Bryan POV
Hindi na namin naituloy ni Raquel ang pupuntahan namin kahapon. Pinatawag kasi ako doon sa kompanya. Lintek!! Na companya na yan
"Bryan saan ba tayo pupunta?" Sabi ni Raquel habang ako ay nagdri-drive
Dadalhin ko siya sa dream wedding church ko. Gusto ko na kapag kinasal kaming dalawa ay doon
Napuntahan ko na kasi ang church na yun nung bata pa ako. Nagandahan kaai ako sa lugar pati na sa view ang ganda. Kasing ganda ng minamahal ko
At ito nga nakarating na kami, nandito na kami. Agad akong bumaba at pinagbuksan si Raquel ng pinto
"Wow! Inpyernes ha! Ang ganda dito!"Sabi niya pagkababa, napangiti nalang ako sa kaniya
Makikita mo talaga sa mga labi at mata niya na nasisiyahan siya. Masaya nadin ako kapag nakita ko siyang ganyan
"Dito muna tayo Raquel" ani ko sabay hila sa kaniya papunta sa simbahan
______
Raquel POV
Akala ko kung saan ako dadalhin ni Bryan sa simbahan lang pala. My favorite place. Pagpasok namin sa loob ay hindi nakalagpas sa 10 ang tao. Agad kaming umupo at lumuhod si Bryan at nagdasal. Pero ako lumuhod nadin at nagdasal
___
Bryan POV
"Lord, sana itong babaeng kasama ko ngayon ay magiging Mrs. ko. Alam niyo naman po ba kung gaano ko ito kamahal ang babaeng ito. Lord, sana dito kami ikakasal, bata pa kasi ako Lord pangarap ko na, na dito ako ikasal ng pinakamamahal ko. Pagbigyan niyo sana ako" dasal ko kay Lord
Nagsign of the crus na ako at bumalik sa pagkakaupo. Nagdadasal rin pala ai Raquel. Hinintay ko muna siya.
Maya-maya'y umupo na din siya
"Bryan doon muna ako" sabi niya sabay turo sa sindihan ng kandila. Sumunod na lang din ako sa kaniya
Maya-maya'y...may lumapit ni Raquel isang batang babae. Karga-karga ang isa pang bata.
"Kawawa naman sila" tanging naibulong ko
"Ate, palimos po. Nagugutom na kasi ang kapatid ko" sabi nung bata
Nakita ko namang pinantayan ni Raquel ng tayo ang bata. Naawa talaga ako sa kanila, maski si Raquel. At kumuha ng limang daan sa pitaka niya
"Ito oh kumain kayo ng madami ha?"ani Raquel
Pagkakita nung bata sa limang daan ay nagulat siya
"Talaga po? Ang laki po ata niyan"
"Sige na tanggapin muna toh" at inilagay niya ang pera sa kamay ng bata
"Salamat po ate, ang bait niyo po"
"Wlang anuman. Nasan ba ang mga magulang niyo?" Mahinahong sambit niya
"Nandon po namalimos din"
"Sige na umuwi na kayo. Pati na rin ang mga magulang niyo"
"Maraming salamat talaga po" sabi nung bata at umalis. Nakita kong napangiti na lang si Raquel
Tatayo na sana siya nang may lumapit naman sa kaniya na apat na bata
"Ate palimos po" sabi nung isa
Napangiti na lang siya. Kukuha na sana siya ng pera ng tawagin ko ang mga bata
"Mga bata!! Hali kayo!!" Sabi ko at lumapit sila sa kin
Pagkalapit sa mga bata ay pinantayan ko ito ng tayo at dumukot ng isang libo sa pitaka
"Ito oh, sa inyo na yan. Paghahatian niyo yan ha. Magpakabusog kayo" sabi ko habang inabot sa kanila ang isang libo
Nakita ko namang nagulat silang apat. Kinuha ko na lang ang kamay nung bata at inilagay don.ang pera at ngumiti
"Maraming salamat po" sabi nung isang bata
Ginulo ko na lang ang buhok nilang apat at tumayo na din
"O siya kumain kayo ng madami ha?" Àni ko
"Maraming salamat po talaga" sabi pa nung isa. Ngitian ko muna sila, bago sila umalis. Bakas sa mga mukha ng mga bata ang kasiyahan kaya napangiti na din ako
Pagkaalis nung mga bata ay tiningnan ko si Raquel. Nakatingin lang pala siya sa direksyon ko na alam kong naawa sa mga bata na nakita niya. Nilapitan ko nalang ito
"Grabe nakakaawa sila noh. Sa murang edad nila ay maghanapbuhay na sila" malungkot na saad ni Raquel sa akin habang nagsisindi ng kandila. Gayon din ako
"Oo nga eh. Masuwerte tayo dahil hindi natin naranasan ang ganong kahirapan" aniko at inilagay na ang kandila. Nailagay na rin pala ni Raquel ang sa kaniya
"Lord, kayo na po ang bahala sa mga bata. Huwag niyo pong hahayaan na gugutomin sila at ang iba pa na katulad nila Lord" dasal ni Raquel
Napayuko na lang ako sa kaniya
(Fast forward:Kasalukuyan kaming nakaupo ni Raquel sa may bench dito habang tinatangay ng malakas na hangin ang kaniyang buhok
"Bryan, bakit mo pala ako dinala dito. Pero thanks na rin, ang ganda dito" aniya habang nasa malayo ang tingin
"Yung simbahan talaga ang ipapakita ko sayo"
"Bakit naman?" Tumingin na din siya sa akin
"Yun kaai ang dream wedding church ko. Bata pa lang ako, pinangako ko na sa sarili ko na dun ako ikakasal ng taong mahal ko" ani ko at tiningnan siya sa mata
"Pano pag hindi pumayag yung taong mahal mo?"
"E, susundin ko siya. Susundin ko lahat ng kahilingan niya"
"Ang suwerte naman ng mapapangasawa mo Bryan. Huwag mo kong kakalimutan sa kasal niyo ha? Teka lang sino ba ang babaeng yan?"
"Ikaw!" Luhh!! Patay!!!
"Ha?"
"Ang sabi ko, hindi talaga kita makakalimutan"
Paano ko ba makakalimutan ang bride ko. Pero muntik na ako don ha!!
"Pero Raquel, alam kong magugustahan niya ang ikasal dito"
"Pano mo naman nasabi?"
"Wla lang, nararamdaman ko lang. Nararamdaman ko na once na ipapakita o naipakita ko na sa kaniya ito, alam kong magugustahan niya dito"
'Tama naman ako Raquel dba? Nagustuhan mo ang lugar na ito? Gagawin ko ang lahat Raquel mapaakin ka lang' sa isip ko
'Bahala'g magkakamatayan kami Raquel, mapapasaakin ka lang'
.. Ilang minutong tumahimik...
"Bryan, babalik tayo dito ha?"
Babalik naman talaga tayo dito
"Gusto ko lang ulit tulungan yung mga bata at ang iba pa nilang kauri" dagdag niya
'Hindi ka lang maganda Raquel, napakabuti mo ring tao'
"O sige Raquel, kung yan ang gusto mo"
"Salamat"
_____________