap ko. At iba-iba pa
Masaya akong nag-oopen nung box. Pagka-open ko ay kinuha ko kaagad yung mga letters. Mga letters noong highschool pa ako, nandito din ang diary ko. Mga quotes na sinulat ko at marami pang iba
"Kahit kailan, hindi kayo magiging crush mo" napatawa na lang ako sa nabasa kong quote
Nagsimula kasi akong sumulat ng mga quotes nung may crush na ako kay Bryan. Pero ngayon wla na eh. Magsulat ulit ako hindi para kay Bryan kung di para kay Marc
Nahagip sa mga mata ko ang isang lalagyan ata ng kwintas. Kinuha ko iyon at binuksan. Kwintas nga!
Tinitigan ko ang kwintas, napangiti na lang ako dahil may naaalala ako
Flashback
"From: Raquel
To: Irene" pagbabasa ko dun sa gift na galing kay Raquel
Nang buksan ko yun ay may isang mamahalin na damit
"Grabe naman si Raquel" bulong ko habang tinitingnan ang maganda at mamahaling damit
Tinupi ko na lang iyon at inilagay sa gilid ko kung saan nakalagay din ang ibang damit na niregalo sa akin
Nang kunin ko yung paper bag para ilagay sa gilid ay mukhang may laman pa eh. Tiningnan ko ulit to at hindi nga ako nagkakamali, may isang box na
Pagbukas ko ng box ay nagulat na lang ako dahil may napakagandang kwintas. Nakapendant pa ang aking pangalan
"Ang sweet mo naman Raquel" sabi ko
"Pero huli na ako eh, hindi na ako makapagpasalamat sa iyo, nakaalis ka na" sabi ko habang tinititigan ang kwintas
'Bakit ngayon lang ba ko ito binuksan?'
"Huwag kang mag-alala Raquel. Aalagaan ko ang niregalo mo sakin"sabi ko at ibinalik na ang kwintas sa loob ng box
Dali-dali akong may kinuha na isang malaking box sa ilalim ng kama ko. At inilagay don ang box ng kwintas
"Dito ka na lang. Hindi ko hahayaang mawala ito sa akin" sabi ko habang nilalagay don ang box
End of flashback
Napangiti na lang ako. At ibinalik na lahat ang mga kinuha ko sa box except sa kwintas
At dali-dali akong humarap sa salamin at isinuot ang napakagandang kwintas
"Sana naalala mo pa ang bagay na ito Raquel. Tinago ko talaga ito para meron kang alala na naiwan sa akin" bulong ko habang hinahawakan ang pendant ng kwintas
"Ipapakita ko talaga sa iyo to sa tamang panahon. Huwag muna ngayon, gusto kong magulat ka pag nakita mo to" bulong ko ulit habng hinahawakan pa din ang pendant
__________