CHAPTER 22

993 Words
Irene POV Naalala ko naman ang halik ni Marc nung nakaraang gabi. Hindi siya nagpakita sa akin buong araw kahapon At ito panibagong araw na naman. Last day na namin ito. 4 days lang kami imbes na 1 week. Back to work ulit sila mommy at daddy bukas Pero okay lang noh! Sa amin naman din itong resort nato, puwede lang akong bumalik dito kung kailan ko gusto (Tok..tok..tok) Agad kong pinuntahan ang pinto. Pagkabukas ko ay si Marc buti at nagpakita na din siya sa akin "Marc, buti at nagpakita kana" "Irene sorry pala sa nagawa ko sayo. Hindi ko sinasadya" "Its okay. Kiss lang yun" "Hindi ka galit?" "Bat naman ako magagalit. It gust a kiss, walang malisya nun. Sorry din kong nasampal kita" "Hindi ka nga galit. Salamat. Pero yung sampal mo, ang sakit nun ha!" Sabi niya sabay hawak pa sa kaniyang pisnge Napangiti nalang ako sa kaniya ____ Ang dami-dami naming ginawa magpamilya kasama rin sila Cris at Marc. At ito mag-voleyball na kami. Hindi na sumali sina mommy at daddy magpapahinga muna raw sila Ang ka team ko ay sina Marc si ate, ang katulong namin at ang driver. Samantala nung kabila ay sina Cheska, Cris, si kuya, ang katulong namin, dalawa kasi ang kasambahay namin at ang secretary ni mommy, kasama pala namin siya. Si bunso naman ay ang tig-score LET THE BATTLE BEGIN!!. ay chaar!! Heheheh Nung nagsimula na ang laro ay nagserved na si ate pero nasalo ito ni Cris, pinasa niya kay cheska pero napunta sa likod, pero nasalo nung secretary ni mommy at napunta sa amin. Sinalo naman agad ito ni Marc at pinalo niya ng malakas papunta sa kabila with matching talon pa. At ayun! Nakapuntos kami.Hindi ko alam na magagaling pala lahat sa laro na to Nagpatuloy lang ang laro namin. Magagaling din ang kabila kaya halos dikit ang laban. Nag-change court na rin pala kami. Pero hindi papatalo ang team ko Maya-maya'y... Papunta ang bola sa akin, chance ko na to!! Ng..Inagaw ni Ate at nag-out of balance ako. Ayan kasi! Ang daldal ko sa inyo Matutumba na sana ako ng saluhin ako ni Marc. Salamat na lang sa kaniya.Narinig kong nagtilian na pala ang lahat Napatitig ako kay Marc. Ang gwapo pala niya lalo na kung titigan ang mga mata niya. Hindi ka masasawang titigan. Bakit parang tumibok ang puso. Ibig sabihin bang...inlove ako sa kaniya. Ganon kasi ang nabasahan ko. Pero bawal! Hindi maari! May gf na siya dba? Ayaw kong makigulo sa may relasyon na! Lintek na puso to!! "Magtitigan lang ba kayo diyan?" Nabalik lang ako sa realidad sa sinabi ni kuya tapos tumawa pa "Salamat" tanging nasambit ko kay Marc at umayos na ng tayo "Tara! Ipagpatuloy na natin ang laro" ani ko na nanghahamon pa "Ipagpatuloy pa pala natin? Akala ko hindi na. Hahahah" asar ni Cris at naghighfive pa sila ni kuya. Close na sila agad? "sige na!" Naano na kasi ako sa kanila eh at pumwesto nga ulit sila ....after a minutes... Nanalo nga ang team namin "Yehey!!" Sigaw nila. Masaya din ako dahil nanalo kami "Picture naman tayo guys, remembrance lang" aya ni cheska at inutusan namin ang mga taong dumadaan na picturan kami, buti pumayag sila "1, 2, 3 smile!!" Sabi nung isa Picture! Picture! At ito nga na post ko na. Naka ilang picture din kasu kami eh! Caption with "Bonding with my family and friends❤?". Wala na akong maisip na iba eh! 'May post din kami ni Marc at tinitigan ko ng mabuti iyon. Totoo nga! Ang gwapo niya pero mas gwapo kapag sa personal mo makikita ta's ang bait pa niya' 'Palagi na lang niya ako pinapangiti. Masaya ako kapag kasama ko siya. Masarap siyang kasama. Ito na ba ang sign ng love??' 'Pero bawal! Hindi puwede' - hays!! Erase! Erase! Huwag mo nang isipin yan. Hanggang sa... (Katok) at bumukas ang pinto "Anak, alis na tayo mayanaya! Naimpake mo na ba lahat?" Tanong ni mommy at lumapit sa akin "Opo mommy" ani ko at umupo kami sa kama tabi nung bag ko "Mi?" Tanong ko sa mommy ko "Bakit anak?" "Mi, kung magmahal kayo anong susundin niyo. Isip o ang puso?" Tanong ko sa kaniya, ngumisi lamang siya sa akin "Sino yan anak ha? Puwede ba naming makilalasiya?" "Sa tamang panahon mi, pero puwede bang sagutin mo muna ang tanong ko?" Ngumisi muna siya sa akin at nagsalita "Anong susundin mo? Pareho" nagtagka naman ako sa sinabi niya "Bakit mi?" "Diba nung nakita mo siya o nagtitigan lang kayo ay bumilis ang t***k ng puso mo? Tama ba?" Napatango nalang ako "Wlang araw na hindi mo siya inisip?. Yun ang sagot sa tanong mo!" Ani mommy pero naguguluhan pa din ako "Sana siya na ang makatuluyan mo anak. Tatanggapin ko kahit ano pa man siya. Para sa ikasasaya mo. Hmm?" Sabi ni mommy at hinaplos-haplos pa ang aking buhok "Thanks mommy" ani ko. Si mommy lang kasi ang masasabihan ko puwede namang si daddy pero mas magaan ang loob ko kapag ai mommy ang sinabihan ko "Pero mi? May gf na kasi siya eh" Tumigil naman siya sa paghaplos sa aking buhok "Magtiwala na lang tayo sa Diyos anak ha? Kung kayo ang itinadha kayo talaga. Kung hindi, wla na tayong magagawa non. Marami pa namang diyang iba. Kusang pagtagpuin kayo kung kayo talaga ang itinadhana" mahabang salita ni mommy "Pero anak, ayaw kong makita na umiiyak ka ha? dahil lang sa lalaking yan. Ipangako mo yan sa akin" "Yes po mommy. Ipinapangako ko" sabi ko with pangako effect pa "Ang gusto ko lang naman, na magiging masaya ka anak" Ngumiti lang ako sa kaniya (Tok....tok...tok....) At bumukas ang pinto "Hon, anak. Tara na. Naghihintay na sila sa atin" ani daddy at kinuha ang bag ko na nasa tabi lang namin ni mommy "Tara!" At tumayo na kaming dalawa ni mommy at umalis 'Maipapangako ko ba kay mommy? Hindi ba ako iiyak?' __________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD